I was doing very well during college days and I learn to communicate and to interact with other people. It is hard for me because I'm not talkative but everything went well.Selene:
Anong oras ba ang out mo? Pa-importante ka ha.Natawa ako sa text ni Selene, hindi pa din talaga siya nagbabago. Magkikita kami ngayon dahil may regalo daw siya sa akin. Kakauwi niya lang galing Maynila at sandali lang daw siyang mananatili dito dahil walang mag-aasikaso ng negosyo niya doon.
Nagmadali akong nag-ayos para makapunta na sa malapit na cafe dito na napag-usapan namin na doon magkikita dahil bagong bukas iyon.
Agad ko siyang nakita nung pumasok ako sa loob ng cafe. Sila pala. Kasama niya si Nikko.
"Hi," bati ko dahil hindi nila ako napansin na dumating na.
"Hello, Hello!" masiglang bati ni Selene.
Samantalang si Nikko ay tumayo at niyakap pa ako.
"Kumusta? Masaya ka ba?" bulong niya dahilan para hampasin ko siya sa balikat.
Tumayo na din si Selene para yakapin ako na sa sobrang higpit ay hindi ako halos makahinga.
"Aray ko naman!" pabiro ko din siyang hinampas sa balikat.
Sabay sabay kaming umupong tatlo at kinuha ng waitress ang order namin.
"Ano na? Kumusta ka?" tanong ni Selene na akala mo ay hindi kami araw araw nagcha-chat sa isa't isa.
"Ayos lang, ikaw? Kumusta? Mabuti at kasama mo yan, busy yan si Engineer eh!" sabi ko at tinuro si Nikko.
"We're getting married!" sabi niya at iniharap sa akin ang singsing na nasa daliri niya.
Napatakip ako sa bibig ko. "Oh my gosh! Totoo? Kailan ka pa nag-propose? Bakit hindi ako kasama sa plano?"
Nagtawanan lang ang dalawa dahil sa sunod-sunod kong tanong.
"Oh my gosh! Congrats!!" sabi ko at niyakap ang dalawa. "Naiiyak na ako, ano ba yan!"
"Thank you, kaya kami nagpunta dito para iinvite ka sa kasal namin. Maid of honor ka kaya hindi ka dapat mawala," sambit ni Selene na malaki ang ngiti sa labi.
"Saan ba? At anong exact date para makapag-leave ako," tanong ko.
Sinabi lang nila ang details ng kasal nila at ibinigay ni Selene ang regalo niyang bag sa akin. Belated birthday gift daw dahil ilang taon niya akong hindi naregaluhan.
"Ikaw? Kailan ka magpapakasal?" tanong niya.
"Hanapan muna natin ng boyfriend bago kasal, babe," sabi ni Nikko kay Selene.
"Marami nga manliligaw yan, ayaw lang patulan eh! May engineer, may teacher, may doctor, di ba nga katrabaho mo pa iyong nurse na may gusto sa kanya," dire-diretsong sabi ni Selene.
Napailing na lang ako. I tried to date while I'm on my third year college but it didn't work, we have so many indifferences.
Pagkatapos noon ay hindi na ako nag-entertain ng mga lalaki.
Maybe I'm afraid that they will said they love me but the next day they don't want me anymore. I don't want to be close to any guy and then one day we'll be strangers to each other.
It's just painful and I don't want to go to that pain again.