Ch. 12

325 25 8
                                    

Sa isang matayog na gusali ay nag lalakad ang isang lalakeng matangkad at may magandang postura, kitang kita sa kanya itsura mula sa kanyang mamahalin nyang kasuotan isama mo pa ang maganda nitong mukha na Isa syang ma-impluwensyang tao.

Agad syang pumasok sa elevator at pinindot ang button na numero 30 ang pinaka dulo ng gusaling ito...Walang buhay ang mga mata nito at hatala sa kanya expresyon na wala syang pake sa nangyayari sa kanyang paligid.

Pag kalipas ng ilang minuto ay bumukas ang pinto ng elevator at agad syang lumabas at daretsong nag tungo sa isang malaking pinto at ang tanging kwarto lamang sa buong bahagi ng gusali na ito.

Hindi na sya kumatok dahil ng masilayan sya ng mga taong naka bantay sa pinto ay agad nila itong pinag buksan.

Pagka pasok nya ay agad nyang inikot ang kanyang paningin at tila mayroon syang hinahanap.

" Hindi ko alam na bibisitahin mo pala ako dito pag katapos ng nangyari"

Agad nyang hinanap ang nag mamay-ari mg boses na iyon.
At agad nyang nakita ang isang lalake na naka upo sa sopa habang naka hawak ng isang baso ng mamahaling alak.

Agad naman inikot Ng lalake ang kanyang mata ng makita nya ang hinahanap nya. Agad syang nag tungo sa kabilang sopa at doon binagsak nya ang kanyang katawan.

" Tsk anong masama kung pumunta ako dito?, Binabawalan mo ba ako?"

" Hindi naman sa ganoon, alam mong pwedeng pwede lang pumunta dito kahit kailan mo gustuhin hindi ba?"

Sabi ng lalakeng may hawak na mamahaling alak.

Tinungga nya ang laman ng baso at saka ito seryosong tumingin sa lalake.

" Itutuloy mo pa rin ba ang balak mong pag hihiganti? Hindi ka ba naawa?"

Dahil sa sinabi ng lalakeng may hawak na baso ay agad na suminghal ang Isa pang lalake at tinignan nya ang masama ang lalakeng may hawak na baso.

" Awa? Naawa ba sya sa ginawa nya? Hindi mangyayari trahedyang iyon kung hindi dahil sa kanya...mas mabuti nga kung sya na lang ang na matay...bakit ikaw na aawa ka ba?"

Agad namang nag iba ang emosyon ng lalakeng may hawak na baso ng mamahaling alak bago ito tumingin sa lalakeng kausap nya.

" Hindi bakit naman ako maaawa?"

Sabi nya ngunit taliwas ang sinasabi ng kanyang mga mata.

" Mabuti kung ganoon"

Sabi Ng lalake at saka ito tumingin sa labas kung saan makikita ang kabuan ng malawak na syudad .

" Hinding hindi ko sya mapapatawad...kahit na anong mangyari gagawin ko ang lahat para maramdaman nya ang sakit ng ginawa nya...maghintay  sya"

Sabi nito sabay ngumiti ito ng nakakakilabot.

Samantala sa kabilang banda naman ay isang lalake ang nag hihintay sa airport may hawak itong papel na nakalagay ang pangalan ng taong sasalubungin nya.

Maya maya pa ay kumaway kaway ito habang pinapakita ang papel nitong hawak ng makita nya ang taong hinahanap nya.

Agad syang lumapit sa lalakeng paparating.

" Magandang umaga po senior kamusta po ang byahe? Ako nga po pala ang pinadala ang inyong mga magulang upang sunduin ka dahil marami po kasi silang inaasikaso"

Sabi nito sa lalakeng kakarating lang.

" Hays ano pa ba ang aasahan ko sa kanila"

Sabi naman ng lalakeng kararating lang, matangkad at gwapo ang lalakeng kakarating lang may kulay ang kanyang buhok na kung sa ingles ay tinatawag nilang blonde at  maputi rin ang kutis nya.

Hopeless Boy's: ROME [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon