Ch. 08

395 31 12
                                        

ROME

" Rome gising ka na pala, Sya nga pala magandang umaga, tara na at kumain na tayo sakto at nakahanda na ako ng umagahan natin"

Sabi ni Rome ng makalabas ako mula sa kwarto ko dala dala ko ang aking tuwalya.

" Walang maganda sa umaga, mauna ka ng kumain at ng umalis ka na ayokong ma-isyu sa mga kapitbahay ko"

Sabay lakad ko papunta sa loob ng banyo, hindi ko na sya pinatapos pang mag salita. Pumasok ako sa loob at agad ko itong sinara sabay kandado.

Tumingin ako sa salamin at napa mura ako ng wala sa oras ng makita ko ang itsura ko. Gulo gulo ang buhok at ko tsk tsk. Bakit ba hindi na lang sya umalis ng maaga.

" Makaligo na nga lang at ng mahimasmasan ang ulo ko"

Sabi ko na lang mula sa kawalan sabay ligo.

Lumabas ako sa banyo at ayos na ang damit ko hindi naman uso sa akin ang salitang uniporme tsk.

Pinunasan ko ang basa ko pang buhok habang hinahanap ko si Zeon. Nasaan na ba ang taong iyon..tsk mas mabuting umalis na sya dahil ayokong maging dito mismo sa bahay ko ay pag usapan na naman ako.

" Rome tapos ka na palang maligo sakto, at mag papalit lang ako saglit at ng makakain na tayo"

Agad akong napalingon sa pinag mulan ng boses ni Zeon akala ko ba wala na ang taong ito ngunit nag kamali ako dahil nandito pa pala sya.

Pag kalingon ko sa kanya ay hindi ko maiwasang agad na umiwas ng tingin sa kanya.

" Okey ka lang Rome? Namumula ka"

Sabi nito at tinignan ko uli sya gamit ang walang buhay kong mga mata pero derekta mula sa kanyang mga mata ako tumingin.

" Wala kang pake...okey lang ako...saka bakit wala kang suot na pang itaas? Paano kung may makakita sa iyo mula sa bintana huh?"

Sabi ko sa kanya at tumingin namang sya sa itsura nya.

" Pasenya na Rome tinignan muna kasi kita kung tapos ka na mag papalit na rin ako sige maiwan na kita hintayin mo ako at sabay na tayo kumain...sandali lang ito pangako"

Sabi nya sa akin sabay kamot sa ulo nya at agad syang pumasok sa kwarto kung saan sya natulog.

Agad naman akong bumalik sa banyo sabay hilamos ng mukha ko uli dahil pakiramdam ko ay sobrang init nito.

Tsk sinong mag aakala na ang taong katulad nya ay may magandang katawan rin itinatago..tsk wala akong pake sa kanyang kalamnan o kaya samatigas na braso nya o ang kanyang malapad na dibdib. Tsk meron din ako ganoong hindi lang ganoong katigas at kalapad.

Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko bigla pero bahala sya sa buhay nya kung anong gagawin nya.






" Hindi ba si Zeon iyon? Tapos si Rome? Iyong bading na siga?"

" Oo nga alam nyo ba sabi nila sabay silang pumasok sa paaralan"

" Ano kayang pinakain ni Rome kay Zeon para maging ganyan sila kadikit sa isat-isa?"

" Baka magaling sa kama ang gagong bading na iyan kaya hindi sya mapakawalan ni Zeon"

" Hahaha oo nga yung tipong tumutirik na ang mata nya sa sobrang sarap hahahha"

" Puta! Kadiri namang kayo hahahha pero mas kadiri si Rome hahahaha"

" Mawalang galang na mga binibi"

Hopeless Boy's: ROME [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon