Kabanata 1

133 10 0
                                    

"Allanah Ysabel Reyes." Sagot ko at mabilis na naglakad, hindi na inabot ang kamay nya.

"Aww. Ayaw kang kamayan bro!" Rinig kong pang aasar ni Niko sa kanya.

Tinahak ko ang gate papalabas ng school. Kung nasaan si Selene ay hindi ko na inalam pa.

"Ang aga mo naman yata makauwi Ysabel." Si mama na naglilinis sa sala.

"May meeting po kasi mga teacher kaya maaga na din kami pinauwi. Si Adrian po?" Tanong ko.

"Hindi ba kayo nagkita? Siguro ay nakipaglaro na naman ng basketball sa mga kaibigan nya." Sagot ni mama

Apat lang kami sa pamilya, si Mama at Papa, ako at si Adrian. Si Adrian ay nasa ikaanim na baitang pa lang kaya puro laro ang nasa isip. Si Papa ay nagtatrabaho sa munisipyo at ganoon din si Mama.

Nakahiga na ako sa kwarto ng magtext si Selene.

Selene:
Huy! Nagkakakilala na pala kayo ni Harvey.. Hindi mo man lang sinabi.

Seriously? Harvey pa din? At naalala ko yung pagpapakilala sa amin kanina, kung pano sya tumingin sa akin. Yung bilugang mata nya na parang kinakausap ka. Yung matangos nyang ilong at manipis na labi na parang sa babae.

Ako:
Crush mo ba yun? Wala ka ng ibang binanggit kong hindi sya..

Selene:
Duh? Hindi kami talo nun noh? Pero kilala ko kung sino ang crush nun.. Hahaha gusto mong malaman?

Ako:
Nope.

Selene:
KJ. Goodnight.

Baliw talaga tong babaeng to! Palibhasa crush na crush nya si Niko kaya todo makipagclose kay Harvey, idadamay pa ko. Palibhasa gustong gusto na magkaboyfriend, para maranasan lang daw nya ang may boyfriend man lang. Akala mo naman e ang tanda tanda na. Ako naman pag-aaral lang ang nasa isip. Nagkakaroon din ng mga crush pero hanggang doon na lang. Madami din nagkakagusto sa akin, sabi ni Selene pero hindi ko naman alam wala naman din sila sinasabi. At hindi ko naman priority ang lovelife. Aral muna.

Hindi naman ako matalino, hindi din naman ako bobo. I am just in between. Nag-aaral ng mabuti para makapasa, close sa mga teacher sa hindi ko din alam na dahilan. Siguro dahil lagi akong sumusunod sa mga rules and regulations ng school dahil kahit yung mga honor student e hindi nagagawa yun.

Araw ng sabado ngayon kaya araw din ng paglilinis ng bahay. Hindi naman kami pinipilit ni Mama dahil daw baka may mga assignments kami pero nabanggit ko na sa kanya na intramurals lang naman sa Lunes kaya tutulungan ko na sya. Pagkatapos ng ilang oras na paglilinis ay nagpahinga na ako.

"Anak, pakikuha nga yung inorder kong inihaw na manok dun sa kanto. Tinamad kasi ako magluto ngayong tanghalian."

"Sige po Ma, maliligo lang po ako saglit." Sagot ko kay Mama.

Dali dali akong umakyat sa kwarto at naligo na dahil gutom na din ako. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na agad ako ng bahay.

"Hey Allanah."

Paglingon ko ay nakita ko si Harvey na tumatakbo palapit dala ang kanyang gitara. Bakit nandito yan? Magkapitbahay ba kami?

"Uy. Anong ginagawa mo dito? Magkapitbahay ba tayo?" Tanong ko.

"Ah, hindi. Pumunta lang ako dyan sa kapitbahay nyo, kaibigan ko." Palinga linga na sagot nya.

Tumatango na lang ako bilang tugon. Pinagmasdan ko sya na hindi mapalagay sa kinatatayuan, ginugulo ang buhok. Ano kaya problema nito?

"Ah.. Una na ko." Sabi ko sa kanya dahil mukhang may pinoproblema pa sya.

"Sabay na ko sayo. Dyan lang bahay namin sa ikatlong kanto." Sagot nya na ikinagulat ko. Dito lang pala talaga sya. Hindi nga kami magkapitbahay pero malapit lang din. Bakit ngayon ko lang sya nakita?

Habang naglalakad ay hindi ako nagsasalita, kumakanta kanta lang din naman sya hanggang sa makarating na ako sa ihawan.

Lilipad ako para lang sayo..
Lilipad ako sa dulo ng mundo..
Ang lahat ng ito'y para lang sayo ..
Dahil ang totoo ikaw ang aking super--

"Ah. Dito na ko." Pagputol ko sa pagkakanta nya.

Napapahiya syang tumango at napakamot ng ulo bago nagsalita.

"Ah sige, una na ko. Okay ka lang ba dito? Hintayin na kita na makuha yung kukunin mo." Sunod sunod nyang banggit.

"Ah wag na. Okay lang ako. Saglit lang yun." Natataranta kong sagot dahil ayaw ko na ng ilang minuto pang awkward moment kasama sya.

"Manong, okay na ba yung order ni Mama?"

"Okay na Miss. Eto na po!" Sagot ni Manong.

"See? Uwi na ko. Bye!" Dali dali kong sambit kay Harvey at sabay lakad pauwi. Hindi na hinintay ang sagot nya.

All Of The StarsWhere stories live. Discover now