CH.30

204 14 3
                                    

ROME

" Zanjosh nandito ka lang naman pala, kanina pa kita tinatawag Hindi ka naman sumasagot ."

Nag tatampo kong sabi sa kanya habang pinalobo ko ang pisngi ko dahil sa mas maawa sya pag nakita nya akong ganito.

Tumingin sya sa akin at ngumiti, parati na lang syang nakangiti kahit na may problema pa sya.

"Ikaw talaga Rome sige na tama na, pasenya ka na at may iniisip lang ako."

"Mas importante ba iyan kasya sa akin?. Hindi mo na ba ako mahal Zanjosh?."

Tanong ko naman sa kanya. Nakita ko syang tumawa ng mahina at umiling.

" Syempre mas importante ka, at mahal na mahal kita Rome alam mo iyan."

Sabi nya saka tumingin uli sa kalangitan. Pinag masdan ko ang mukha nya.

"Ano ba kasing iniisip mo Zanjosh?."

Tanong ko sa kanya at tumingin uli sya sa akin.

" Ahh... iniisip ko lang ang mga kapatid ko."

Sagot naman nya. Agad akong tumabi sa kanya at yumakap ako sa tagirilan nya.

"Eh? Bakit na saan ba? Bakit hindi mo sila kasama dito ngayon?."

Sabi ko naman sa kanya sabay tingala sa napaka amo nyang mukha.

" Nasa malayo sila, gusto ko silang puntahan pero masyado na silang malayo, Saka masaya na sila kaya hindi ko na sila aabalahin pa."

Sabi nya sa akin. Niyakap ko sya ng mahigpit kaya tumawa sya ng mahina at sabay hawak sa buhok ko.

" Zanjosh, alam kong balang araw mag kikita kayo ng mga kapatid mo dahil tutulungan kitang hanapin sila, kasi mahal kita hehehe."

Sabi ko sa kanya at ngumiti sya sa akin ng ubod ng tamis.

" Sinabi mo iyan Rome, pag may trabaho na tayong parehas sabay natin silang pupuntahan... pag katapos nun ipapakilala ay ipagmamalaki kita sa kanila na ikaw ang pinaka cute na tao sa buong mundo at ang tanging minamahal ko."

Sabi nya sabay kiliti sa leeg ko at pagkatapos at humalakhak ako ng malakas. At pinanghahawakan pa din ang pangako namin na sa huli di na namin ma gagawa.

*****************************************

Alam ko na may kapatid si Zanjosh, pero dahil sa lumipas na ang panahon at simula ng mawala sya... nakalimutan ko ng ang pangako na hanapin namin ang mga kapatid nya para maipakilala nya ako sa kanila.

Pero hindi na namin iyon magawa dahil wala na sya... At sa loob ng limang taon...Hindi ko inaasahan na makikita ko ang kapatid nya na tinutukoy nya.

At sa hindi inaasahang pangyayari na tila ba pinag lalaruan qko ng tadhana.

Ang kasalukuyan ko pang mahal ay ang kapatid nya.

" Hindi mo ba alam? Si Zanjosh at Zeon ay magkapatid."

Hopeless Boy's: ROME [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon