When we went inside everybody was on the living room.
Lumapit ako kina Mama at Papa na nanonood ng tv at nagmano. Bumaling naman sila sa kasama ko.
"Magandang gabi po," bati ni Harvey.
Alam kong hindi dapat ako kinakabahan dahil matagal na akong minamadali ni Mama na magka-boyfriend pero baka isipin nila na ang bilis naman. Kahapon lang ay kasama pa namin siya kumain dito tapos hindi pa naman kami nun.
"A-ah.. Ma, Pa, boyfriend ko na po si Harvey," sabi ko at bumaling kay Harvey na nagpipigil ng ngiti.
"Sa wakas!" malakas na sigaw ni Adrian.
Inirapan ko siya pero hindi niya ako pinansin at lumapit siya kay Harvey para tapikin sa balikat.
"Alam nyo na ang dapat at hindi dapat gawin, matatanda na kayo," seryosong sambit naman ni Papa.
Nakangiti lang si Mama na napapailing. "Welcome to the family, Harvey."
I was so happy because everything went well and I have nothing to ask for.
"I'll go ahead, maaga ka pa bukas," sabi ni Harvey.
Mag-aalas nwebe na ng gabi pero nandito pa din siya sa bahay. Nakaupo lang kaming dalawa sa sofa at nanonood ng tv. Kanina pa umakyat ng kwarto sina Mama at si Adrian din dahil may gagawin pa daw siyang project.
Tumango lang ako pero hindi inaalis ang ulo ko sa pagkakahilig sa balikat niya. Pinisil niya ang kamay ko dahil hindi ako gumagalaw.
He kissed the top of my head before he removed my head on his shoulder.
"Inaantok ka na oh, let's go. Ihatid mo na ako sa labas, hindi ako pwedeng matulog dito," natatawa niyang sambit.
"Hindi talaga!" I said as I stand up and walked towards our door. He immediately followed me and then he put his arms around my shoulder.
"Ingat ka sa pag-drive," I said.
"Yes, Mam! Goodnight," he said and then kissed me on the cheek.
"Goodnight,"
I waited for him to leave but before he reached his car, he walked back and then hugged me. "I love you,"
I hugged him back. "I love you, too."
I felt him stiffened that's why I laughed.
"I'm really have to go, baka magbago pa ang isip ko at dito na ako matulog," he said.
"Bye!" I said and waved my hand before I go back inside.
I turned off the tv and take a bath before I go to bed. When I got into my room I recieved a text from him saying that he's already home.
Maaga akong nagising kinabukasan at maaga ding nag-ayos. Usually kasi kapag may Monday ay mas marami ang ginagawa sa opisina.
Nagtext si Harvey na hindi niya ako maihahatid sa trabaho dahil pupunta siyang Maynila para sa isang proyekto. Nasabi din niya na babalik siya bago mag-gabi kaya maihahatid niya ako pauwi.
Hindi naman talaga kailangan na ganoon lagi pero yun ang gusto niyang gawin kaya hindi na lang ako nakikipagtalo.
Harvey:
Don't forget to eat your lunch.Napangiti ako sa text niya dahilan para tuksuhin ako ng mga kasamahan ko.
"Si Ysabel, pumapag-ibig!" sabi ni Jen.
"Siya ba yung sumusundo sayo nitong mga nakaraang araw?" tanong naman ni Miss Janet at tumango lang ako.
Sa dami ng inaayos kong mga papel ay hindi ko na namalayan ang oras at uwian na pala. Inayos ko lang ang mga gamit ko at naglakad na palabas ng opisina.