Kabanata 35

21 4 0
                                    

I still went to school the next morning even if my eyes was swollen.

"Sab.. Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Selene.

Bakit ba kapag alam mong hindi ka okay at may nagtanong ay mas lalo ka lang naiiyak?

"O-o naman," I said,

"Nandito lang ako kung may problema ka," she said and then hugged me.

I restrain myself from crying because I don't to want to be the center of attraction here in our canteen.

"C.R lang ako," paalam ko kay Selene habang kumakain sa canteen.

Mabilis akong naglakad papunta sa C.R at doon umiyak.

Bakit ba ako umiiyak? Lalaki lang iyan. Hindi ko naman priority ang pag-boboyfriend di ba?

Hindi ko lang siguro matanggap na sa kabila ng lahat ng pagtanggi ko sa kanya noon ay heto ako at unti unting nahuhulog pero wala naman palang handang sumalo.

Pagkalabas ko nang C.R ay nagulat ako dahil nasa labas si Harvey. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at unti unting naglakad palayo pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya.

"Ilang usap pa ba ang kailangan mo? Nasabi mo na ang gusto mong sabihin. May kulang pa ba?" mahina kong tanong.

"S-sorry," he said.

"Hindi ko kailangan ng sorry mo at huwag mo na akong kausapin dahil iyon naman ang sinabi mo di ba? May tao bang tumigil na sa panliligaw pero kinakausap pa din yung dating nililigawan?" sabi ko pero hindi siya sumagot kaya nagsalita ulit ako.

"Wala, Harvey. Kaya wag mo na akong kakausapin," dugtong ko at mabilis na naglakad palayo sa kanya.

Ibinuhos ko na lang ang atensyon ko sa pag-aaral sa huling tatlong buwan ng school year. Hindi na nga ako nilapitan at kinausap ni Harvey. Mas mabuti na din na sinabi niya ng maaga na aalis siya kesa kung pinatagal pa niya.

I graduated fourth year high school with honors and my parents are very proud of me.

"Congrats besh! Road to college!!" masayang sigaw ni Selene.

Tumawa lang si Nikko at niyakap ako. "Congrats, Ysabel."

"Nauna ka pang yumakap oy!" singit naman ni Selene.

Silang dalawa ang naging kasama ko sa huling tatlong buwan ng school year na ito. Lagi silang sumusunod sa akin kahit saang sulok ako ng school pumunta. Iniisip siguro nila na malungkot ako, pero sa totoo lang tanggap ko na ang nangyari at wala na akong magagawa doon. Hindi ko naman siya naging boyfriend para mag-inarte ako ng matagal.

Wala din akong pinagsabihan ng nangyari sa amin ni Harvey siguro ay nahalata lang nilang dalawa. Hindi din naman sila nagtatanong.

"Aalis na si Harvey bukas," sabi ni Nikko nang mapag-isa kami sa bahay.

Nag-celebrate kasi sina Mama at inimbita ang mga kaibigan ko. Nagkukuwentuhan sila ngayon sa garden samantalang sumunod naman si Nikko sa akin sa kusina para kumuha ng iba pang pagkain.

"Hindi mo ba kakausapin?" tanong niya nung hindi ako nagsalita.

"Bakit pa?" mahina kong sagot.

"For closure?"

"Hindi ko siya naging boyfriend, hindi naman kailangan nun," natatawa kong sagot.

"Alam kong gusto mo siya," sabi niya.

"Hindi na ngayon," sabi ko at iniwan siya sa kusina.

Ayaw ko na siyang pag-usapan. Mas mabuting hindi na din kami mag-usap bago siya umalis dahil hindi ko din naman alam ang sasabihin ko.
I'm mad at him and I don't think it will be gone anytime soon.

All Of The StarsWhere stories live. Discover now