#5-Kabataan NOON at NGAYON

2.8K 11 1
                                    


Ano nga ba ang pinagkaiba ng NOON at NGAYON?

NOON ang mga kabataan ay mga binibining mahihinhin at ginoong marespeto , NOON pag nanligaw ka kailangan mo muna ng permiso ng magulang at kailangan mo ring magsibak ng kahoy para patunayan ang pagmamahal mo sa binibining gusto mong maangkin at makapiling , NOON sulatan lang ang nagiging komunikasyon .

Pero lumipas ang henerasyon at ang NOON ay magsisilbing NOON nalamang.

Dahil NGAYON Ay nag iba na , NGAYON mabibilang nalang sa iyong palad ang mga binibining mahihinhin at ginoong marerespeto, dahil NGAYON babae't lalaki ay nawalan na ng Respeto.

Bago matulog telepono ang kaharap at pag gising sa umaga telepono ang hinahanap, naghihintay ng chat ni crush yung crush mo na ngayon ay di kapa kina-crushback.

Masakit malaman na hindi ka crush ng crush mo , pero pwede ba na bago mo iuna si crush unahin mo muna ang diyos.

Bago matulog magpasalamat ka sakanya , sa mga grasyang bigay niya at pag-gising mo mag pasalamat ka ulit sakanya dahil napaka swerte mo at ginising kapa niya.

pahalagahan niyo ang buhay niyo , dahil gusto kong sabihin na ang buhay natin ay nagtatapos din , halimbawa nalang kayo na nagtapos din.

Estranghero'ng nakakausap sa social media na kahit isang oras palamang malaman mo lang ang kanyang itsura't ngalan ay magiging kayo na agad-agad, at maghahangad kana ng pagmamahalang mapasawalang hanggan na para sakin ay kalokohan lamang dahil tulad nga ng sabi ko lahat ay nagtatapos din at baka bukas kayo'y magtapos din.

Mga kabataan nga naman labing anim na taong gulang pa lamang may dala dala ng pakwan.

Alam niyo ba sinayang nyo lang ang sakripisyo ng ating mga bayani.

bayani'ng nag sakrispisyo ng kanilang buhay para lang sating henerasyon ng kabataan.

Binasura niyo lang ang katagang sinabi ni Dr.Jose Rizal na "ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN"

Pero tignan mo ngayon ANG KABATAAN NA ANG SUMISIRA SA BAYAN!.

Mga Kabataan na nawalan na ng Respeto't galang na pati magulang hindi na sinusundan.

MGA KABATAAN sana bago matapos ang minuto , oras , araw , buwan , taon o henerasyon sana'y malaman niyo kung ano talaga ang halaga niyo sa bayan, Ano ba talaga ang halaga ng KABATAAN SA BAYAN.

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon