Ch.28

188 16 10
                                    

ROME

"Rome saan ka pupunta?"

Sabi ni Zeon ng kunin ko ang susi ng motor ko. Pag katapos ng nangyari ay umuwi ako dito sa bahay upang kunin ang susi ng motor ko.

"Zeon,Hayaan mo muna akong mag isa...gusto kong mag-isip,gusto kong ilabas ang bigat ng nararamdaman ko at ayokong pati ikaw ay madamay pa dito, gusto kong ipaliwanag sa iyo ang lahat,pero wag muna ngayon."

Sabi ko sa kanya.Saka ko binuksan ang pinto ng bahay. Pero natigilan ako ng bigla nya akong niyakap at pinatanong ang ulo nya sa likod ko.

"Rome,handa ko naman tanggapin kung anong nangyari sa iyo sa nakaraan mo, Hindi mababawasan ang pagmamahal ko sa iyo sa kahit na anong malaman ko,dahil mahal kita Rome"

Sabi nya at saka ako bumuntong-hininga.

"Pupunta ako kay Mama, sasama ka ba?."

Sabi ko sa kanya at agad syang pumasok sa loob ng bahay at kumuha ng damit na panlamig.

Hinintay ko sya sa motor ko. Ngayon ko na alala na hindi na katulad ng dati ang lahat, handa na akong harapin ang malupit na mundo, at hindi ako nag iisap kasama ko si Zeon.

Mahirap ng magtiwala kung naloko ka na dati pero, gaya nga ng sabi nila bakit hindi natin buksan ang puso natin sa taong mahal na mahal tayo?.

"Rome tara na pasok ka na sa loob."

Sabi ni Zeon sabay bukas ng kotse nya pero umiling ako.

" Hindi tayo sasakay dyan."

Sabi ko naman sa kanya sabay sakay sa motor ko.

Sinuot ko ang helmet ko,Saka pinaandar ang makina.

Nilingon ko si Zeon sabay sabing.

"Hindi ka ba sasakay? Iiwan kita dyan."

Walang emosyon kong sabi sa kanya. Pero agad naman syang lumakad papunta sa tabi ko at kinuha ng isa pang helmet.

"Sigurado ka ba dito Rome?."

Tanong nya at tumango lamang ako. Umangkas sya sa likod ko at pinulupot ang kamay nya sa bewang ko.

Hindi naman ako nag reklamo at agad na pinaandar ang motor ng sobrang bilis ng sa ganoon ay makarating kami kaagad sa puntod ni Mama.

Agad naman syang bumaba pero nakatulala lang sya. At Mukhang gulat sa pag papatakbo ko ng mabilis.

"Hanggang kailan ka dyan tutulala Zeon?, Maiwan ka na lang ba dyan?."

Tanong ko sa kanya sabay lakad papasok sa loob ng sementeryo kung saan nakalibing si Mama.

Ngumiti ako ng mapait dahil sa ngayon,Hindi pa din ako makapaniwala na dahil sa akin namatay si Mama. Hindi ko maiwasan na malungkot kapag nakikita ko na ang tanging lapida na lang ni Mama ang pwede kong makita at mahawakan.

Kung hindi dahil sa katangahan ko sana..buhay pa sya.

"Mama...kamusta ka na? Matagal na din noong huli akong naka dalawa sa iyo, pasenya na at marami lang po akong iniisip kamaikailan lang kaya hindi ko kayo mabisita."

Agad akong ngumiti kasabay ng pag tuloy ng luha ko.

"Mama,Masaya po ako na malungkot sa ngayon."

Agad kong pinunasan ang aking luha sabay ngiti uli.

"Masaya po ako ngayon Mama dahil, may tao po uling nag patibok ng puso kong matagal nang nalunod sa kadiliman...at masayang masaya po ako dahil nakilala ko na ang taong iyon."

Hopeless Boy's: ROME [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon