Mariing nagtagal ang tingin sa akin ni Harvey nang pagbuksan nya ako ng gate nila. Hindi makapaniwala na andito na ako sa harapan nya. Si Selene ang nagsabi na wag na namin ipaalam kay Harvey.
"Bakit hindi ka nagtext? Sinundo dapat kita." Sabi nya.
"Si Selene na ang sumundo. Okay lang yun, hindi naman ako chiks." Natatawa kong sambit.
Pinandilatan nya si Selene bago pa magpatiuna papasok ng bahay nila.
"Shit! Saglit lang, five minutes." Nagmamadali sya sa pagbukas ng pinto pagkatapos ay pinagsarhan kami.
Tawang tawa si Selene sa inasta nito at mukhang magliligpit pa ng mga kalat kaya nagmamadali. Maya-maya ay may nagbukas ng pinto.
"Harvey, ano ka ba naman. Andito na pala ang mga bisita mo ay bakit hindi mo pinapapasok." Si Lola Helena.
"Good afternoon po Lola." Sabay naming sambit ni Selene at nagmano na din.
"Pumasok na kayo. Bakit ngayon lang kayo nagpunta? Inip na inip na ang apo ko." Nakangiting sambit nya.
"Pasensya na po Lola, dumating kasi yung mga kamag-anak ko galing probinsya kaya medyo naging busy." Sagot ni Selene.
Palinga-linga lang ako sa sala nila habang si Selene naman ang sumasagot sa mga tanong ni Lola Helena. Pawisan si Harvey nang magbalik sa sala nila at umupo sa katapat na upuan ko.
"Kukuha muna ako ng makakain nyo habang nagkukwentuhan tayo." Ani Lola Helena.
Pagkaalis ni Lola Helena ay saka nagsalita si Harvey.
"Bakit hindi ka nagtext sa akin na ngayon ang punta nyo?" Tanong ni Harvey sa akin.
"Ulit ulit, Harvey? Ako na nga ang sumundo. Ikaw naman ang maghahatid." Sabat ni Selene.
"Sinabi ko naman sayo kagabi na ngayon ang punta namin." Sagot ko kay Harvey.
"Hindi ka pa din nagtext." Mahinang sagot nya.
"Nag-aaway ba kayo?" Inosenteng tanong ni Selene.
"Gusto ko lang na ako ang magsasabi sa parents nya." Baling nya kay Selene.
"Na ano?" Nang-aasar na si Selene at nakapangalumbaba pa sa gawi ni Harvey.
"N-na dito sya pupunta."
"Sinabi ko na yun! Saka hindi ikaw ang pinuntahan namin dito, si Lola." Angil ni Selene.
Hindi na sumagot si Harvey, hanggang sa bumalik si Lola na may dalang mga pagkain.
Nakikipagkwentuhan lang kami sa kanya habang kumakain. Marami syang kinukwento tungkol kay Harvey at sa mga nangyari dito nung bata pa.
"Lola.." Lagi nyang banggit kapag nagbibigay na ng masyadong maraming impormasyon si Lola.
Pinagtatawanan na lang namin iyon. Pakiramdam ko tuloy ay mas nakilala ko pa sya dahil sa mga kinuwento ni Lola.
"Masaya ako at maraming nang naging kaibigan ang apo ko sa school ninyo." Seryoso nang sambit ni Lola Helena.
"Marami naman pong gustong makipag-kaibigan sa kanya, pero pili lang po yung mga ka-close talaga." Sambit ko naman.
"Okay na yun kaysa palaging gitara ang kaharap nya. Mabuti nga at lagi din sinusundo ni Nikko dito para magbasketball." Sagot ni Lola. Nabulunan pa si Selene nang marinig ang pangalan ni Nikko.
Tinanong sya ni Lola kung ayos sya at tumango na lang sya. Pulang pula ang mukha sa pagkakasamid. Apektado pa din talaga sya kay Nikko at kahit pagbanggit lang ng pangalan ay nasasamid pa.