"Tara na! Maiiwan na naman tayo ng tricycle." Sambit ko at nauna nang maglakad.
"Mamaya na, meryenda muna tayo." Masayang sambit ni Selene.
"Mamimiss ko kasi kayo ngayong sembreak e." Dugtong pa nya.Napapailing na lang ako sa sobrang OA nya. Dalawang linggo lang ang sembreak at sa mga araw naman na yun ay gagawa kami ng group project kaya magkikita pa din naman kami. Pero pumayag na din ako sa gusto nya, hindi din naman ako titigilan nyan.
"Ang tahimik mo Harvey." Puna ni Selene.
"Ang ingay mo kasi."
"Wow. Seryoso tayo bro?" Natatawang sambit ni Selene. "Wag mo na isipin yun, hindi ka mahal nun." Dugtong pa nya.
Tumigil lang si Selene sa pang-aasar nang tumawag ang boyfriend nya.Tumingin lang ako kay Harvey na nakasimangot na.
"Saan kayo ngayong sembreak? Magbabakasyon kayo?" Seryosong tanong nya.
"Hindi. Ang dami din kasi kailangan gawin na projects sa school. Ikaw?"
"Sa bahay lang." Simpleng sagot nya.
Patuloy lang ang paglalakad namin hanggang sa makarating na kami sa fishball stall malapit lang din sa sakayan ng tricycle.
"Ysabel, buti naabutan namin kayo. Kailan tayo magkikita para sa group project?" Tanong ni Kira nang makita kami.
"Sino ba mga kagrupo natin?" Tanong ko.
"Lima tayo e. Ikaw, si Selene, ako, si Vin at Hans." Sagot nya habang pumipila na din sa pagbili ng fishball.
"Sa bahay na lang namin tayo gumawa. Text text na lang kung anong araw tayo free." Sambit ni Selene.
"Sige."
"Okay."
Sabay naming sagot kay Selene.
"Pero okay lang ba yun sa dalawa?" Tanong ko bigla dahil baka malayo bahay nila kina Selene.
"Okay lang yun Ysabel, sila ang mag-adjust." Natatawang sambit ni Selene.
Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na kami kay Kira at sinabing sya na ang magtext doon sa dalawa tungkol sa napag-usapan. Sakto naman na may dumating na tricycle at sumakay na kami.
"Doon ka na sa loob Harvey. Ayoko dun." Pagpapaalis ni Selene kay Harvey sa likod. Gusto daw nya kasi ay nakikita ang daan. Nakikita din naman ang daan kahit nasa loob. Nag-iinarte na naman tong babaeng to. Pinagbigyan na lang sya ni Harvey dahil hindi naman yun magpapatalo.
"Aayaw ayaw ka pa, gusto mo din naman." Bubulong bulong nya.
Tahimik na umupo si Harvey sa tabi ko at hindi na sumagot kay Selene.
"May sakit ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"H-huh? Wala. Bakit?"
"Sobrang tahimik mo ngayon." Tugon ko.
"May iniisip lang." Simpleng sagot nya.
"Oh? Akala ko ba, bata pa tayo. Wag masyado isipin ang mga bagay bagay. Just go with the flow? Anong nangyari? Nagkapalit na ba tayo ng pananaw?" Sambit ko na natatawa.
Seryoso syang bumaling sa akin at tumitig. Ayan na naman yung titig nya na parang binabasa kung ano nasa utak ko. Umiling sya bago sumagot.
"Iba 'to." Tipid nyang sinabi.
Nagseryoso na din ako kasi mukhang seryoso nga ang iniisip nya.
"Kung may problema ka, handa naman akong makinig. Makikinig lang, kasi hindi naman ako magaling magbigay ng payo." Seryoso kong tugon sa kanya.