Loving can hurt,
Loving can hurt sometimes
But it's only thing that I knowWhen it gets hard
You know it can get hard sometimes
It is the only thing makes us feel alive..He put my both hands on his nape and then he slid his hands on my waist. Nagsimula kaming gumalaw pero halos hindi kami umaalis sa pwesto. Naririnig ko pa ang bulungan at pang-aasar sa paligid pero hindi ko alam kung para sa amin iyon.
He was watching me intently.
"Kumusta ka na?" He asked after minutes of being silent.
"O-okay lang," sagot ko na hindi makatingin sa kanya.
"Hindi mo ako kukumustahin?" natatawa niyang tanong.
"You look fine." I said.
I saw him smile but I know it's fake. Umiling iling pa siya. I turned my gaze to the bride and groom for me to be distracted.
So you can keep me,
Inside the pocket of your ripped jeans
Holding me close until our eyes meet..
You won't ever be alone..
Wait for me to come home.Gustong gusto ko nang umupo at umalis na lang pero ayaw kong gumawa ng eksena sa kasal ng bestfriend ko.
Alam kong matagal nang panahon ang issue naming dalawa ni Harvey pero hindi ko lang maiwasan na isipin dahil ngayon lang ulit kami nagkita pagkatapos ng mahabang panahon.
Hanggang sa makaupo na ako ay iyon pa din ang iniisip ko. Nang tinawag ako ng host para magbigay ng message sa newly weds ay agad akong tumayo.
"Allanah Ysabel Reyes, ang bestfriend ng ating bride, ay! Si Ate ganda pala.." sabi ng host at ngumiti lang ako sa kanya.
'Jojowain! Jojowain!'
May narinig akong sigaw sa crowd pero tinawanan ko lang iyon.
"Hi, newly weds!" bati ko sa dalawa at agad naman silang ngumiti.
"Congratulations! Finally, you are in each others arms now. I wish you nothing but happiness. Always take care and understand each other. I love you both," sabi ko bago lumapit sa kanila at niyakap sila pareho.
Niyakap ako ng mahigpit ni Selene, she's being emotional today.
"Ayos ka lang ba? Nag-usap kayo?" tanong niya at umiling lang ako.
Alam ko kung sino ang tinutukoy niya at ayaw ko nang isipin niya pa iyon sa araw ng kasal niya.
Sunod na yumakap sa akin ay si Nikko, mahigpit din.
"Saya kanina noh?" pang-aasar niya pero kinurot ko lang siya sa tagiliran.
"Congrats sa inyo! Salamat naman at matatahimik na ang buhay ko mula sa panggugulo ninyong dalawa," sambit ko.
"Ay! Di mo sure," sabay na sabi ng dalawa. Bagay na bagay talaga.
Naglalakad na ako papunta sa upuan ko nang magsalita ulit ang host.
"Zane Harvey Montero, ang bestfriend naman ng groom. Ay! Si pogi pala, ano ba 'to? Scripted ba 'to? Magkakakilala pala kayo?" Natatawang sabi ng host.
Nagkasalubong pa kami ni Harvey sa gitna pero diretso lang akong naglakad at hindi man lang lumingon sa kanya.
"Bro, pwede bang kanta na lang? Wala ka naman magandang sasabihin eh!" pagbibiro ni Nikko dahilan para magtawanan ang mga tao.
Mukhang sineryoso naman ni Harvey iyon dahil kinuha niya ang microphone at pumwesto sa may kinatatayuan ng banda pero nagsalita muna siya.
"Congratulations sa inyong dalawa! Sa wakas, asawa mo na ang pinapangarap mo Nikko, sana all.." sambit niya at lalong nagtawanan ang mga tao.
"This song is for you both, I hope you'll like it," dugtong niya.
Bumaling muna siya sa banda at may sinabi doon bago kumuha ng gitara at bumalik sa pwesto niya.
Unang bigkas niya pa lang sa lyrics ng kanta ay nagpalakpakan na ang mga tao. Isinayaw naman ni Nikko si Selene dahilan para makigaya ang iba sa pagsayaw.
I just wanna love you forevermore..
And I wanna hold you just like before,
And maybe someday we might just find a way and we can love forevermore.."May I have this dance?" sambit ni Hanz na biglang sumulpot lang sa harapan ko.
"Sure.."
If I could turn time,
I would've never let you go
And you would still be mine,
But here I am crying all alone
All of we shared
All of time you were thereNapatingin ako kay Harvey at nakita kong madilim ang tingin niya sa akin.
I just wanna love you forevermore..
And I wanna hold just like before, and maybe someday we might just find a way
And we will love forevermore..