Ch. 06

441 29 3
                                    

ROME

" Rome! Sandali!"

Mainit ang ulo ko dahil sa nangyari kanina at tila gusto ko ng sapakin ang Guro namin ngunit kahit na gago ako ay alam ko paring irespeto ang matanda.

" Rome! Sandali hintayin mo ako"

Agad akong huminto at tumingin sa kanya dahil sa naririndi na ako sa boses nya kanina pa...bakit pa ba nya ako sinundan? Parte parin pa ito ng sinasabi nyang panliligaw kuno, Tsk sa ginagawa nya ngayon sasabihin na naman ng guro namin na masama akong impluwensya sa ka mag aral ko dahil niyaya ko itong lumiban sa klase na hindi ko naman talaga ginawa.

Alam kong ganoon na naman ang gagawin na kwento ng guro naming iyon na ayaw na ayaw sa akin. Agad akong huminto, at inis ko syang nilingon.

" Zeon pwede ba wag mo na akong sundan, wag ngayon at mainit ang ulo ko"

Sabi ko rito sabay sipa sa basurahan sa gilid. Nakakainis talaga ngayong araw na ito, Hindi ko alam pero hindi ako naiinis ng ganito dati, ngayong lang. At hindi ko alam kung bakit.

" Rome, Kailangan mong kumalma, alam kong mali yung sinabi ng guro natin dahil wala naman sya sa pinangyarihan para sahihin nya ang mga bagay na iyon,pero Rome..kahit na ano pa mang mangyari, guro parin natin sya kaya sana hindi mo na sya pinag salitaan ng ganoon"

Inis akong tumingin sa kanya dahil sa nga narinig ko mula sa kanya.

Nilapitan ko sya at galit na galit ako dahil parang kasalan ko pa ang lahat, hindi ko sinabing wala along kasalan ngunit ginawa ko lang ang alam kong tama.

" Ibig sabihan ba nito sinabi mong kasalan ko ang lahat?"

" Rome hindi naman sa ganoon, ang sa akin lang naman ay sana hindi ganoon ang pakikitungo mo sa guro natin, Alam kong galit ka pero nakiki-usap na ako sa iyo Rome"

Sabi nito sa akin pero kahit na alam kong maganda naman ang intensyon nya sa pag sabi nya ng mga bagay na iyon sa akin, siguro dahil sa inis at galit ko iba ang pag kaintindi ko sa sinabi nya.

" Ibig mong sahihin kailangan kong mag bago?, Ako talaga ang mag babago Zeon?, Saka bakit mo ba ako sinasabihan na mag bago ako?, Ganito na ako, siraulo,gago, bastos at kung ano ano pang ibang tawag sa gagong katulad ko...Kahit kailan hindi ako mag babago, bakit? Sa tingin mo ba anong dahilan kung bakit kailangan kong baguhin ang ugali ko? Kung bakit kailangan kong ayusin ang pakikitungo ko sa guro nating iyon?, Para sa kanya? Para sa guro nating hindi man lang alam ang salitang respeto at pansarili lang?"

Inis kong sabi dito at sabay hablot sa kwelyo nya.

" Pwedeng ako namang ang dahilan kung bakit mo babaguhin ang ugali mo,o kahit na para sa sarili mo na lang"

Sabi nito sa kanya at kumunot ang noo ko sa sinabi nga.

" Para sa iyo?"

Sabi ko rito sabay tawa ko ng mahina.

" Wag mo akong patawanin Zeon, Sino ka ba? Di ba sabi ko sa iyo wag mong pakikialaman ang buhay ko, Nakakatawa ang mga sinabi mo, wala pa tayong relasyon, gusto mo na akong baguhin. Kung hindi mo kayang tanggapin kung ano ako at kung ano ang ugali ko, Itigil mo na iyang pesteng panliligaw na sinasabi mo tutal sinabi ko na dati na wala kang maaasahan sa akin, dahil kahit kailan hindi ako naniniwala sa pesteng pag-ibig na iyan..Marami ng basura sa paligid Zeon wag ka ng dumagdag pa"

Sabi ko sa kanya at saka ko sya tinalikuran at sabay alis, wala akong pake kung huminto sya sa panliligaw nya mas pabor iyon sa akin dahil wala na sya...hindi ko kailangan ng isa pang taong hindi ako tanggap sa kung sino ako. Ayokong mag panggap, kaya pinapakita ko lang sa iba kung sino ako at kung ano ba talaga ako. Hindi ako plastik katulad ng mga wala kwentang kaibigan na tinutukoy nila. Na akala mo mga anghel pero mga demonyo rin naman pala.

Hopeless Boy's: ROME [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon