Ch.10

371 27 4
                                    

ROME

" Zeon! Ako rin pwedeng kumuha ng litrato na kasama ka"

" Ako rin mamaya Zeon"

Linya ng mga babaeng kanina pa tili ng tili, nasa sobrang lakas ay nakakairita na.

" Ah...wag kayong magkagulo baka magalit ang guro natin, pag nakita nyang ganito tayo kagulo...sige kayo at baka pagalitan pa tayo"

Malumanay na dabi ni Zeon,na kanina pa nakikipag usap sa mga babaeng naming mga kaklase. Kanina ay hindi sya sumabay sa akin at maging kaninang tanghalian ay hindi rin sya sumama sa akin.

Wala akong pake sa taong iyon sinabi ko pa lang noong una pa lang, dapat nga masaya ako dahil hindi nya ako ginugulo pero naiinis lang ako dahil hindi ko alam ang dahilan nya bakit bigla nya na lang akong iniwasan.

Hindi tuloy ako maka punta kay Tito para sabihin na ayaw ko sa hayop na Zenzen na iyon na makasama...tsk mga taong sakit sa ulo.

Bahala sya sa buhay nya, pabor naman ang lahat sa akin ang nangyayari...Kung ano man ang ginawa ko na ayaw nya hindi ko na iyon problema....marami na akong problema idadagdag ko pa ba ang sa kanya?.

Nag pokus na lang ako sa panonood sa labas kung saan maraming mga walang kwentang estudyante ang nag lalaro..tipikal na buhay ng isang estudyante.

Pero ano bang maganda sa pagiging estudyante?, Dahil nag aaral sila? O dahil nag sasaya sila sa buhay nila? Dapat bang mag saya sila gayo'y ang iba sa kanina ay hirap na hirap ang mga magulang para pag aralin sila pero kung makatawa at mag saya sila ay para wala silang problemang kinakaharap.

Mga walang kwentang estudyante...tsk tsk.

Napukaw ang atensyon ko ng biglang may kumatok mula sa pinto at rinig ko rin ang malakas na tilian ng mga babae kong mga kaklase..sino ba nag pauso na kailangan tumili pag may nakita ka? Tsk.

Hindi ako lumingon at na natili lang akong naka tingin sa labas.

" Magandang hapon sa inyo, nandyan ba si Rome? Gusto ko sana syang makausap"

Agad na sumama ang mukha ko ng marinig ko ang boses na iyon.

Agad akong lumingon at nakita ko si Zenzen na tumitingin sa loob ng klase namin na hinahanap ako hanggang sa mag tagpo ang tingin naming dalawa. Sinamaan ko sya ng tingin ngunit isang pekeng matamis na ngiti lang ang sinukli nya.

" Rome! Nandiyan ka pala kanina pa kita hinihintay sa labas ngunit hindi kita mahintay kaya ako na ang personal na pumunta dito para sunduin ka...saka hindi ba i-iikot mo pa ako sa buong paaralan?"

Sabi nya sa akin gamit parin ang peke nyang mga ngiti, ano bang hindi malinaw sa mga sinabi ko sa kanya kahapon? At bakit hindi nya maintindihan na ayoko na syang makita.

Pero naramdaman ko na may naka tingin sa akin mula sa gilid kaya pa-simple akong tumingin at nakita ko na naka tingin sa akin ngayon si Zeon.

Isa pa itong gagong ito, ano naman ang tinitingin nya ngayon sa akin? Tsk bakit ba ako nag kakaroon ng sakit ng ulo sa dalawang bugok na mga ito?.

Agad akong tumayo at kinuha ang aking bag at saka nag lakad papunta sa labas.

" Rome"

Lumingon ako at nakita ko si Zeon na naka tingin sa akin sya ang nag sabi ng pangalan ko.

" Ano bang problema mong gago ka? Ano bang kailangan mo? Kung wala aalis na ako, tsk siraulo"

Sabi ko sa kanya sabay iling ko at talikod uli sa kanya.

Hopeless Boy's: ROME [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon