CTMW- EPILOGUE
ANDREI
After one year...
“Ayan ang ganda na ng baby ko!” sabi ko at hinalikan ang pisngi ni Xiara. She gave me her most beautiful smile. I can't help but to smile too.
Habang lumalaki si Xiara ay mas lalo niyang nagiging kamukha ang mommy niya. Ang mga gesture at expression na madalas kong makita sa mommy niya noon ay kuhang-kuha niya. Xiara is totally Cassandra's mini-version.
“Daddy, maganda na ba ako?” tanong nito sa akin.
Hinaplos ko ang buhok niya. “Yeah, you're so beautiful!” sabi ko. Nginitian niya na naman ako atsaka yumakap.
“I love you daddy!”
Lumaki ang ngiti sa aking labi. Ang sweet talaga ng bunso ko.
“I love you more baby!”
Bubuhatin ko na sana siya ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Pumasok si Xander na nakakunot ang noo. Hmmm...parang alam ko na kung bakit siya ganyan.
“Dad, nag-aalburoto na si Dara sa baba,” sumbong nito. Nagkamot pa siya ng likod ng ulo. Mukhang naaasar na siya kay Dara.
May sasabihin pa sana siya ng tawagin siya ni Xiara.
“Kuya, done na ako bihisan ni daddy.” she beamed. Nilapitan ni Xander ang kapatid niya at binuhat ito.
“Ako ng bahala kay bunso dad, mag-prepare ka na rin. Para makaalis na tayo.” bilin sa akin ng panganay ko. I just nod my head.
“How's our little girl? Ang bango bango mo naman.” napangiti na naman ako ng marinig ang paglalambing niya at ang pag-giggle ng bunso namin.
What a perfect life?
Naglakad na si Xander palabas ng kwarto habang akay ang kapatid. Ako naman ay inayos ang mini-bag ni Xiara. Nilagay ko ang towel, few toys, baby powder, cologne at milk bottle niya. She's still using that. Nagwawala siya kapag 'di nakakainom ng gatas using baby milk bottle.
Mula ng mamatay si Cass, naging katulong ko ang kambal at si Drei sa pag-aalaga sa bunso namin. Actually, at their young age nakita kong napaka-responsable nila. Tumutulong sila sa pag-aalaga kay Xiara. We only trusted Manang Dela kapag maiiwan namin 'to, kagaya kapag papasok na kami.
Grade two na ngayon si Xiara, she's a gifted child. At the age of five her IQ's sets like the mind of eight years old. Namomroblema sa kanya ang teacher niya sa prep. Paano ba naman kasi magtatanong palang sila nasasagot na niya. Hilig niya kasing basahin yung mga past book ng kapatid niya. 'Yong mga nagamit ng textbook ng kambal at ni Drei. Kaya naman pina-take siya ng IQ test, na-advance siya sa grade two. Kung saan maaari siyang makipagsabayan sa mga kaklase niya. 'Yun nga lang siya ang pinaka-maliit sa klaseng 'yun at natatangi dahil grade two na nadede pa.
Proud na proud ako sa mga anak ko lalo na kay Drei. Interesado siya sa pagga-gardening. Sa t'wing dinadala ko sya sa shop ng mom niya palagi siyang natulong roon. Siya rin ang nag-aayos ng garden namin. His style is good. Manang-mana niya ang artistic style ni Cass sa pag-aayos ng bulaklak. Makailang ulit na siyang sumali sa flower arranging contest. We even fly to Japan para sa isang Junior's Ikebana Contest, he won as the grand winner. Sinamahan namin siya lahat doon. Naiyak pa nga ako ng magbigay siya ng speech. He dedicated that to his mom.
'Yung kambal pasaway pa rin. Palaging naga-guidance si Dara dahil sa kapilyahan niya. Si Xander, he became womanizer. Ang dalawang 'yun kabata-bata pa, marami ng napaiyak na tao. Palagi ko namang nasasabihan si Xander, hanggang kiss lang no sex. And I'm proud nung sinabi niyang sa magiging asawa niya lang gagawin 'yun. I know Xander very well, that's why I trust him. Pero kung si Xander ay nasasabihan, ibahin nyo si Dara. She's always playing tricks with her classmates. Natatangi siya sa anak kong palaging nagga-guidance. I'm expected that to Xander not on her.

BINABASA MO ANG
Comeback To Me Wife
General FictionEditing. Some chapters will be lost while I am revising this story. Sorry for inconvenience if you encounter one. Warning: Some scene and words are not suitable for young readers. There's a bit of erotic scene. Beware kids! ©SushiLoves