"So, ano nga? Anong tinanong nya sayo? Bakit may ganun na eksena pa yun?" Nang-iintrigang tanong ni Selene.
"Tinanong nya kung pwede kaming maging friends." Sagot ko sa kanya.
Andito kami nakatambay ngayon sa room dahil lunch time pa naman. Ang boring nang walang sinalihan na laro, pero bawal naman ang absent dahil may attendance pa din.
"Friends? Yun na yun?" Eksaheradang tanong nya.
"Yun na yun Selene."
"Ano naman sinabi mo?" Interesadong tanong nya.
"Sabi ko wala akong kwentang kaibigan."
Bumalot sa buong room ang OA nyang halakhak. Hindi matigil sa kakatawa. Baliw!
"May point ka naman dun!" Tatawa tawa nyang sagot.
"Kaya nga di ba? Nagsabi lang ako ng totoo. Hindi ko naman na din pinagkait yung pagkakaibigan na gusto nya kasi makulit din, nawawalang kapatid mo ata yun." Sagot ko.
"Mana sa akin yun e!" Maligayang sabi nya.
Natapos ang araw na parang pagod kami pero ang totoo ay wala naman kaming ginawa. Taga cheer lang sa mga naglalaro. Over all champion ang fourth year as expected. Bukas ng umaga gaganapin ang pagbibigay ng mga award sa mga player na nanalo. Half day lang ang pasok dahil sa gabi ay gaganapin ang Intramural Party.
"Attend tayo bukas ha? Attendance is a must daw sabi ni Sir." Pagbabanggit ni Kira.
"Oo naman! Chance ko na yan para maisayaw ako ni baby Niko." Kinikilig nyang sagot.
"Sus. Puro ka Niko, hindi ka isasayaw nun. Aattend talaga ako kasi pagkatapos nito e libro na naman ang magiging kaharap natin." Si Eline na bored na bored na.
"Sige na, sige na. Umuwi na tayo! Wala naman na tayong gagawin dito." Sambit ko at unti unti nang naglakad palabas ng gate.
Nagpaalaman na kami sa labas ng gate dahil magkakaiba ang daan papunta sa kanya kanya naming bahay.
"See you tomorrow Sab." Paalam ni Selene.
"Bye!"
Naglakad na ako patungo sa sakayan ng tricycle ng biglang may sumabay sa paglalakad ko.
"Hi Allanah."
Tawag pa lang sa pangalan ko ay kilala ko na. Sya lang naman ang tumatawag sa akin ng Allanah. Lahat ng kakilala ko ay Ysabel ang tawag sa akin o kaya ay Sab.
"Pauwi ka na?" Dugtong nya nang hindi ako sumagot.
"Oo. Ikaw? Congrats sa inyo. First runner up." Pagbati ko.
"Salamat. Sayang nga at hindi pa nagchampion. Nanood ka ba? Hindi kita nakita." Seryosong tugon nya.
"Nanood ako. Sige, una na ko. Bye Harvey." Pagpapaalam ko.
"Sasabay na ako sayo. Wala naman na din kaming gagawin dito." Sagot nya na nagpauna na sa paglakad bitbit ang gitara nya.
Pagdating ko sa bahay ay nagpahinga lang ako. Pagdating ni Mama at Papa ay kumain na kami ng sabay sabay. Ganoon lang ang ginagawa ko sa araw araw.
"Ma, Pa, may intrams party po kami bukas ng gabi. Papayagan nyo po ba ako na pumunta?" Mahinang tanong ko sa kanila.
Kinakabahan ako sa isasagot nila dahil may mga panahon na istrikto sila sa akin. Lalo na dahil babae ako hindi katulad sa kapatid ko na si Adrian na kahit gabi na umuwi galing sa paglalaro ng basketball ay ayos lang.
"Oo naman anak, ano ka ba? Mag-enjoy ka dun para makahanap ka ng madaming kaibigan." Sagot ni Mama.
"Oo nga anak, basta wag boyfriend ang hahanapin." Nagbibirong tugon ni Papa.