Kabanata 34

26 3 0
                                    

Mabilis na dumaan ang mga buwan at lalo kaming naging abala dahil graduating na kami at maraming requirements ang kailangang asikasuhin. Hindi ko na halos nakikita si Harvey dahil nailipat na naman siya sa kabilang section.

Hindi ko alam kung umiiwas siya o talagang busy lang kami pareho.

"Nag-away ba kayo ni Harvey?" tanong ni Selene.

"Hindi naman," mahinang sagot ko.

Nakakapagtaka na din na hindi na siya umaaligid-aligid sa akin at hindi na kami nagkakasabay umuwi. Ang alam ko naman ay nililigawan niya pa ako.

"Sure ka? Hindi ko na kayo nakikitang nag-uusap," seryosong sabi niya.

"Busy lang iyon,"

"Busy din siya noon pero palagi siyang may time pagdating sa iyo," sambit niya.

Hindi ako nakasagot doon kaya nagkibit balikat na lang siya at patuloy na kaming naglakad patungo sa sakayan ng tricycle.

That night, Harvey texted me, saying sorry because he wasn't able to sent me home.

I rolled my eyes after I read his message. Marami na akong problema sa school, ayaw ko nang problemahin din ito.

Ako:
It's okay.

I know we have to talk it out, I can feel that he has a problem and I didn't know how will I ask him about it.

He didn't reply to my text that's why I just did my assignment and then sleep after that.

"Allanah.."

I gasp when I heard someone call my name. It was Harvey, standing outside our gate and I assumed he's waiting for me.

"Morning," I said and then started walking.

"Sorry kung hindi kita naihatid kahapon," sabi niya at sumabay sa paglalakad ko patungo sa sakayan ng tricycle papasok sa school.

"Okay lang, hindi mo naman ako responsibilidad," I said.

Hindi na siya sumagot at nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa sakayan ng tricycle. Nung malapit na kami sa gate ay saka pa lang siya nagsalita.

"I'm sorry, let's talk later. I'll wait for you."

I just nodded at him.

Nakinig lang ako sa teacher namin sa buong maghapon dahil kailangan ko ng mataas na grades para sa entrance exam para sa college. Mabilis lang din natapos ang maghapon dahil maraming pinagawa ang mga teacher sa bawat subject namin.

Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko si Harvey na naghihintay.

"Hi," he said.

He was about to get my books but I did not let him carry it. It doesn't feels right. May nagbago.

"Pwede ba tayong dumaan muna sa plaza?" He asked and I just nodded.

Malapit lang naman dito iyon kaya nilakad na lang namin. Walang nagsasalita sa aming dalawa, hindi ko na alam ang iisipin ko. Gusto ko na sabihin niya na lang ang problema para matapos na.

I sat down to the nearest bench and stared at the people walking, running and having fun.

"Allanah.."

I rolled my eyes and did not even look at him.

"Just go straight to the point Harvey, ano bang problema?" I said without looking at him.

I heard him sigh.

"I-I w-will stop courting you," he said in apologetic sound.

I didn't know how to react. I like him, no, I am half way inlove with.

"I'm leaving.. My parents want me abroad to be with them," he continued. "Kailangan kong tumigil sa panliligaw sa iyo dahil ayaw kong ikulong kita sa akin pagkatapos ay iiwan din naman kita."

Nakapagdesisyon na siya agad kaya wala na akong magagawa. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na ayaw kong tumigil siya sa panliligaw sa akin dahil gusto ko na siya, dahil kung iniisip niya ang nararamdaman ko sana ay tinanong niya muna ako o sinabi niya man lang sa akin ang problema niya bago siya nagdesisyon.

Pwede naman maging LDR pero hindi ko din sigurado kung kakayanin ko iyon kaya mas mabuti na din na ganito, I just thought that he will be my first boyfriend.

Hindi ako iyong klase ng tao na naghahabol kaya tumango na lang ako at naglakad paalis habang mabilis na pinupunasan ang mga luha. He did not stop me, I was waiting for him to stop me.

Nakarating ako sa bahay at dumiretso na sa kwarto. Nagtext pa siya sa akin at tinanong kung nakauwi na ako. Papatayin ko na sana ang cellphone ko pero nagtext ulit siya.

Harvey:
Take care of yourself always, Allanah. I love you.

I cried harder, he didn't even ask me about my feelings. Iniisip ba niya na hindi ko siya gusto? Alam kong hindi ako showy na tao pero sana naiparamdam ko naman sa kanya na espesyal siya, na kaya ko siya pinayagan manligaw ay dahil interesado din ako sa kanya.

Nananahimik ako noon pero siya ang lapit ng lapit tapos ngayong gusto ko na siya ay bigla siyang lalayo.

Sobrang unfair! Ang unfair niya!



All Of The StarsWhere stories live. Discover now