Ang bilis talaga ng panahon, parang kakasimula lang ng taon tapos ngayon end of school year na. Exam dito, exam doon. Nakakalugaw na ng utak, salamat na lang at last na to ngayong second year.
"Nakakapagod. Canteen tayo?" Anyaya ni Eline sa amin.
Bukod kasi sa mga exams ay inaasikaso din namin ang aming clearance para makuha ang card. Buti na lang at mabilis na lang pirmahan yung sa akin dahil kumpleto ako sa projects at mga reports.
"Ysabel, pakibigay naman ito kay Mrs. Red sa kabilang section. Thank you." Pakiusap sa akin ng aming adviser.
Tumango na lang ako bilang sagot. Nagpapasama ako kay Selene pero ayaw sumama dahil makikita nya daw doon si Nikko. Gutom na gutom naman na ang iba kong kaklase kaya sa canteen na ang diretso nila.
Tahimik akong naglalakad sa hallway patungo sa room ni Mrs. Red dala dala ang mga test papers. Nang makarating ay kumatok ako sa pinto kahit nakabukas para malaman nila na may tao. Mukhang hindi pa sila tapos sa pag-exam. Kasabay na lumingon ni Mrs. Red ang mga estudyante nya.
"A-ah, pinapadala po ni Ma'am Diane." Sambit ko. Naiilang sa mga matang nakatingin sa akin.
"Pakiabot mo nga Nikko." Utos ni Mrs. Red kay Nikko na malapit sa pintuan.
"Ako na po Ma'am." Pabidang sambit ni Harvey sabay tayo at lumakad papalapit sa akin. "Hi.. Mag-isa ka lang?" Tanong nya agad.
Alam kong rinig na rinig ng mga kaklase nya ang sinabi nya dahil naghagikhikan ang mga ito. Tumango lang ako bilang sagot sa kanya.
"Tapos na ang exam nyo?" Tanong nya ulit at tumango lang ako ulit. "Sana all."
"Mr. Montero, makikipagkwentuhan ka na lang ba dyan? Hindi ka pa tapos sa exam mo." Panunukso ni Mrs.Red sa kanya dahilan para magtilian ang mga kaklase.
"Mukhang may makakaperfect sa exam."
"Inspired na naman sya."
"Sana all"
"Tumahimik kayo!" Saway ni Ma'am. "Salamat Ysabel sa pagdala nyan." Baling nya sa akin.
Dinala na naman na ni Harvey sa table ni Ma'am ang mga test papers.
"Poporma ka pa ha?" Narinig ko pang pagbibiro ni Ma'am kay Harvey nung umalis ako.
Gaya ng dati ay binalewala ko na lang ang mga panunukso nila. Magkaibigan lang kami. Close to bestfriends.
"Ang tagal mo." Sambit ni Selene pagkarating ko sa canteen.
Umirap lang ako sa kanya dahil hindi nya ako sinamahan. Naka-order na sila at magsisimula nang kumain samantalang ako ay pipila pa lang. Buti na lang at tapos na ang exams namin kaya kahit magtagal kami dito ay ayos lang.
Kwentuhan lang sila ng kwentuhan tungkol sa exam at kung ano ano pang bagay. Nakikinig lang ako at nakikitawa sa kanila.
"Ikaw Ysabel, kelan ka magkakaboyfriend?" Tanong ni Kira. Hindi ko namalayan na ganito na ang topic nila. Halos lahat kasi sila ay may boyfriend na, yung iba ay taga ibang school at yung iba naman ay ibang year level.
"H-ha? Wala pa sa isip ko yan." Sagot ko.
Nagtinginan silang lahat sa akin na tila naguguluhan.
Ano bang masama sa pagiging single? Kagaya ng palagi kong sinasabi, bata pa kami at marami pang mas importanteng bagay kaysa sa lovelife.
"So, pinapaasa mo lang si Harvey?" Masungit na tanong ni Eline.
"Magkaibigan lang kami." Yun naman ang totoo.