"Hanggang kailan mo ba titiisin si Harvey?" Tanong bigla ni Selene sa akin.
Malamig na hangin sa buwan ng Pebrero ang dumampi sa aking balat. Wala kaming klase ngayon kaya nakatambay kami sa isang bench malapit sa puno ng talisay.
Tinanaw ko muna si Harvey na masayang nakikipagtawanan sa mga kaklase namin. Naging malapit na din sya sa iba naming kaklase at naging mabuti para sa kanya yun dahil palagi na syang may kasama sa room. Ang balita ko ay naging malinaw na din ang issue nila ni Nicole, nakamove on na ang babae.
"Hindi ko sya tinitiis. Ayos na yung ganito kami. Masaya naman sya." Sagot ko kay Selene.
Palagi nya kaming pilit na pinag-uusap ni Harvey kahit wala naman dapat pag-usapan.
"From friends to strangers, real quick. Sana man lang naging lovers kayo di ba?" Natatawa nyang sambit.
Not now.
"Dami mong alam, sagutin mo na yung manliligaw mo para may pagkaabalahan ka naman hindi yung ako palagi ang kinukulit mo."
Sumimangot lang sya at hindi na sumagot. Marami kasing nanliligaw sa kanya pero sabi nya ay nawalan na sya ng gana sa lovelife kaya wala syang balak sagutin ang kung sino man.
"Sinong date mo sa Valentine's day?" Natatawa nyang tanong.
Umirap ako. "Required ba?"
"Sungit mo! Kaya walang nanliligaw sayo.." Maarte nyang sagot.
Tinawanan ko na lang sya. "Wala namang ganap kapag Valentine's day dito. Ikaw? Sino ang idadate mo sa mga manliligaw mo?"
Sumimangot sya. "Wala noh? Di ko type yung mga yun."
"Paasa ka!" Sagot ko sa kanya.
Nang tumunog na ang bell ay pumunta na kami sa room para sa susunod na klase.
"Mauna ka na umuwi mamaya, hindi ako makakasabay." Sambit nya nung naglalakad na kami papunta sa room.
"Bakit?" Tanong ko.
"May pupuntahan kami ni Mama, magpapaexcuse ako mamayang last period." Sambit nya.
Tumango na lang ako bilang tugon. Nakinig lang kami sa pagdidiscuss ng teacher namin sa English. Inaantok ako kaya nakapangalumbaba ako habang nakikinig. Nang natapos ay nagbigay lang ng assignments at idinissmiss na kami.
Nang uwian na ay nakita ko si Adrian na pauwi na din kaya sumabay na ako. Wala din naman syang kasabay.
"San si Ate Selene?" Tanong nya ng sumabay ako.
"May lakad." Simple kong sagot.
"Si Kuya Harvey?" Tanong nya ulit.
Nagkibit balikat na lang ako, hindi nya ba napapansin na hindi na kami nagkakasama nun?
"Si Kuya Nikko?" Tanong nya pa.
"Ano ba? Nag-aattendance ka ba?" Natatawa kong tanong.
"Tss.. Nagtatanong lang! Tara na nga. Mukha kang kawawa." Tumatawa nyang sabi at inakbayan ako.
Mas matangkad na sya sa akin ngayon at parang mas matanda pa syang magsalita.
"Ang laki mo na!" Sambit ko.
"Ikaw lang naman ang hindi lumalaki." Sabi nya.
Kinurot ko sya sa tagiliran dahilan para mapasigaw sya sa sakit.
**
"Bakit late ka?" Tanong sa akin ni Selene pagkapasok ko ng room.
Mabuti na lang at wala pa ang teacher namin sa second period.