EDITED.
ANDREI'S POV
Napabuntong hininga ako nang ihinto ko ang kotse sa harap ng bahay. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa dahil tumunog iyon. Panay ang tawag ni Kean, Tristan at Ilah. In-off ko iyon saka ibinalik sa aking bulsa.
Napasulyap ako kay Cassandra na nakatulog sa biyahe. Hinaplos ko ang maamo niyang mukha. Mugto ang mga mata niya dahil sa pag-iyak. Pero kahit na ganuon ay napakaganda niya pa rin.
Mapait akong ngumiti. Masaya ako na makita muli siya at makasama. Ngunit nakakalungkot lang dahil nasa ganitong sitwasyon kami. Nahahawakan ko man siya ngayon, alam ko na pagkagising niya ay lalayo na naman siya sa akin.
Magpupumilit na naman siyang umalis.
Bumuntong hininga ako saka bumaba sa kotse. Umikot ako sa passenger side. Marahan lang ang pagkilos ko upang hindi maistorbo ang pagtulog niya.
Binuhat ko siya papasok sa bahay. Nakasalubong ko pa nga si Manang Mildred na nagdidilig ng halaman sa garden. Halata ang pagkagulat sa mukha niya ng makita si Cassandra na buhat ko. Bumuka ang bibig niya pero hindi na rin naman nagsalita.
Habang papaakyat ako sa hagdan ay si Rica naman ang nakasalubong ko. Nakatingin siya sa babaeng buhat ko.
"Good afternoon po sir." bati niya sa akin saka tumabi sa pagkakatayo sa hagdan, upang bigyan ako ng daan.
Tinanguan ko lang siya saka nagpatuloy sa pag-akyat sa itaas. Dinala ko si Cass sa master's bedroom. Sa dati naming kwarto.
Malinis naman roon dahil palagi iyon nililinis nila Manang. Madalas kasi maglaro dito si Xander.
Maingat ko siyang ipinangko sa kama. Nanatili ako sa tabi niya habang pinanunuod siyang matulog.
Mas maganda na siya ngayon. Napakalaki na ng ipinagbago niya. Marunong na siya mag ayos ng sarili. Dati ay powder at lipstick lang ang ginagamit niya. Ngayon nakakapag make-up na siya.
Mas gumanda na rin ang katawan niya. Bumalik sa balingkinitan ang dati niyang medyo nanabang katawan. Parang hindi nga siya nanganak sa hubog ng katawan niya ngayon.
Naaalagaan niya na ng mabuti ang sarili niya ngayon.
May galit akong nararamdaman sa kanya ngayon pero mas nananaig ang pangungulila ko sa kanya. Sobra ko siyang namiss.
Kinuha ko ang isang kamay niya at hinalikan ko iyon. Hindi ko mapigilan na mamangha sa kanya ngayon. Bagay na bagay sa kanya ang mga pagbabagong nakikita ko.
Sa porma niya ngayon ay para na siyang successful na babae. Natupad na kaya ang mga pangarap niya? Matagumpay na kaya siyang organizer?
Sabagay, nagmamay-ari na siya ng flowershop. Sigurado na malayo na ang narating niya sa buhay.
Nanikip ang dibdib ko ng maalala ang sinabi niya noon. Ako ang dahilan kaya hindi niya nakamtan kaagad ang mga pangarap niya. Aminado ako na napabayaan niya nga ang sarili niya noon. Nalosyang siya sa pag-aalaga sa amin ng mga bata.
Ngayon ko lang naisip na tama nga siya. Nung sumama siya kay Dace ay naging mas maayos siya. Natupad niya ang mga pangarap niya. Successful na siya ngayon.
Hindi ko napigilan na maluha. Sobrang sakit lang. Kailangan niya pa kaming iwan para lang matupad ang mga pangarap niya.
"Cassy..."
Bakit kailangan na gawin mo iyon? Sobra ba kitang nasaktan sa nagawa ko? Pwede mo namang marating kung anong meron ka ngayon habang magkasama tayo ha. Susuportahan kita. Bakit kailangang ibang lalake pa ang makasama mo habang inaabot mo iyon?
BINABASA MO ANG
Comeback To Me Wife
Fiksyen UmumEditing. Some chapters will be lost while I am revising this story. Sorry for inconvenience if you encounter one. Warning: Some scene and words are not suitable for young readers. There's a bit of erotic scene. Beware kids! ©SushiLoves
