CH.31

171 17 5
                                    

ROME

"Oo naman Rome mahal na mahal kita at hindi kita iiwan."

"Oo naman Rome mahal na mahal kita at hindi kita iiwan."

"Oo naman Rome mahal na mahal kita at hindi kita iiwan."

" Ahhhhhhh! Argggh!"

BASH! BANG!

Hindi ko makontrol ang emosyon ko ay pinag tatapon ko ang mahawakan kong mga gamit dito sa loob ng bahay ko.

Umuwi ako, at buti wala dito si Tita.

"SINUNGALING KA ZEON! NILOKO MO AKO! NILOKO MO AKO! BAKIT?!BAKIT?! BAKIT?!"

Paulit-ulit kong sigaw habang paulit-ulit na naririnig ko ang salitang sinasabi nya na mahal nya ako. Na handa syang tanggapin kung sino ako, kahit ano pa ang nakaraan ko.

Pero hindi—Isa syang sinungaling, sinabi nya ang mga iyon, ginamit nya ako para sa pag hihiganti nya.

Kaya ba ganoon na lang nya tignan si Ashide?, Kilala nya ito,mag kasama sila sa pananakit sa akin!.

Hindi ko matanggap na ang taong mahal ko ngayon ay syang mananakit din sa akin...lahat na lamang ng mga taong pinagkakatiwalaan ko ay sinasaktan ako.Sinisira nila ang tiwala ko.

Tang*na!Tama din ako eh, dapat hindi ko na binuksan ang puso ko dapat hindi ko na hinayaan na makapasok pa ang isang gagong katulad nya na sa huli pag hihiganti pa din ang balak nga sa akin.

Tang*na mo Rome! Tang*na mo talaga! Hinayaan mong masira ka uli, nag mahal ka nga uli, naging masaya ka nga, na hanap mo ang ilaw sa madilim mong .undo...pero yung ilaw na iyon ay isa pa lang apoy na unti-unting pinapaso ka at apoy na bigla na lang ding nawawala.

Tang*na! Ayoko sa sarili! Napaka tanga ko!, Pakiramdam ko lahat ng tao ay pinagkakaisahan ako, na lahat ng tao ay gusto na akong mawala dito sa mundo.... parang gusto ko na din mawala sa mundong ito ng matapos na ang pag hihirap ko.

" Zeon Bakit?!, Bakit mo ginawa sa akin itoooo"

Iyak ako ng iyak habang naka upo sa naka balitad na sopa sa sobrang galit at inis ko kanina ay binalibag ko.

"Bakit ako na lang palagi ang nasasaktan?, Bakit sa tuwing may nangyayari masama ako na lang ang may kasalan...Ako na lang pinupuntirya?,Wala akong mabigat na kasalan...pero bakit ako dinudusa ng ganito katindi?. Kung may kasalanan ako,iyon ay dahil nag tiwala at nag mahal lang ako... hindi ko kasalan na lokohin at traydorin...wala akong kasalan doon...PERO BAKIT AKO ANG NAG DURUSA AT HINDI SILA! BAKIT AKO! ANONG GINAWA KO!."

Kumulog at kumidlat na para bang sumasabay sa galit at lungkot kong nararamdaman ngayon.

Umiyak lang ako ng umiyak hinahayaan kong tumulo ang aking mga luha sa aking mukha at nag babakasakali na pag nailabas ko na lahat ang aking luha ay mawawala na din ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Na sana makatulog na lang ako at pagkagising ko ay magising ako sa piling ni Zeon at sasabihin nyang isang masamang panaginip lang ang lahat na sana hindi totoo lahat ng nangyari ngayon.

"ARGGGH!!!!! AHHHHHH!!!!!"

Sigaw ko ng malakas sabay hablot sa bangga na naka lagay sa lamesa at binato ito sa sahig.

BASH! BANG!

Tumalsik sa iba't-ibang parte ang piraso ng bangga na nabasag sa buong paligid may tumalsik sa aking harapan na malaking piraso pero walang buhay ko lang itong tinignan na mag tungo sa akin palad.

Kaya ngayon ay isang masaganang dugo ang lumalabas mula sa aking kamay. Pero naka pagtataka lang na hindi ko maramdaman ang sakit mula sa sugat na natamo ko.

Hopeless Boy's: ROME [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon