Ch. 16

297 20 5
                                    

" Rome! Magandang umaga"

Naka ngiting sabi ng isang lalake sa isa pang lalake na naka suot ng salamin at may matambok na pisngi.

" Magandang umaga din, Yung takdang aralin ko pala ito na"

Sabi ng lalakeng may salamin sa mata nya.

Agad naman napa kamot ng ulo nya ang lalake at saka ngumiti.

" Alam na alam mo na talaga  ang kailangan ko hehehe"

Pabiro nitong sabi sa lalakeng may salamin.

"  Alam ko naman pag maaga ka ng dating, tiyak na wala kang nagawang takdang aralin...sige na gayahin mo na ngunit mag iba ka ng kaunti ng hindi mahalata"

Sabi ng lalakeng naka salamin sabay kuha ng kanyang  bagong kuwaderno at saka ito nag sulat uli. Dahil isa ito sa hilig nya  mag sulat .

Kaya sya ang takbuhan ng ibang mga kaklase nya sa tuwing kailangan nila ng mga pwede nilang pag kopyahan.

At hindi naman nagiging madamot ang lalakeng may suot na salamin dahil ang kanyang kasabihan ay
' Kung kaya kong tumulong sa iba tutulong ako,dahil hindi masama mag bahagi ng kaalaman sa iba'

Kahit na alam nyang minsan ay sumosobra na sila ay hinayaan nya pa rin ito.

" Sya nga pala, pupunta ka ba sa field trip natin sa susunod na sabado? Sumama ka ah para maging masaya"

Sabi ng lalake sa lalakeng naka salamin. Tumango naman ito bilang tugon. Gusto nya rin makasama ang kanyang kaibigan kaya gusto nyang sumama sa kanila.

Ang dalawa ay mag kaibigan na talaga,mag kasangga sa ano mang problema...ngunit nag bago ang lahat ng malaman nila ang sekreto ng lalakeng naka salamin.

Masakit para sa lalakeng naka salamin ang nangyari ngunit mas masakit ng pati ang kanyang kaibigan ay iiwan din pala sya....ang taong akala nya at paniniwalaan sya ngunit maging ito at lumayo sa kanya.



ROME

" Rome? Gising ka na pala?"

Gulat nitong sabi ngunit mas nagulat ako. Dahil anong ginawa nya dito?.

" Anong ginagawa mo dito?!,"
Galit kong sabi dito.

Bakit sya nandito? Bakit nandito ang gagong ito? Pati ba sya bumalik din? Puntang*nang buhay ito!.

" Rome kumalma ka, Hindi makabubuti kung galaw ka ng galaw lalo na at may mga pasa ka pa"
Nag aalalang sabi nito sa akin.

Kahit na totoong nang aalala sya sa akin ay hindi ko sya mapag kakatiwalaan hindi kahit kailan.

" Dymitri! Bakit ka pa bumalik huh?, Isa kang tryador!," Galit kong tugon sa kanya.

At medyo napa ngiwi ako dahil naramdaman ko ang sakit ng katawan ko marahil ito ay dahil sa mga pinsalang natamo ko kanina nang kamuntik na akong halayin ng mga gagong iyon.

Mag sasalita pa sana si Dymitri ngunit agad na bumukas ang pinto at bumungad ang mukha ni Tita na nag aalala at kasama nya rin si Tito.

Agad itong lumapit sa akin at saka nya tinignan ang mga pasa ko.
" Rome! Mabuti at gising ka na, Ano? May masakit ba sa iyo? Okey ka lang ba?"

" Okey lang ako Tita medyo masakit ang katawan ko ngunit ayos lang ako"
Walang emosyon kong sabi at saka ko tumingin ng masama kay Dymitri na naka upo sa isang sulok.

Hopeless Boy's: ROME [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon