"Seryoso ba yan?" Nagtatakang tanong nya.Napaisip ako, seryoso nga ba yun? Hindi ba ako nabibigla lang? Pero nagsalita na ulit sya.
"Wala nang bawian ah?" Masayang nyang sinabi.
Hindi na sya umalis sa tabi ko buong araw na ipinagtaka ng mga kaklase namin dahil alam naman nila na nag-iiwasan kami pero walang nagtanong sa kanila.
Nung nagdesisyon na silang umuwi ay nag-ayos na kami ng gamit. Hindi talaga ako naglangoy, naglakad lakad lang ako sa tabing dagat at hindi naman din talaga ako iniwan ni Harvey. Kung nasaan ako ay nandoon din sya.
"Ako na ang maghahatid sayo." Sabi ni Harvey nung nag-aayos kami ng gamit.
"Si Selene ang kasabay ko." Sagot ko sa kanya.
"Ihahatid na yun ni Nikko." Sabi nya at bumaling pa sa dalawa.
"Tara na, Ysabel." Tawag ni Selene sa akin.
"Mauna na kayo! Ako na maghahatid." Sagot ni Harvey kina Selene.
At agad naman kaming iniwan ng dalawa. Hindi man lang hiningi opinyon ko? Bumaling ako kay Harvey at sinamaan sya ng tingin.
"Pwede naman tayong sumabay sa kanila." Reklamo ko agad sa kanya.
"Hindi ka pa nga tapos mag-ayos ng gamit mo dyan." Sabi nya at tinulungan pa akong ilagay ang iba kong gamit sa bag. Sya na din ang nagbitbit nun palabas ng cottage.
"Ako na ang magdadala ng bag ko." Sabi ko at pilit na kinukuha ang bag ko sa kanya.
Pinanlakihan ko pa sya ng mata dahil ayaw nyang ibigay.
"Eto na, eto na.." Nakangiti nyang sinabi.
Naabutan pa namin sina Selene at Nikko sa sakayan ng tricycle kaya nagkasabay din kami. As usual, sa loob kami ni Harvey at sa labas ay si Selene na kasama na si Nikko.
"Babalik ka ba sa school sa lunes?" Tanong ni Harvey.
"Hindi na, kumpleto na yung sa clearance ko eh. Wala na ako gagawin dun. Bakit?"
"Babalik pa ako eh. May pa-audition sa Music club kaya pipili kami kung sinong mga makakapasok." Sagot nya.
Tumango tango lang ako bilang sagot. Hindi naman din nagtagal at pumara ang tricycle dahil bababa na si Selene at Harvey.
"Hindi ka pa bababa?" Tanong ko sa kanya na ang ganda pa ng upo sa tricycle.
"Ihahatid kita." Simple nyang sagot.
Napakunot ang noo ko. "Wag na."
"Gusto ko." Pagpupumilit nya.
Bahala ka nga. Ang kulit.
"Bye Ysabel." Sabi ni Nikko nung bumaba ako ng tricycle.
Ngumiti lang ako sa kanya.
"Bye." Sabi naman ni Harvey. Ngumiti lang din ako sa kanya.
Pumasok na ako sa bahay at naabutan si Adrian na nakasilip sa bintana.
"Sinong sinisilip mo dyan?" Tanong ko.
"Bati na kayo ni Kuya Harvey?" Pang-iintriga nya.
"Hindi naman kami nag-away." Sagot ko.
"Hmm..." Sagot nya na tumatango tango pa.
Umakyat na ako sa kwarto ko bago pa sya magtanong ng kung anu-ano. Naligo na din ako dahil ang lagkit sa katawan ng simoy ng hangin sa tabing dagat. Kakatapos ko lang maligo nung may nagtext.