Nang nakarating na kami sa bahay nila ay agad akong pinababa ni Harvey,nagdadalawang isip pa ako pero bahala na.He held my hand again before we walk towards their gate.
"Allanah.." sigaw ni Lola Helena nang makita ako sa may pinto nila.
Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Medyo tumanda na ang itsura niya pero mukhang malakas pa din.
"Naku, bakit ngayon lang ulit kita nakita? Ang ganda ganda mo!" sabi niya at iginiya ako papasok sa sala nila.
"Kumusta po, Lola?" tanong ko naman habang papaupo na kami.
"Mabuti naman, eto at may kasama na ulit dito sa bahay. Matagal ka ding hindi dumalaw dito," malungkot niyang sambit.
Napatingin naman ako kay Harvey na pinagmamasdan lang kami. Ngumiti siya sa akin bago siya magtungo sa kusina nila. Wala naman masyadong pinagbago ang bahay, kung mayroon man ay iyong pintura lang at mga bagong appliances.
"S-sorry po, Lola." sabi ko sa kanya.
Nakakaintindi siyang tumango na parang alam niya ang pinagdaaanan ko simula noong umalis si Harvey o siguro nga ay parehas kami ng pinagdaanan dahil naiwan din siya dito ng apo niya.
"Hayaan na natin iyon, mabuti at naparito ka, pinilit ka ba ng apo ko?" eksaheradang tanong niya.
"May bisita pala tayo, Ma."
Mabilis akong tumayo nung may lalaking pumasok sa loob ng bahay. Sa tindig at hugis ng mukha ay nasisiguro kong siya ang Papa ni Harvey.
"Good afternoon po," bati ko sa kanya at eksakto namang paglabas ni Harvey galing sa kusina.
Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.
"Pa! Girlfriend ko," sabi niya at mukhang proud na proud.
"Bakit parang iba yung picture na nasa kwarto mo? Parang hindi siya yun," seryosong sabi ng Papa niya kaya napasimangot ako.
"Biro lang hija, mas gumanda ka ngayon. Bata ka pa dun sa mga picture na pinapakita sa amin ni Harvey eh!" sambit niya.
Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya ngumiti na lang ako.
"Nasaan po si Hershey?" tanong ni Harvey sa ama.
"Nasa likod siguro at naglalaro, puntahan niyo muna habang nagluluto ako ng pananghalian," sagot ni Lola Helena.
Nagpaalam naman ako sa Papa ni Harvey bago pumunta sa garden nila.
"Feel at home hija," sambit niya habang nakangiti at hinawakan pa ang ulo ko.
Tama nga si Lola Helena at naglalarong ang batang kapatid ni Harvey. Tumingin siya sa kuya niya bago lumipat ang tingin sa akin.
"Who is she, Kuya?" she asked.
"She's my future wife, you can call her Ate, say hi," nakangiti niyang sagot sa kapatid.
Namula naman ang pisngi ko dahil sa sinabi niya at nang tumingin ako sa kanya ay ngiting ngiti naman siya.
"Hello po," bati sa akin ng bata.
Lumuhod naman ako at pinagpantay ang mata namin. "Hi, you're so beautiful."
Harvey told me that his Mom gave birth on her months before she died. I can only imagine how painful it was for him and his dad. But looking at him now, he looked so happy and contented.
"Anong iniisip mo?" tanong niya nung nakaupo kami at pinapanood lang si Hershey na maglaro.
"I'm so proud of you," I sincerely said.
Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil pa iyon.
"Huwag mo akong pinapaiyak," sambit niya.
Natawa ako. "Aww. My boyfriend is a softie."
Niyakap niya ako ng mahigpit at naramdaman kong umiiyak siya dahil nabasa ang balikat ko.
"Ngayon lang ako naging proud sa sarili ko dahil nandito ka sa tabi ko, magkasama na tayo at hinding hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na 'to," bulong niya.
I'm proud of him because even if he had problems from the past, he managed to work and at the same time studied his chosen field which is Architecture.
"You feels like home that everytime I'm having a bad day I will just look at your picture and then my days feel lighter," he said not breaking our hugs.
"Patay na patay ka talaga sa akin," pagbibiro ko pero hindi siya natawa.
"It's true, nabighani ako sa kakairap at kakakunot ng noo mo," sambit niya naman dahilan para kurutin ko siya sa tagiliran.
Ilang oras din kaming tumambay sa garden nila bago kami tinawag para kumain ng tanghalian.
"So, kailan ang kasal niyo?" tanong ni Tito Sherwin.
Nabulunan ako kaya inabutan ako ng tubig ni Harvey at agad uminom doon.
"Pa.. Wag mo nga kaming ipressure," natatawang sambit ni Harvey.
"Biro lang, basta ang payo ko lang sa inyo ay mahalin niyo lang ang isa't isa. If you love each other everything else will follow." pangangaral ng Papa niya.
"Opo, alam ko na yan Papa." sagot naman ni Harvey.
"Wag niyo naman masyadong tagalan bago magpakasal dahil gusto ko nang magka-apo," nagbibiro pa ding sabi ni Tito.
Pinamulahan ako ng pisngi sa buong oras na pagkain namin dahil puro biruan ang dalawa. Napapailing na lang si Lola Helena sa kakulitan nila.
"Do you want to come in?" I asked Harvey when he pulled over in front of our house.
"Do you want me to come in?" tanong niya pabalik.
"Let's go! I'll introduce you as my boyfriend," sabi ko habang bumababa ng sasakyan niya.