ROME
"Hindi ba ganito din ang nangyari dalawang taon na ang nakalipas Rome?,Kahalikan ko si Zen habang ikaw nagpapakatanga sa kanya noon.Kaya nga namatay ang Mama mo dahil sa katangahan mo at pati na sa kalandian mo."
Sabi ni Ashide at nandidilim ang paningin ko sa kanya.
Bumalik yung sakit na naramdaman ko dalawang tao na ang nakalipas.
Pero agad akong kumalma at pinigilan ang sarili ko na sapakin sya sa harap ng maraming tao dahil mas lalo pa nilang kakampihan ang pungtang*na na lalakeng ito.
"Ano naman ngayon?,Kung Kahalikan mo Zen-Zen?, Bago ka nga magsalita tanungin mo muna sa akin kung may nararamdaman pa ba ako sa kanya at kung may pakialam pa ba ako."
Sabi ko sa kanya at walang emosyon akong tumingin sa kanilang dalawa ni Zen-Zen.
" Wala na akong pake sa inyo Ash, Kahit anong gawin nyo sa harapan ko wala na sa akin iyon, isaksak mo si Zen-Zen sa baga mo."
Sabi ko sa kanya, dahil totoo naman lahat ng sinabi ko na wala na akong pake sa mga pinagsasabi nila.
" At wala ka na ding pake sa nangyari sa buhay ko noon, dahil kahit kailan wala ka namang kwentang tao."
Sabi ko sa kanya. At nakita ko naman na ngumisi sya.
Maya-maya ay bigla syang humalakhak ng malakas yung tipong agaw pansin sa mga estudyante na dumadaan.
"Hahahahah! Magaling Rome! Magaling!–pinabilib mo ako sa katapangan mong pinapakita...tutal ikaw na din ang nag sabi na wala ka nag pake , eh di wala na din ako pake."
Sabi ni Ash sa akin sabay ngisi.
Maya-maya ay biglang nag ingay lahat ng telepono ng mga estudyante sa paligin at maging ang telepono ko ay nag ingay din.Maya-maya ay sari-saring reaksyon ang nakita ko sa mga mukha ng mga estudyante na naka paligid sa amin.
" Wala ka ng pake kaya, wala na din dahilan para di nila malaman kung ano ka talaga Ronald Mercado."
Sabi nya sabay bitaw sa kamay ni Zen-Zen at lakad papaalis .
"Wag mong aasahan na matatahimik pa ang buhay mo sa pagkikita nating ito Rome, babalik uli ako, baka mas magulat ka sa sasabihin ko."
Sabi nya saka ito tumawa ng malakas at saka umalis ng tuluyan.
Nakatingin lang si Zen-Zen sa akin at malungkot syang naka tingin sa kamay namin na mag kahawak ni Zeon.
" Pasenya na Rome, gagawin ko ang lahat para i-tama lahat ng nagawa ko sa iyo."
Sabi ni Zen-Zen bago ito tumingin ng makahulugan kay Zeon ng ilang segundo bago ito uli tumingin sa akin.
At agad na syang umalis.at Hindi na lumingon sa amin.
" Ayos ka lang ba Rome?."
Tumingin ako kay Zeon at nakita ko ang mukha nyang nag-aalala.
" Okey lang ako, wala lang iyon."
Sabi ko sa kanya at inaya ko syang umalis na sa mga nagkakagulong mga estudyante na tila ba may tinitignan sila sa kanilang telepono na nakakadiri o di kaya sobrang sakit sa mata.
Naalala ko kanina ang sinabi ni Ash,Sya kaya ang may kagagawan nito?.
"Rome tignan mo ang telepono mo."
Sabi ni Zeon sa akin at nakita ko sa mukha nya na galit na galit sya.
Kahit na wala akong gana ay agad kong kinuha ang telepono ko at saka tinignan kung ano ang kinagagalit ni Zeon.
BINABASA MO ANG
Hopeless Boy's: ROME [ Completed ]
RomanceHopeless Series #1 Isa sya sa ginagalang ng lahat sa buong paaralan, matapang,malakas, at walang emosyon. Ganyan ang ugali ng isang Rome Silverado. Ngunit sa pag dating ng isang karakter...mag babago ang lahat...lalabas ang nasa likod matapang,mala...