Ch.21

195 19 3
                                    

ROME

Hindi ako makatingin kaya Zeon habang nag bya-byahe kami pauwi sa bahay ko.

Matapos kasi ng nangyari kanina tila nahihiya na akong tumingin sa kanya.
Para kasing pakiramdam ko at namumula ako pag nakikita ko ang mukha nya.

Hindi ko pa din maalis sa isipan ko ang mga sinabi ko sa kanya, Bakit ko ba kasi iyon sinasabi sa kanya?.

"Rome,Okey ka lang ba?,Hindi ka kasi mapakali dyan."Sabi naman ni Zeon habang nagmamaneho.

Tumingin ako sa kanya at kitang-kita ko sa mga mata nya na masaya sya ngayon.

Agad naman uminit ang pisngi ko dahil sa nakita ko syang naka ngiti.

"M-Mangmaneho ka na lang dyan at ng makauwi na tayo!"Nataranta kong sagot saka ako tumingin uli sa labas.

Kainis ang isang ito,Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko para sa kanya eh.

"Rome,Hindi mo alam kung ganoon ako kasaya ngayon."Sabi nya sa akin saka ako tumingin sa kanya.

Nakangiti lang sya ng ubod ng lawak,
"Hindi ko naman talaga inaasahan na mangyayari ang nangyari kanina...Sa totoo lang masaya na ako na makita kitang masaya,At natuwa naman ako dahil hindi naman akong na bigo na mapasaya ka...para sa akin malaking bagay na iyon."

"P-Pwede ba Zeon mag maneho ka na lang."Sabi ko uli sa kanya dahil alam kong sasabihin nya na naman yung nangyari kanina.At nahihiya ako sa nangyari.

"Hahahah,Oo na Rome, natutuwa lang kasi talaga ako, pasenya na hindi ko lang maiwasan ba ulit-ulitin ang nangyari kanina."Sabi nya sa akin.

Oo alam ko naman itong nararamdaman nya,pero nahihiya pa din ako. Ang isang tigasin,walang inunurungan na barumbado na Rome Silverado ay mahihiya at may nararamdaman sa isang tao,Hindi lang basta tao kung hindi sa isang lalake pa.

Ngunit hindi ko din maiwasang mapangiti dahil sa nangyari.Dahil alam ko na,natupad ko na ang hiling nya sa akin.

Na sinunod ko kung saan ako magiging masaya.Tama nga sila hindi naman bawal ang maging masaya.

Kaya sana at wala ng mangyaring masama.At sana kung si Zeon na talaga ang para sa akin ay sana sya na nga.

Dahil sa ginawa ko kanina, marami tuloy akong iniisip na mga bagay,bagay. Katulad ng anong sasabihin ni Zen-Zen.

Paano ko ngayon haharapin ang taong sumira ng buhay ko,dalawang taon na ang nakakalipas, gayo'y heto at sinira ko na ang pader sa puso ko na halos dalawang taon ko ding itinayo at pinatigas.

Pero ano pa bang magagawa ko,nandito na ako,nasabi ko na sa kanya,nahalikan ko na sya.Wala ng bawian.

At wala di naman akong pake sa sasabihin ng iba kaya,Bahala na kung anong mangyari.Basta ang alam ko ngayon masaya akong kasama sya.

"Rome,sa bahay mo muna ako matutulog mamaya,Gabi na kasi."Sabi nya sa akin at tumango lang ako habang hindi nakatingin sa kanya dahil na mumula pa din ang buong mukha ko sa sobrang hiya ko kanina.

"Rome kausapin mo naman ako,Para naman akong tanga dito na wala kausap."Sabi nya sa akin.

"At ano namang sasabihin ko sa iyo Zeon,wala naman akong masabi."Sabay laro ko sa mga darili ko.

"Naiilang ka ba?"Tanong nga sa akin,gusto syang sagutin ng Hindi ba halata? Kaso baka mamaya kung ano pa ang sabihin nya.

"Wala lang ako masabi,Saka nasaan na ba tayo?."Sabi ko sa kanya.

Tumingin ako sa kanya at nakangiti lang sya habang naka tuon ang atensyon nya sa daan.

"Nandito na tayo,heto na nga at itatabi ko na."

Hopeless Boy's: ROME [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon