ROME
"Ganoon ka ba talaga mag patakbo ng motor mo Rome sobrang bilis—teka at medyo nahihilo ako."
Sabi ni Zeon pag baba namin dito sa tapat ng bahay nila, Umiling lamang ako ng bumaba sya sa motor ko.
Tinignan ko ang paligid, malayo ito sa bayan at sobrang daming puno na nakapaligid dito.At ang bahay ni Zeon ay ang ikinagulat ko noong una, dahil hindi naman sya nag sinungaling sa kanyang sinabi na malaki ang bahay nila na di hamak na mas malaki kumpara sa bahay na tinitirahan ko.
Ngunit hindi ito katulad ng ibang bahay na, sementado ang haligi, dahil gawa sa kahoy ang buong bahay, at halatang ilang taon na pinag daanan nito. Pero maganda at na renovate na ito.
"Hays, sa susunod Rome sa kotse ko na lang tayo sasakay dahil, baka mag suka na ako sa susunod."
Sabi ni Zeon sa akin habang papalapit sya pero agad akong umiling dahil masyado syang mahina hays.
"Hindi ko alam na ganito kaganda ang bahay na tinutukoy mo Zeon,Hindi moderno pero napakaganda."
Sabi ko sa kanya at hindi ko maialis ang mga mata ko sa ganda nito.
" Siguro nagulat ka ng makita ko na ganito ang bahay na tinitirahan ko, sa totoo lang ay mas pinili ko dito mamalagi dahil maraming mga masasayang ala-ala dito kaya hindi ko pa din pinapabayaan ang lugar na ito."
Sabi nya sa akin at napa ngiti ako ng palihim dahil sa sinabi nya, dahil maging ako ay hindi ko pa din pinapabayaan ang bahay namin ni Lola noon.
"Dito ba kayo nakatira dati? Pero hindi ba mayaman ang pamilya mo?"
Tanong ko sa kanya at napa isip naman sya, dahil ayon kay Dean dati anak sya ng mayaman at base na din sa kanya ay henerasyon ng tumutulong ang pamilya nya sa paaralan kaya,paano sya tumira sa ganitong bahay kung mayaman naman sila?.
" Ah, iyon ba? Bahay kasi ito ng Lola ko noon, dito kami madalas mag bakasyon noong bata pa ako kaya ganoon."
Sabi nya sabay ngiti ng alanganin. Hindi ko na lang iyon pinansin pa.
" Tara pasok tayo sa loob, mag luluto ako, ano bang gusto mong kainin Rome?."
Tanong nya sa akin at sinabi ko na lang na kahit ano.
Nang aalis na sana kami sa motor ko ay napalingon kami pareho sa likuran namin ng may marinig kaming ungong ng sasakayan.
Pag tingin namin ay isa itong itim na sasakyan ay mabilis itong papalapit sa amin. Dahil sa mabilis kong reaksyon ay agad kong hinila si Zeon papunta sa gilid ng daan at natumba ang motor ko ng banggain ito ng itim na sasakyan.
" Ayos ka lang Rome?."
Nag aalalang tanong ni Zeon habang tinitignan ako nito mula ulo hanggang paa.
Agad naman akong tumayo at agad na itinayo ang motor ko na ngayon ay may malaking gas-gas. Iniingatan ko ang motor na ito, dahil ito lang ang gamit ko kung saan ako pupunta.
Agad akong nag lakad papunta sa itim na sasakyan na halata namang sinadya nya na sagasaan kami,kung hindi kami umiwas ay baka na sagasahan na kami.
"Sira ulo ka bang Gago ka?!."
Inis kong sigaw sa may-ari ng kotse at sinipa ko ang gulong nito sa inis ko.
Maya-maya ay may nag salita mula sa loob ng sasakyan na itim.
"Paharang-harang kasi kayo sa daan, nakakairita kayo sa mga mata ko."
Mas lalo akong nainis sa taong ito dahil kahit dito ay sinusundan nya kami, Hindi pa ba sya tapos sa ginawa nya sa akin.
BINABASA MO ANG
Hopeless Boy's: ROME [ Completed ]
RomansaHopeless Series #1 Isa sya sa ginagalang ng lahat sa buong paaralan, matapang,malakas, at walang emosyon. Ganyan ang ugali ng isang Rome Silverado. Ngunit sa pag dating ng isang karakter...mag babago ang lahat...lalabas ang nasa likod matapang,mala...