Kabanata 3

78 10 0
                                    

"Uy. Dito kayo.." Tawag sa amin ng mga kaklase namin.

Sa wakas nakarating din kami ng canteen. Sa dami ng kakilala ni Selene na kumakausap sa kanya akala ko hindi na kami makakain. Miss Friendship itong babae na to e.

"Ano kakainin mo friend?". Tanong sa akin ni Selene.

"Magririce na ako para hindi na tayo bumalik dito mamayang lunch time, sigurado madami na tao dito nun." Banggit ko.

"Sige. Rice na lang din sa akin at ulam syempre!" Maligayang sabi nya.

"Hindi ko maintindihan tong dalawa na to, lagi nag-aasaran tapos sila din lagi magkasama. So sweet.." Sambit ni Kira na kaklase namin.

"Eww.."

"Kadiri!"

Sabay namin sagot ni Selene. They all laughed on our reaction.

"Buntot ko nga kasi yan si Selene." Pang-aasar ko pa.

"Ikaw naman ang sungay ko girl. Oh di ba ang lakas makademonyo." Sagot nya at sabay sabay kami nagtawanan.

"Hay naku. Kumain na tayo at nang may mapuwestuhan tayo sa gym. Baka mamaya wala na tayo maupuan dun." Sambit ko para matigil na sila sa kadaldalan nila.

"Uyyy.. May ichecheer sya sa basketball game." Sabay sabay nilang sambit.

Hindi na ako sumagot para matahimik na sila. Sino ba naman ang ichecheer ko dun, e kaya nga lang ako pupunta dahil wala naman akong ibang gagawin. Ayoko lang na kung kelan kaorasan na e saka pa lang maghahanap ng upuan. Agaw eksena pa kami kung ganun ang mangyari.

"Ano ba kayo, alam nyo naman yang si Ysabel, sobrang stiff ng personality, hard to please. Titingnan mo pa lang e tataasan ka na ng kilay. Kaya iwas din sa kanya ang mga lalaki e." Seryosong sabi ni Kira.

"Kira walang connect yang sinabi mo sa pinag-uusapan natin." Natatawang sambit ni Eline.

"I mean, bakit nyo sya inaasar na may ichecheer sya doon e obvious naman na wala." Nagtataray na sagot ni Kira.

Tahimik lang ako habang pinagchichismisan nila ako ng harap harapan. Wala lang naman sa akin yun dahil totoo naman ang mga sinasabi nila.

"Oh sya sya.. Malalaman nyo din naman kung may napupusuan na yang si Ysabel kasi lahat ng emosyon nya ay halata naman. Kapag naiinis, kapag malungkot, kapag kinakabahan at kapag masaya. Isa syang lumalakad na emoji." Tatawa tawang banggit ni Selene.

"Tigil tigilan nyo na nga ako. Kung meron man at kung may darating man na magugustuhan ko, wala naman akong balak itago."

"That's my girl." Si Selene na kinikilig kilig pa.

At sa wakas ay tumahimik na sila at matiwasay kaming natapos kumain. At nang natapos kami kumain ay nanood muna kami ng nagvovolleyball girls kahit hindi naman namin kabatch yung mga naglalaro. Pampalipas oras lang, uuwi na talaga ako pagkatapos ng basketball game. Wala naman na akong ibang gagawin dito kaso baka magkaroon pa ng attendance mamaya bago mag-uwian. Bahala na nga.

Nakaupo na kami sa bleachers ng magsimula ang game. Madami din ang nanonood dahil eto talaga ang inaabangan ng lahat. Palakasan ng pagcheer ang bawat year level. Ang kalaban ng team namin ay ang first year na sobrang daming energy sa pagsigaw. Tawang tawa kaming magkaklase dahil akala mo mga totoong player sila. Nagsstretching pa nga!

"Go Yellow Team!"

"Yellow team all the way! Hoooo..."

Nakakalamang ang team namin dahil di hamak na mas malalaki at matangkad ang player namin kumpara sa kalaban. Dumating na ang third quarter ay hindi na nakalamang pa ang green team.

"Mauna na ako umuwi sa inyo, siguradong panalo naman na yan." Sambit ko kina Selene na walang kapaguran kakasigaw.

"Mamaya na. Saglit na lang yan hindi mo pa tapusin." Si Eline na nakataas pa ang ginawa nyang banner para sa team.

Nagkakalikot ako ng cellphone ng maramdaman ko na may nakatingin sa akin. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Niko na nakangiti, kumaway pa sa akin. Kaklase ko si Niko simula elementary kaya masasabi ko na kilala ko na talaga sya, minsan makulit, minsan seryoso. Nginitian ko lang sya at hindi na kumaway. Hindi naman kami ganoon ka close. Katabi nya ay si Harvey na nag-aalinlangan kung ngingiti ba sa akin. Sa huli ay tumango na lang at saktong nakita yun ni Selene.

"Bakit ka tinitingnan at nginingitian ni Niko? May gusto ba yun sayo?". Eksaheradang litanya nya.

"Napaka-OA mo, ngumiti lang yung tao e may gusto na agad. Ewan ko talaga sayo Selene, kaya hindi ka pinapansin nun e. Ang daldal mo."

"Aray ko ha? Kaya nga bagay kami di ba? Medyo tahimik sya, medyo lang kasi nakikita ko naman sya lagi na nakikipagkulitan sa iba pero pag nakikita ako e nakasimangot na." Malungkot nyang sabi.

"Ayaw mo kasing tigilan e. Bata ka pa Selene, madami pang lalaki dyan. Crush mo pa lang yan e ganyan ka na? Paano kapag mahal mo na?" Seryosong sabi ko at nakita ko na parang nag-iisip sya at nangingiti pa. Baliw talaga!

"Opo 'nay. Chill ka lang sa buhay pwede? Init agad ng ulo."  Bubulong nyang banggit.

Masyado nga ba talaga akong seryoso sa buhay? Hindi ba pwedeng ganun lang talaga ako? Wala sa personality ko ang pagiging makulit o palasalita kaya kunti lang din nakakausap ko sa school. Kapag babatiin nila ako, bumabati din naman ako pabalik. Hindi lang talaga ako makasabay sa kadaldalan ng mga kasama ko.

Natapos ang game at nanalo nga ang team namin. Sobrang saya na akala mo e final game na yun. Minsan naiisip ko na lang na intrams lang talaga ang inaabangan ng mga estudyante dahil iba ang kasiyahan nila ngayon.

"Halika, batiin natin sila." Si Kira na tuwang tuwa.

"Wag na. Alam na nila yun! Ang dami pang bumabati oh!". Sambit ko na handang handa ng lumabas ng gym.

"Ang KJ mo talaga Sab. Saglit lang eh! Bilis na." Sabay hila sa akin ni Selene.

"Congrats sa inyo!"

"Congrats!"

"Ang gagaling nyo!"

Sabay sabay nilang sambit pero syempre may bonggang bati si Selene.

"Congrats baby Niko! Inspired ka siguro kaya ang galing galing mo kanina." Kinikilig na sambit ni Selene. Pinupunasan pa ng pawis si Niko na hinahawi naman ang kamay ni Selene. Iritang irita.

"Wag ngayon Selene, pagod ako. Saka hindi ako ang nagpanalo nung game. Si Harvey. Wag kang OA dyan." Naiiritang sabi ni Niko.

"Congrats sa inyong lahat." Mahinang banggit ko, sapat lang para marinig nila.

"Salamat." Si Harvey na sinusuklay ng daliri ang buhok.

Nagtinginan sa akin ang lahat ng nakapalibot sa amin dahil si Harvey lang ang sumagot sa bati ko. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Ehemm.. Kruu Kruuu. Una na kami guys, kanina pa nag-aaya tong si Ysabel na umuwi eh, bye! Goodluck sa next game bukas." Awkward na sabi ni Selene.

"Ah.. Allanah, pwede pahintay? May itatanong lang ako." Kinakabahang sambit ni Harvey dahilan kung bakit tumingin na naman silang lahat sa akin.

All Of The StarsWhere stories live. Discover now