Ch. 11

334 27 14
                                    

ROME

Napa buntong hininga na lang uli ako ng malakas.

Pang ilang bese na akong bumuntong hininga simula ng dumating ako sa paaralan ng mga basurang estudyante dito.

" Gago ka talaga! Zeon!"

Sigaw ko na lang mula da kawalan, hindi ko pa rin maproseso sa utak ko ang mga nangyari kagabi, Sana pala hindi ko na pinapasok sa loob ng bahay ko ang gagong iyon.

Naguguluhan na rin ako sa sarili ko sapagkat hindi ko alam kung bakit hinayaan ko lang syang gawin iyon sa akin.

Arggghhhhh!, Pag iniisip ko ang bagay na ginawa nya gusto kong manapak ng mga basurang estudyante na dadaan dito sa kinalalagyan ko.

Napa hawak ako sa ulo at bumalik sa akin ang nangyari kahapon.





" Rome?"

Sabi nya at tinaasan ko sya ng kilay.

" Gising ka na pala gusto kitang sapakin ngunit wag muna dahil--"

Lumaki ang mata ko at nagulat ako sa nangyari.

Basta ang alam ko? Hinalikan nya ako sa labi.

Hindi ko agad na proseso ang nangyayari ngayon dahil sa pag kagulat ko.

Pero nagising ako sa reyalidad ng maramdaman kong nag pupumilit ang kanyang dila na pumasok sa akin bibig kaya agad ko syang tinulak ng malakas at agad syang napa higa sa kama.

Agad akong tumayo at sabay punas sa aking mga labi.

" Gago ka ba Zeon?! Bakit mo ginawa iyon?!"

Sigaw ko sa kanya ngunit tinignan nya lang ako gamit ang halos papikit nya ng mga mata.

" Hindi ko alam kung bakit humatong ka sa ganyang kalagayan mo, tumigil ka Zeon mainit pa rin ang ulo ko sa iyo dahil sa ginawa mo kaninang umaga "

Sabi ko sa kanya ngunit umupo lang sya at tumingin sa akin.

Maya maya at bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

" Rome...Wala ka ba talagang pag tingin sa akin?"

Bigla nyang sabi sa akin kaya napa kunot ang noo ko sa kanya pinag sasabi ng gagong ito?.

" Hindi ba nilinaw ko na sa iyo dati pa noong una pa lang. Zeon na wala kang maaasahan sa akin "

Sabi ko sa kanya ngunit tumawa lang sya ng mahina.

" Oo nga pala..naalala ko na ang sinabi mo dati...pero bakit ganoon Rome? Bakit kahit na sinabi mo na umaasa pa rin ako kahit ka-unti may pag tingin ka sa akin "

Sabi nya sa akin at nawalan ako ng salitang sasabihin sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko sa kanya.

Mas lalo akong na gulat ng makita kong may mga luhang pumatak mula sa kanyang mga mata.

" Pero bakit yung Zenzen na iyon Rome? Kahit na pinapakita mong ayaw mo sa kanya...bakit nararamdaman ko na may nararamdaman ka sa kanya? Sa mga tingin mo sa kanya iba...Rome...ano mo ba dati si Zenzen?"

Sabi nya sa akin at umiwas ako ng tingin sabay buntong hininga.

" Gabi na...at lasing ka na...saka ayan punasan mo ang sarili mo"

Hopeless Boy's: ROME [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon