Harvey:
Pinayagan ka?Tanong nya sa text, usapan kasi namin na sabihin ko sa kanya kapag pinayagan ako. Kakatapos lang namin kumain at nagpaalam na din ako kanina. Pinayagan naman ako basta wag lang daw magpapagabi.
Ako:
Yup.Kakasend ko pa lang ng text ko ay may reply na sya agad.
Harvey:
Wag mo sabihin kay Selene. HahahaBaliw talaga 'to!
Harvey:
Sa akin ka na lang sumabay bukas.Harvey:
Please.(^~^)Sunod-sunod na text nya.
Ako:
Sige.Hindi pa sya nakuntento at tumawag pa talaga.
"Hello?"
"Hmm.. Wag mo sabihin kay Selene ha?" Tumatawa nyang sambit.
"Bakit ba?"
"Isurprise mo na lang, para maiba lang."
"Sige sige." Natuwa ko naman sagot.
"Susunduin kita bukas dyan." sambit nya na parang wala akong choice kundi pumayag.
"Okay."
"Okay. Goodnight Allanah."
"Goodnight Harvey." Sambit ko bago pinatay ang tawag.
***
"Ate, hinihintay ka na ni Kuya Harvey sa baba." Tinig ni Adrian yun.Tinanghali ako ng gising kaya yung ala otso dapat na alis namin ay naging alas nwebe. Nagmamadali akong bumaba para makaalis na kami. Hindi ko na tinext si Selene kagabi katulad ng napag-usapan namin ni Harvey.
"Hi. Sorry, natagalan ako. Tara na!" Sambit ko at mabilis naman syang tumayo at sumunod sa akin palabas.
Wala sina Mama ngayon dahil nasa trabaho. Nagpaalam naman ulit ako kanina bago sila umalis.
"Adrian, bantayan mo yung bahay! Wag kang gumala gala." Sigaw ko kay Adrian paglabas namin ng gate.
"Yes Madam." Sigaw nya pabalik.
Tiningnan ko si Harvey na tahimik lang na naglalakad dala dala ang gitara nya.
"Hindi mo talaga iniiwan yang gitara mo noh?" Puna ko dahil palagi nya talagang dala yun.
Ngumiti sya. "Nasanay na lang din na palagi kong dala. Nakakalibang kasi tumugtog."
"Sana all singer." Sabi ko na nagpangiti lalo sa kanya.
Sumakay na kami sa tricycle papunta sa resort. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakitang maraming missed calls at text mula kay Selene at iba pang kaklase,wala akong nireplyan sa kanila. Nagtext lang ako kay Mama na nakaalis na ako ng bahay.
Mama:
Huwag magpapagabi. Ingat kayo!Tanging reply ni Mama.
Ako:
Yes Ma.Pagkatapos magreply ay itinago ko na ang cellphone ko. Malapit lang naman yung resort kaya agad kaming nakadating. Pagpasok namin ay nilista ni Harvey ang mga pangalan namin at nagbayad ng entrance.
Natanaw na agad namin sila sa isang cottage, sa kabilang cottage naman ay ang mga kaklase si Harvey. Mayroong ding mga third year doon. Nakita kong kumaway agad si Almirah kay Harvey dahilan kung bakit tumaas ang kilay ko na nakita ni Harvey. Napangiti sya, lumapit na naman at minasahe ang kilay ko.