Kabanata 20

24 5 4
                                    

"Ihahatid ko kayo." Sambit ni Harvey nang nagpasya kaming umuwi na ni Selene.

"Wag na. Ang dami mo pang liligpitin dito." Sagot ko naman.

Nagpumilit pa din sya na ihahatid kami kaya hindi na kami nagreklamo.

"Pano ba yan? Kita kita na lang tayo sa Monday sa school?" Sambit ni Selene nang papaliko na sya sa kanto ng bahay nila.

"Akala ko kasama ka sa paghatid sa akin?" Tanong ko sa kanya.

"Si Harvey na lang, mag-aayos pa ko ng mga gamit ko eh." Nangingiti nyang sagot. "Bye! Ingat kayo. Happy Birthday ulit Harvey." Kaway nya pa bago maglakad.

"Magtatricycle na lang ako. Marami ka pang gagawin sa inyo, maaga pa naman." Baling ko kay Harvey nang kaming dalawa na lang.

"Ihahatid kita.. magtricycle na tayo para mabilis." Tugon nya.

Hindi na din ako umapela dahil lalo pa syang matatagalan. Kawawa naman si Lola Helena kung sya lang ang magliligpit sa kanila.

Naglakad na kami papunta sa sakayan ng tricycle. Naghintay pa kami doon dahil walang nakapila.

"Magkaklase na tayo sa third year." Sabi nya.

Nagulat ako. "Bakit mo alam?"

"Sinabi sa akin ni Mrs. Martinez nung nagpalista ako nung isang araw." Sagot nya.

Minsan talaga ay may ganoong pangyayari at nagkakapalit palit ng section. Hindi dahil section A ka nung second year ay magiging section A ka hanggang sa grumaduate ka.

"Ayos lang ba sayo yun? Kasi di ba ka-close mo na yung mga classmate mo nung second year." Tugon ko.

"Ayos lang naman, nandoon naman kayo ni Selene." Sabi nya na nakatingin sa akin. Tumango na lang ako.

Mas madalas na kaming magkakasama at lalong mas madalas na kaming tutuksuhin ng mga kaklase namin. Ayaw kong dumating sa point na sobrang maiilang na talaga ako sa kanya. Mabuti na lang at dumating na ang tricycle at sumakay na agad kami. Sinabi ko pa sa kanya na kaya ko naman nang umuwi mag-isa dahil malapit lang naman pero ayaw talagang pumayag. Bahala ka nga.

"Thank you talaga sa regalo mo." Sambit nya pagkababa namin ng tricycle.

Ngumiti ako sa kanya. "Mabuti naman at nagustuhan mo, wala kasi akong maisip na ireregalo eh. Happy Birthday ulit. Sana masaya ka ngayong birthday mo."

"Masaya ako. Sobra." Nakatitig nyang sinabi sa akin. Yung mga titig nyang ganyan ang nagpapa-ilang sa akin.

"Yung sumbrero mo pala na pinahiram mo sa akin noon, ibabalik ko na ngayon. Nakakalimutan ko eh." Akmang papasok ako sa loob ng bahay para kunin ang sumbrero nang hawakan nya ang kamay ko para pigilan.

"Sayo na lang yun!"

"H-ha? B-bakit?" Nauutal kong tanong sa kanya. Tumingin ako sa kamay nyang nakahawak sa akin at agad nya naman tinanggal yun.

"Wala.. Basta sayo na lang!" Sabi nya.

Tumango na lang ako at magpapaalam na sana nang magsalita pa ulit sya.

"Allanah.." Seryoso nyang tawag. Kinabahan ako. Hindi ako nagsalita.

"Salamat sa pagkakaibigan na hindi mo ipinagkait sa akin. Kahit sinabi mo na wala kang kwentang kaibigan pero hindi yun ang naramdaman ko. Binigyan mo ako ng importansya at naging totoong kaibigan ka." Seryoso nyang sinabi.

"Saan papunta 'tong usapan na 'to?" Seryoso ko ding tanong. Naiiyak na dahil sa emosyon na ibinibigay nya.

"Hindi ko alam kung tatanggapin mo pero hindi na lang kaibigan ang tingin ko sayo. Gusto kita." Sabi nya at tuluyan nang tumulo ang luha ko.

Hindi ako nakasagot agad. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. Inaasahan ko nang sasabihin nya ito pero hindi ko inaasahan na ngayon. Iba pa din talaga kapag sa bibig nya mismo nanggaling kaysa sa mga kaklase kong nang-aasar lang.

"H-harvey, alam mong sa simula pa lang malinaw na tayo sa isa't isa. Kaibigan lang, hanggang doon lang ang kaya kong ibigay sayo." Lumuluha ko nang tugon.

Alam ko sa sarili ko na gusto ko din sya pero katulad ng palagi kong sinasabi na bata pa kami at kung ano man yung nararamdaman nya, mawawala din yan.

"Ayaw kong saktan ka, kaibigan kita at ito yung ikinakatakot ko na mangyari. Siguro.. Siguro kaya ganyan yung nararamdaman mo kasi ako yung palagi mong kasama, ako yung lagi mong nakakausap. Mawawala din yan. I-i'm sorry.." Nakatungong dugtong ko pa.

Hinawakan nya ang mukha ko at pilit na pinagtapat ang paningin namin. Minasahe na naman nya ang kilay ko at pinunasan ang luha ko.

"Sorry kung pinapaiyak kita.." Malungkot nyang sambit.

Umiling iling lang ako habang pinupunasan nya ang luha ko.

"Hindi ko pagsisisihan na sinabi ko sayo yung nararamdaman ko dahil alam kong mas magsisisi ako kung hindi ko sinabi." Dugtong pa nya sa seryosong paraan at mas lalo akong naiyak dahil hindi ko kayang sabihin sa kanya na parehas kami ng nararamdaman dahil hindi ako handa. At hindi ko alam kung kailan ako magiging handa.

"S-sorry.." Yun na lang ang tangi kong nasabi bago umalis sa harapan nya at pumasok sa bahay.

Dumiretso ako sa kwarto at doon ibinuhos lahat ng emosyon na nararamdaman. Hindi ko alam kung nakita ako ni Adrian na umiiyak dahil busy sya sa panonood ng tv. Hindi ko alam ang gagawin ko.. Mag-uusap pa ba kami? Iiwasan ko na ba sya? Magkaklase na kami sa pasukan at mas lalo akong mahihirapan. Tinawagan ko si Selene.

Yes?

"Selene.."

Wait .. Umiiyak ka ba? Nasaan ka?

"Andito na ako sa bahay."

Bakit umiiyak? Anong ginawa ni Harvey? Nag-aalalang tanong nya.

"Selene.. Nagtapat na sya sa akin. Sinabi nyang gusto nya ako."

Oh talaga? Eh bakit ka umiiyak? Parang masaya nya pang sambit.

"Alam mo kung anong stand ko dyan Selene, ayoko.. Ayoko ng hahantong kami sa ganito."

"Magpahinga ka na, pag-usapan natin yan bukas. Pupuntahan kita, wag ka nang umiyak." Seryoso nyang sambit.

Pagkababa ko ng tawag ay saktong nagtext si Harvey.

Harvey:
I'm sorry.

Sa totoo lang ay hindi nya naman kailangan magsorry. Hindi nya kasalanan na nagkagusto sya sa akin dahil hindi naman napipigilan ang nararamdaman.

Harvey:
Can I call?

Hindi ako nagreply kaya't hindi sya tumawag.

Harvey:
Goodnight Allanah.

I feel bad for him because it's his birthday but I made him feel sad. Nakatulugan ko na lang ang pag-iisip. Hindi na din ako kinatok nina Mama sa kwarto dahil sinabi ko kay Adrian na masama ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya nang makitang namumula ang mata ko pero hindi sya nagtanong.

***
"Gisingin mo na yang Ate mo.. Aalis na kami." Rinig kong sigaw ni Mama sa labas.

Kanina pa ako gising pero hindi bumababa dahil baka mahalata nila sa mata ko na umiyak ako. Alam kong hindi ako isusumbong ni Adrian kaya hinintay ko na lang na umalis muna kina Mama.

"Ate, nasa baba si Ate Selene." Sigaw ni Adrian sa labas ng kwarto.

Nakaramdam ako ng hiya sa mga pinagsasabi ko kay Selene kagabi. Bakit kasi ang aga nya naman pumunta. Hindi pa man lang ako naliligo at kumakain.

"Sabihin mo maliligo lang ako saglit." Sagot ko.

Pagkababa ko naman ay nandoon pa din sya sa sala at nanonood ng tv. Nang nakita nyang bumaba ako at dumiretso sa kusina ay sumunod sya.

"So.." Panimula nya.

"So, umamin na nga sya sinabi ko sa kanya na hanggang kaibigan lang ang gusto ko sa aming dalawa at yun! Yun na yun.." Paliwanag ko.

"Basted agad? Ano ba yan." Reklamo nya. "Alam kong gusto mo din sya Ysabel, wag mong itanggi."

"Gusto ko sya." Pag-amin ko at tumili naman sya.

..pero hanggang dun na lang yun!" Dugtong ko.

All Of The StarsWhere stories live. Discover now