Chapter Three (Cassandra)

39.2K 848 21
                                    

EDITED.




CASSANDRA'S POV




"Cassandra! Jace!"

Napalingon ako kay Dace ng marinig ang boses niya. Bumitiw sa pagkakahawak sa kamay ko si Alexandrei at tumakbo sa direksyon ni Dace.

"Papa!" masayang sabi ni Drei ng makalapit sa kanya.

Naglakad naman ako papunta sa direksyon nila. We're here at the arrival area of the airport. We just had arrived from Japan and Dace was here to fetch us.

Kaagad niyang binuhat ang bata.

"How was your flight?" tanong niya.

Bumeso muna ako sa kanya saka sinagot ang tanong niya.

"Just fine. Drei just watched movies during our flight." tumingin ako sa anak ko. Ginulo ko ang buhok niya saka pinisil ang pisngi. "My son was such a good boy."

"Kanino pa ba magmamana 'to?" mayabang na sabi ni Dace. Ginulo niya rin ang buhok ni Drei. "Edi sa papa. Hindi ba Jace?"

Tumango lang si Drei.

We decided to eat in a nearby mall. Balak ko din kasing ipag-shopping ng damit si Drei. He was getting taller. One year lang kaming nanirahan sa Japan pero kapansin-pansin ang mabilis na paglaki niya.

"Mommy! Toys! I want toys!" aniya habang nananghalian kami sa restaurant.

"I'll buy you later. Just finish your food first." sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya saka nagpasubo kay Dace ng pagkain.

It's been four years since I gave birth to him. He was my only strenght during those painful years. He was one of my reason to keep going.

I love him so much.

He was the exact copy of Andrei. That's why I named him Alexandrei Jace Croix.

Napakarami kong pinagdaanang sakit para lang mabuhay siya. Hindi ko kayang ipahamak siya kaya kahit hindi ko gusto ang mga naging desisyon ko noon ay nagawa ko pa rin.



***Flashback

"I was the one who sent your brother here."

Napalunok ako habang nakatitig kay Andrea. Nasa labas kami ng OR kung saan inooperahan ang kuya ko.

Nakangiti siya ng nakakakilabot sa akin.

"Ikaw ang dahilan kung bakit siya nandiyan?" napakuyom ang kamay ko. Pinipigil ang galit na aking nararamdaman.

"He doesn't love me anymore. Wala nang kwenta ang buhay niya sa mundong ito kung hindi siya mapapasa akin. So, mas mabuti na mawala na siya. Hindi ko siya hahayaang magmahal ng ibang babae no?" tumawa siya ng malakas. "I'd spent thousands to made this happened. Isusunod ko 'yung babae niya."

Napailing ako. Nababaliw na talaga siya. Paano niya nagagawa ang lahat ng ito?

"Sinasabi mong mahal mo si kuya Carlo pero nagawa mo 'to sa kanya? Nababaliw ka na!" singhal ko sa kanya.

Hindi ganito magmahal. Masyado siyang obsessed kay kuya Carlo para magawa ito.

Lumapit siya sa akin at gigil na hinawakan ang pisngi ko gamit ang isang kamay niya.

"Hindi ako baliw!" umalingawngaw sa hallway ang boses niya. "Kayo ng kapatid ko ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito. Kung hindi ka nagpabuntis kay Andrei ay hahayaan nila daddy na magpakasal kami ni Carlo."

Comeback To Me WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon