CH.32

181 16 18
                                    

ROME

Nagising ako sa  Isang pamilyar na lugar...at ngumiti ako ng malungkot dahil sa lugar na ito.

Dito kami dati nag kikita ni Zanjosh sa parke kung saan na buo ang aming pagiibigan.

Habang tamik akong nag mamasid sa paligid...at inaalala ang kahapon kahit na alam kong panaginip lang ito.

O baka ay patay na ako at ito na ang langit.

Maya-maya ay nakarinig ako ng iyak ng isang lalake ..halata sa kanyang mga iyak na sobrang lungkot nya na wari mo ay naghihinapis sya sa nangyari.

Agad kong hinanap ang pinagmumulan ng iyak na ito at napunta ako sa malapit sa maliit na lawa sa ilalim ng puno. Doon ko nakita ang isang lalake, pamilyar sya sa akin...gusto kong yakapin sya at sabihin na mag kakasama na kami uli dito..at hindi ko na sya iiwan.

Agad akong lumapit sa kanya pero pag lapit ko ay agad syang lumingon sa akin. Natulala ako ng makita ko ang mukha nyang umiiyak.

"Bakit Rome?....Bakit mo ginawa iyon...Bakit mo binalak na mag pakamatay."

Iyon ang una nyang tanong sa akin.

" Nagawa ko lang iyon Zanjosh...dahil pagod na ako...suko na ako at saka gusto na kitang makasama...matagal na kita gustong makasama."

Iyak kong sabi sa kanya pero umiling sya sa akin.

"Hindi mo dapat ginawa iyon at wag mong sabihin na gusto mo akong makasama pa Rome...alam mo sa sarili mo kung bakit...Rome parte na lang ako ng nakaraan...kung ako mas gusto kong samahan ka doon kahit na hindi mo na ako makilala...mas gugustuhin kong masaya ka kahit na hindi dahil sa akin...Rome mahalaga ang buhay ng bawat tao...alam mo iyan...kaya malungkot ako dahil hindi ko akalain na hahantong ka sa ganito."

Malungkot na sabi ni Zanjosh at umiyak ako at umiling.

"Hindi mo kasi naiintindihan Zanjosh, alam kong masama ang ginawa ko...pero ano pa bang magagawa ko? Puro na lang masama ang tingin nila sa akin. Wala pa akong ginagawang masama...hinuhusgahan na nila ako ..Hindi pa nila ako kilala....masama na ang tingin nila sa akin....Kaya mas mabuting mawala na lang ako nang magingasaya na sila ng wala ng salot sa mga mata nila para wala na silang mapunang masama."

Sabi ko sa kanya at agad nya akong niyakap at saka niyakap ko din sya pabalik at umiyak ng malakas.

"Kung sana hindi ka lang nawala...sana nandyan ka pa para sa akin...sana may masasandalan ako sa tuwing may problema akong kinahaharap....miss na miss kita Zanjosh...gusto na kitang makasama"

Iyak kong sabi sa kanya at hinayaan kong ilabas ko lahat ng iyak ko habang yakap-yakap nya ako.

"Alam ko Rome...iniwan kita...pero Rome may mga tao pa ding makikinig sa iyo."

"Walang taong gustong makinig sa akin Zanjosh lahat sila... Galit sa akin pati ang huling taong inaasahan ko ay sinira ang tiwala ko sa kanya."

"Tahana Rome...kumalma ka na...dahil wala na tayong Oras."

Sabi ni Zanjosh at tumingin ako sa kanya at bigla syang nag liwanag.

Hopeless Boy's: ROME [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon