Prologo

1.9K 63 7
                                    


ROME

" Rome...sa tingin mo tayo na talaga ang para sa isat-isa?"

Tumingin ako sa kanya at naka ngiti sya sa akin ng malapad.
Sa tana ng buhay ko?, Sya lang ang taong hindi ko pa nakikita na nalungkot o umiyak man lang...matagal na kaming mag kakilala pero kahit kailan hindi ko pa sya nakikitang nalulungkot...at kahit kailan ayokong dumating sa punto na umiiyak sya dahil sa akin.

" Bakit mo naman natanong iyan ngayon?...Bakit hindi mo na ba ako mahal?"

Sabi ko naman sa kanya sabay yakap sa kanya ng mahigpit at tumawa naman sya at umiling.

" Sira, Hindi naman sa ganun...Wala lang basta natanong ko lang,"

Sabi nya sa akin sabay tingin sa kalangitan. Kung saan masarap pag masdan ang mga nagnining-ning na bituwin.

Tumingin din ako sa kalangitan at saka ngumiti.

" Oo naman...Kasi alam kong ikaw lang ang taong mamahalin ko...kahit pa tumanda na tayo ikaw at ikaw ang mahalin ko"

Sabi ko sa kanya at narinig ko uli syang tumawa. Kaya yumingin ako sa kanya.

"  Bakit  mo naman ako tinatawanan? Hindi ka ba na niniwala sa akin?"

Sabi ko sa kanya at umiling naman sya habang naka ngiti parin, Hindi mawala ang ngiti sa labi nya.

" Wala...natutuwa lang ako dahil sa sinabi mo"

Sabi nya at namula naman ako ng sobra dahil sa sinabi nya.

" Masaya ako dahil may taong nag mamahal sa akin...kahit papano"

Sabi nya sa akin at ng mga sandali na iyon...sa pag kakataon na iyon.

Doon ko nakita ang lungkot sa mga mata nya...na kahit kailan ay hindi ko nakita sa mga mata nya.

Gusto ko syang tanungin kung may problema sya pero alam kong ngiti lang ang isasagot nya. Kaya hindi ko na lang sya tinanong.

Pero sana...tinanong ko na lang noon, sana tinanong ko na lang kung anong problema nya ng gabing na iyon, sana kasi naging makulit na lang ako...sana hindi na nangyari ang lahat.

Sana ngayon ay nakikita ko pa ang mga ngiti nya .

" Tara na? Hinahanap na siguro ako ni Tito kilala mo naman yun parating galit "

Naka ngiti nyang sabi at tumango naman ako.

" Bukas ng habi kita uli tayo dito?"

Sabi ko sa kanya at ngumiti sya ng ubod ng tamis at tumango.

" Oo naman...hintayin mo ako"

Hopeless Boy's: ROME [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon