"Anong gusto mo?"
Tanong ni Selene sa akin,kaibigan ko.Sinadya namin dumaan sa canteen kahit hindi pa breaktime dahil mayroong meeting ang students at faculty na gaganapin mamaya.
"Kahit ano na lang, bilisan mo baka malate tayo."
"Ate, bilisan nyo daw po sabi ni madam." Natatawang sabi niya sa tindera.
"Kayo talagang mga bata kayo! Kayo na dito at ako ang bibili." Masungit na tugon ni ateng tindera.
Nagmamadali tuloy kaming lumabas ng canteen pagkatapos makuha ang tinapay at juice. Nakita namin ang mga estudyante na papunta na sa hall, kaya lakad takbo na kami ni Selene para hindi malate. Nagsisigawan na ang mga kapwa namin estudyante dahil may nagpeperform pa sa stage bago ang talagang meeting ng faculty at students.
"Uy, dito bilis.." Tawag sa amin ng mga kaibigan namin.
"Bakit ang tagal nyo?" Tanong ni Eline.
"Ang bagal nung tindera sa canteen. Highblood nga si madam Ysabel." Palinga linga na sagot ni Selene.
"Hindi ako highblood noh? G na G lang si ateng tindera. Sino ba hinahanap mo?" Tanong ko dahil halos mabali na ang leeg nya kakalingon.
"Yung mga iba pa natin kaklase. Duh?". Sagot nya na parang sinasabi nya na 'tanga ka ba?'
Nagtingin na din ako sa paligid para hanapin na nga ang iba namin kaklase, wala naman akong pakialam sa kung nasaan sila wala lang din ako magawa kaya ginaya ko na lang si Selene. Second year highschool na kami at sya ang palagi kong kasama. Hindi ko naman masasabi na bestfriend ko sya, siguro sa lahat ng kaibigan ko sya ang pinakaclose sa akin pero wala sa punto na nagshashare ako ng secret sa kanya at ganun din sya sa akin.
Tulad ng mundong hindi
Tumitigil sa pag-ikot,
Pag-ibig di mapapagod"Aww.. Di daw mapapagod beh!" Tumatawang sabi ni Selene sa akin.
Tulad ng ilog na hindi,
Tumitigil sa pag-agos
Pag-ibig di matatapos..."Ipapakilala kita mamaya dun sa kumakanta Sab." Kinikilig na sabi niya.
"Tigil tigilan mo nga ako Selene. Nakakahiya ka!" Sagot ko.
"Anong nakakahiya? Haller? Baka kapitbahay ko yan." Proud na sagot nya.
Hindi na ako nakasagot dahil nagsimula na ang meeting, tungkol lang pala sa gaganapin na intrams at nagset na din ng mga committe sa bawat laro.
"Yes! Kahit three days lang ang intrams atleast may awards night at dance party sa last day." Excited na banggit ni Eline.
I'm not a sporty kind of girl kaya wala akong sinalihan na laro, automatic nga lang na kapag walang sinalihan e kelangan nasa cheerdance group ka ng year level nyo. Sumasayaw naman ako hindi nga lang magaling.
"Bilisan mo na Sab." Nagmamadaling sabi ni Selene at hinihila pa ako.
"Bakit ba? Magdahan dahan ka nga."
"E diba nga ipapakilala kita kay Harvey."
I gave her the 'what the hell are you talking about look'.
"Yung kumanta kanina sa hall, ano ka ba? Amnesia ka girl?" Gigil na tugon nya.
"Tigil tigilan mo nga ako sa kalokohan mo Selene, hindi ako interesado." Gigil din na sagot ko.
"Ipapakilala ka lang naman uy.. Arte nito!" Sabay walkout nya.
From what I heard, Harvey is a transferee student. Ang dami usap usapan tungkol sa kanya kaya medyo kilala ko na din but we're not introduce personally.
Bandang hapon na ng nalaman namin na wala na pala klase dahil pagmemeetingan na ng mga faculty at commitee kung ano mangyayari sa lunes which is yung intram nga. Hindi ko na nahanap si Selene, nagcutting na ata. Lalabas tuloy ako ng room mag-isa. Hindi ako sanay.
"Hi Ysabel. Asan yung buntot mo?" Bati ni Niko. Taga kabilang section.
"Mukha ba akong aso?" Mataray na sagot ko.
"I mean yung lagi mong kasama. Si Selene. Duh?" Pabirong sagot nya.
"Ewan ko dun, iniwan nga ako. Nag-iinarte." Tumatawa kong sagot. Natigilan ako sa pagtawa ng may naramdaman akong nakatitig sa akin.
"Ah, nga pala.. Si Harvey bago naming kaklase." Lahad ni Niko na natatawa pa.
Pagtingin ko sa gilid ay nakita ko nga ang pinapakilala nya na ipapakilala dapat sa akin ni Selene. Hindi ako nakaligtas dun. Tiningnan ko sya na parang binabasa kung ano ang nasa isip nya. Nang magtama ang mata namin ay nangingiting tinaasan nya ako ng kilay.
"Hi.. I'm Zane Harvey Montero. Nice to finally introduced to you." Buong pangalang pagpapakilala nya at naglahad ng kamay.