Kabanata 25

24 4 0
                                    

"Tara na! Ang bagal mo." Excited na tawag sa akin ni Selene.

Ngayon ang araw ng camping kaya excited ang lahat. Sa school kami nagkita kita dahil sa iisang sasakyan kami sasakay papunta sa venue. Isang araw at isang gabi ang ilalagi namin doon. By year pala ang schedule at ngayong araw ang schedule ng third year.

"Ang sama ng ugali ni Harvey, dun pa talaga sumama sa kabilang section samantalang tayo ang kaklase nya." Masama ang loob na sambit ni Selene.

Dalawang bus ang sasakyan na ni-hire ng school. Isa sa section namin at isa sa kabilang section.

"Hayaan mo nga, malamang dun sasama yun kasi nandoon ang girlfriend."

"Nangangamoy bitter naman dito." Pang-aasar na nya sa akin. Inirapan ko lang sya.

Nakatulog ako sa byahe at paggising ko ay bumababa na sila. Hinampas ko sa braso si Selene dahil mukhang wala syang balak na gisingin ako.

"Aray naman!" Maarte nyang reklamo.

"Hindi mo man lang ako ginising."

"Sarap ng tulog mo eh. Puyat na puyat?" Sagot nya nang pababa na kami ng bus. "Ayy grabe naman, parang ahas kung makahawak naman talaga itong si Almirah kay Harvey." Sambit nya na nakatingin sa dalawa.

"Tara na!" Hila ko sa kanya bago pa namin makasabay ang dalawa papasok sa resort.

Magkakasama ang lahat ng babae sa iisang kwarto. Malaking kwarto ang kinuha ng mga teacher para sama sama na lang daw.

"Tabi tayo ah?" Si Selene na nililibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Malalaking kama ang nandoon at siguradong magkakasya naman kaming lahat.

Nilapag ko na lang ang mga gamit ko sa kama na hihigaan namin ni Selene. Pagkalapag namin ng gamit ay lumabas na kami para kumain.

Maraming activities ang inihanda ng adviser namin at adviser sa kabilang section. Hapon na nang pinagpahinga kami sa kwarto dahil may activities pa daw mamayang gabi.

"Ang saya! Sana ganito palagi.." Rinig kong sabi ng isang babaeng palagay ko ay sa kabilang section.

Patagilid akong nakahiga at nakapatong ang unan sa ulo ko. Si Selene ay nakatulog na sa tabi ko sa sobrang pagod. At dahil hindi naman ako makatulog ay naririnig ko ang pinag-uusapan nila.

"Infairness, bagay kayo ni Harvey ah? Ano? Nanliligaw na ba?" Tanong ng babae. Pakiramdam ko ay si Almirah ant kausap nya.

"Hmm.. Sasagutin ko na sya mamaya." Kinikilig na sagot nya.

Nang tumahimik ay saka ako bumangon para magpahangin sa labas dahil hindi na talaga ako dinalaw ng antok. Pagkabukas ko ng pinto ay eksaktong bukas din ng pinto ni Harvey sa tapat na kwarto.

Nagulat ako pero hindi na nagpahalata. Hindi katulad ng dati na lagi kaming nag-iiwasan, ngayon naman ay wala kaming pakialam na diretsong naglakad sa pupuntahan. Napabuntong hininga na lang ako at nagpasalamat na hindi kami parehas ng daan na tutunguhin.

Pumunta ako sa may cottage at nanood sa mga kaklaseng lalaki na nagvovolleyball sa buhanginan. Hindi sila napapagod kakalaro dahil hindi naman sila nagpahinga.

"Bakit hindi ka nagpapahinga sa loob?" Si Hans nang tumabi sa akin sa upuan.

"Nagpahinga lang ako saglit, hindi naman ako makatulog. Kayo? Hindi kayo napapagod." Sagot ko na nakatingin pa din sa mga naglalaro.

"Sinusulit na, sembreak naman na next week kaya makakapahinga din." Sagot nya din na nakatingin sa malayo.

"Hans, hindi ka naman nanliligaw  sa akin di ba?" Nagulat sya sa diretsong tanong ko, hindi agad sya nakasagot sa tanong ko kaya dinugtungan ko na agad. "Ayaw ko lang na iniisip ng iba na pinapaasa kita o kayo. Wala akong pinapaasang tao." Seryoso kong dugtong.

All Of The StarsWhere stories live. Discover now