Ch. 07

456 33 5
                                    

ROME

Mabilis akong tumatakbo papunta sa parke kung saan kami parating nag kikita, heto nga at halos kapusin na ako ng hininga sa pag takbo ko dahil sa kadahilanan na masyado ng huli ako sa oras ng usapan namin at baka mamaya ay umalis na sya.

Makalipas ng ilang minuto pa ay nakarating na rin ako sa wakas at kitang kita ko sya mula rito sa kinatatayuan ko.

Nag pahinga muna ako dahil sa sobrang pagod ko kakaktakbo.

" Rome! Nandyan ka na pala!"

Napa tingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko syang nakangiti habang kumakaway sa akin.

" Pasenya na at inutusan pa ako ni Mama kaya hindi kaagad ako naka punta dito"

Sabi ko naman sa kanya at saka ako nag lakad papalapit sa kanya.

Agad nya akong hinalikan sa labi pag kalapit ko pa lang sa kanya at ngumiti lang ako pag katapos.

" Okey lang iyon Rome, alam ko namang nag aaral ka pa eh"

Sabi nya sa akin at niyakap ko sya ng sobrang higpit dahil kahit ilang oras lang maman ang lumipas ng nag kita kami ay talagang miss na miss ko na siya. Pinikit ko ang mga mata ko at ramdam na ramdam ko ang mainit nyang katawan. Sobra higpit ng pag kakayakap ko sa kanya na para bang sobrang tagal ko na syang hindi nayayakap.

Maya maya pa ay hinaplos nya ang aking buhok gamit ang kamay nya sabay sabing.

" Ikaw talaga Rome, Hindi naman ako aalis eh... nandito lang ako parati sa tabi mo"

Sabi nito sa akin at ngumiti ako sa sinabi nya.

" Syempre namang ikaw lang kasi ang taong mahal ko at mamahalin ko habang buhay"

Sabi ko rito.

" Masaya akong marinig iyan mula sa iyo Rome...pero mas magiging masaya ako pag pinalaya mo na ako Rome..Sana mapalaya mo na rin ang sarili mo sa nakaraan"

Sabi nya sa akin at na guluhan ako sa sinabi nya anong bang pinag sasabi nya?.

Tumingin ako sa kanya upang tanungin kung anong ibig nyang sahihin. Pero nagulat nalang ako ng na punta na naman ako sa eksena na matagal ko ng gustong kalimutan.

Yakap yakap ko sya habang wala syang saplot, at duguan ang buong katawan nya.

Hindi ! Hindi pwede!!!!!!!!!!!

" ROME! GISING!"

Agad kong iminulat ang mga mata ko at tumingin sa taong gumising sa akin, ramdam ko ang luhang tumutulo sa pisngi ko ngayon. Bakit sa lahat ng pwedeng mapanaginipan ko ngayon ay iyon pa? Bakit ngayon pa?.

" Rome okey ka lang?, Binabangungot ka lang"

Sabi ni Zeon sa akin at tumingin ako sa kanya at agad akong yumakap sa kanya sabay ng pag pikit ng mata ko, hindi ko alam pero sa tuwing tumitingin ako kay Zeon nakikita ko sya.. nangyari na rin ito dati...pero natatakot ako...ayaw kong pakawalan ang mga alaala nya...pero natatakot rin ako na baka bumalik ang lahat.. natatakot na bumalik yung sakit...at ang mas malala bumalik ako sa dating ako.

" Tama na Rome panaginip lang iyon wag ka ng umiyak"

Sabi nya kaya agad akong lumayo sa kanya at agad akong nag tungo sa banyo sabay tingin ng sarili ko sa salamin.

Hopeless Boy's: ROME [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon