Kabanata 38

19 4 1
                                    


"Tigilan niyo nga ako, baka hindi talaga para sa akin ang pag-aasawa. Congrats sa inyo!" I said but they just laughed at me.

Mukha na ba akong clown ngayon? Kanina pa nila ako pinagtatawanan.

"Bitter ka girl? Don't worry, darating din ang para sayo o baka nga dumating na pero nagkahiwalay lang kayo ng landas," nang-aasar niyang sambit.

Umirap lang ako sa kanya bago kumain ulit ng inorder ko.

Nagpaalam na din sila pagkatapos naming mag-usap tungkol sa mangyayari sa kasal nila. Mabuti na lang at dito lang sa lugar namin iyon gaganapin, sa isang sikat na hotel and resort na malapit sa bayan.

Isang linggo ang plano kong mag-leave sa trabaho dahil ako nga ang maid of honor. Magiging abala ako sa mga ganap sa kasal niya. Mabuti na lang at pinayagan ako ng boss ko dahil hindi naman ako madalas magleave kapag importante lang talaga.

I ended up working on a bank because I pursued Accountancy instead of BS Public Administration na gusto ni Mama para sa akin. I'm happy on what's happening in my life now.

"Sana all may pa-bakasyon bakasyon lang," sambit ng katrabaho ko na si Jen.

I smiled at her. "Ibigay niyo na sa akin 'to, minsan lang eh!"

"Gawin mo yan ng madalas, baka doon mo mahanap ang forever mo," kinikilig niyang dagdag.

Nagkukuwentuhan kami habang papalabas ng opisina bago umuwi. Natanaw ko na si Selene bago pa ako makasagot ulit kay Jen.Ngayong araw ako susukatan ng gown para sa kasal niya, sabi niya ay susunduin niya ako para sigurado daw na hindi ako ma-lalate.

Napakasigurista talaga!

Habang nasa sasakyan kami ay sinasabi niya sa akin ang mga imbitado at ang mga hindi makaka-attend na mga kaklase namin dahil busy sa kani-kanilang mga pamilya. May mga kaklase din kami na kinuha niyang mga abay.

"Sino pala ang best man ni Nikko?" tanong ko.

"Ah, iyong kapatid niya siyempre! Akala mo si Harvey noh? Ewan ko kung aattend iyong lalaking iyon pero sinabihan naman namin," dire-diretsong sabi niya.

Nagkibit balikat na lang ako.

"Hindi mo ba itatanong kung
nakauwi na siya? Nagpapakabitter ka pa din ba dahil sa kanya?"

Umirap lang ako sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

Sa ilang taon naming pag-uusap ni Selene ay ngayon niya lang ulit binanggit si Harvey dahil noong bagong alis pa lang siya ay sinabi ko sa kanya na huwag na lang akong balitaan sa mga nangyayari sa buhay ng lalaking iyon.

Matagal naman na iyon kaya ayos na siguro na magkita kami ulit kung pupunta siya sa kasal.

"Paano kung pumunta nga siya? Ayos lang sayo?" tanong niya.

"Bakit naman hindi? Ako ba dapat ang pipili ng mga bisita nyo?" sagot ko.

Umirap siya sa akin. "Pilosopo ka na din ngayon noh?"

Tinawanan ko lang siya.

Paano nga kung magkita kami? Pano ko siya i-aapproach? At bakit ba iyon ang iniisip ko?

Wala tuloy ako sa sarili nung nagsusukat ako ng damit. Nakabalik lang ako sa reyalidad noong ginulat ako ni Nikko.

"Earth to Ysabel, hello?" he slowly shake my shoulder.

"Ano ba, wag ka ngang nanggugulat," sabi ko at hinampas siya sa kamay.

He laughed. "Tulala ka kasi, nag-aadik ka ba?"

Hinampas ko ulit siya sa kamay dahilan para tumawa na naman siya.

"Wag mo 'kong inaasar asar dahil kapag sinabi ko kay Selene na itigil ang kasal ay ititigil niya talaga iyon," pang-iinis ko sa kanya.

Lumapit naman siya kay Selene at niyakap ito sa likod pagkatapos ay hinalikan sa pisngi.

Selene turned to Nikko and kissed him on the lips. Hindi na nahiya na may kaharap na mga tao!

I made a disgusted face that will surely Nikko will see but the jerk just laughed at me.

Ang saya saya nilang tingnan at masaya ako para sa kanila. Sa dami din ng pinagdaanan ng dalawang ito ay deserve nilang maging masaya sa dulo. At ang dulong iyon ay ang simula ng panibagong buhay nila bilang mag-asawa, bilang isang pamilya.

Dahil lahat ng dulo ay may  panibagong simula. 


All Of The StarsWhere stories live. Discover now