CH.34

226 19 11
                                    

ZEON

Tatlong araw ang lumipas simula ng malaman kong sinugod si Rome sa hospital gusto ko mang pumunta ngunit pinag bawalan ako ni Kuya Zenzen ng sa ganoon ay wala ng ibang gulo.

Pero ng umuwi si Kuya Zenzen dito sa bahay namin dati ay puno ng pasa ang mukha nya. Doon ko na laman na kagagawa ito ng Papa ni Rome.

Hindi na sinabi ni Kuya ang buong kwento, ginamot ko sya, dito nya sinabi sa akin na balak na dakipin ni Ash si Rome, at binabantayan ni Dymitri si Rome mula sa malayo.

Hindi ko masyadong kilala si Dymitri, Minsan ko lang syang nakita noon, pero sabi ni Kuya mapagkakatiwalaan sya kaya hinayaan ko muna si Rome na mag pagaling. At balak ni Kuya na mag usap kami ni Rome ngayong araw na ito.

Dahil bukas ay ilalabas na si Rome sa hospital.

"Dumaan ka sa likod Zeon, makikita mo so Dymitri Doon."

Sabi ni Kuya Zenzen sa akin habang nasa loob kami ng kotse.

" Sigurado ka ba dito sa plano mo Kuya?"

Tanong ko naman sa kanya, bumuntong-hininga sya at hinawakan ang balikat ko.

" Mahal mo si Rome hindi ba?,Kaya dapat masasabi mo sa kanya ang totoo, kailangan mo syang kausapin kung gusto mong wag syang mawala sa iyo."

Sabi ni Kuya habang ngumiti ito ng bahagya pero kita ko naman sa mata nya ang sakit, alam ko...nakakailang na sabihin nya ang mga katagang iyon dahil sa may relasyon dati sila ni Rome, at alam kong mahal nya pa din ito hanggang ngayon.

"Kuya sigurado ka ba talaga? Hindi ba mahal mo din Rome?."

Tanong ko sa kanya. Natahimik sya ng ilang segundo bago mag salita uli.

" Alam mo Zeon, ang dami mong sinasabi, pupunta ka ba? Para linawin ang lahat kay Rome oh hindi? Kanina ka pa inaabangan ni Dymitri doon sige na labas na."

Sabi nya sa akin at pinag tulakan nya ako palabas ng kotse at iniwas nya ang tanong ko sa kanya.

Hinayaan ko na lang si Kuya bago ako nag tungo sa kinalalagyan ng taong sinasabi nya.

Dumaan ako sa likod papasok sa hospital na kinalalagyan ni Rome, at doon nakita ko ang isang lalake na naka sandal sa pader at tila may hinihintay.

"Dymitri?"

Tanong ko sa kanya at lumingon naman sya sa akin. Nag lakad sya papalapit sa akin at wala namang ibang tao dito sa loob kaming dalawa lang.

Nang makalapit sya ay agad nyang binigay sa akin ang isang supot na may lamang damit. Mag tatanong sana ako kung para saan ito pero agad din syang nag salita.

"Alam mo wag ka ng mag tanong, pumunta ka sa kwarto ni Rome, ilang minuto mula ngayon ay wala ng tao sa loob ng kwarto nya dahil inaasikaso nila mga papeles para na lumabas na si Rome dito...kaya daliaan mo tatlumpong minuto lang, galingan mong mag paliwanag"

Sabi nya sabay hawak sa balikat ko at saka sya lumubas sa pinasukan ko kanina lamang.

Tinignan ko ang damit na hawak ko at saka bumuntong-hininga, kailangan ko talaga syang makausap ngayon ng malaman nya ang mga dahilan ko..na mahal ko sya.








Nag lalakad ako ngayon papunta sa kwarto kung saan namamalagi si Rome,Naka suot ako ng damit ng mga nurse dito at nakasuot ng takip sa aking mukha.

Normal lang akong nag lakad at umakto dahil baka mahalata nila ako at mahuli pa pag nagkataon.

Nang malapit na ako sa kwarto nya ay mag hintay muna ako ng minuto, Maya-maya ay lumabas ang Tita nya at isang lalake, Hindi ko ito kilala pero ang dalawang kasunod nya ay ang kambal na kapatid ni Rome sigurado ako dahil nakita ko na noon silang pagtunlungan si Rome.

Hopeless Boy's: ROME [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon