EDITED.
ANDREI'S POV
PINAGMAMASDAN ko ang kambal habang kumakain sila ng tanghalian. It's saturday today. Kakauwi ko lang galing sa trabaho. Half day lang ang pasok ko ngayon. Usually, kapag matatapos ang trabaho tuwing sabado ay umaalis kami ng mga bata. Madalas ay dinadala ko sila sa beach at kinabukas ng hapon uuwi.
Pero dahil may mga lakad kami bukas ay kinansela ko na ang pagpunta namin sa Laguna.
"Daddy, are we going to buy a new clothes later?" tanong ni Dara.
"Yes. Bibili rin tayo ng ireregalo niyo para kay Chase."
"Okay daddy." at kumain na siya uli.
Binalingan ko si Xander na panay ang sulyap sa laruan niya habang kumakain.
"Xander, kumain ka muna. Hindi ka makakapaglaro kapag hindi mo naubos yan ha." mahigpit na bilin ko sa kanya.
Ngumuso siya saka sumagot, "Opo dad."
It was very hard to raised them alone. Akala ko noon ay madali lang maging magulang. Pagka-graduate ko lang ng college ay nag-asawa na ako. Sa una, kahit mahirap ay naging katuwang ko naman si Cass sa lahat ng bagay. Pero nung iwan niya ako. Para ko ng pasan ang daigdig.
Nahirapan akong mag-adjust. Mas malapit sila sa mommy nila noon kesa sa akin. Nakakalabas pa ako noon ng madalas kasama ang mga kaibigan ko. Ngayon ay hindi ko na masyadong nagagawa iyon. Mas kailangan kasi ako ng mga anak ko.
"Sir, ito na po ang juice niyo." nilapag ng bagong katulong sa harap ko ang ipinatimpla kong juice.
"Salamat."
Naisipan kong kumuha ng bagong katulong para naman hindi masyadong mahirapan si Manang Mildred at Mang Tomi sa pag-aasikaso rito sa bahay.
"Dara eat your veggies! Don't waste that ha!" saway ko kay Dara ng mapansin na itinatabi niya ang gulay.
Napasimangot siya pero sinunod din naman ang sinabi ko, "Opo dad!"
Napabuntong-hininga ako.
Noon ay mahilig sa gulay ang batang iyan. Kahit anong ulam ang iluto sa kanila ni Cassandra ay kinakain niya. Ngayon parehas na sila ni Xander, pihikan na sa pagkain.
"Sir Andrei, tumatawag po ang ate niyo." sabi ni manang Mildred. Inabot niya sa akin ang wireless phone.
"Twins, h'wag pasaway ha! Sasagutin ko lang ang tawag ni ate. Dara eat your veggies. Ikaw Xander ubusin mo na iyan." bilin ko sa kanila bago ako umalis sa kitchen.
Ano na naman kaya ang sasabihin ni ate? Tss... kapag tungkol na naman 'to sa mga babaeng gusto niyang ipakilala sa akin ay mas magandang hindi ko na lang siya kausapin.
"Hello ate?!"
[I'll be gone for a week. Andrei, ikaw munang bahala sa company-]
"Ate, you don't have to remind me. Kompanya iyon ng pamilya natin. Hindi ko iyon hahayaan habang nandiyan ka sa US."
I don't know the reason why she's there. Pero okay na rin iyon. Mawawala siya sa paningin ko ng isang linggo. Makakaiwas rin ako sa pagpapakilala niya ng kung sinu-sinong mga babae sa akin kung naroon siya sa US.
[Dito ako hahanap ng pwede mong i-date. Baka kasi 'di mo tipo ang mga pinay. Subukan natin ang foreigner!]
Napapikit ako sa inis. Akala ko makakaligtas na ako. Babae na naman pala ang dahilan kung bakit nandun siya.
"Bahala ka!" inis na sabi ko at binabaan siya.
Bahala siyang magpakahirap maghanap. Kahit sa langit pa siya pumunta para maghanap ng anghel, hindi ko pa rin 'yan magugustuhan. Ang asawa ko lang ang gusto ko.
BINABASA MO ANG
Comeback To Me Wife
Fiction généraleEditing. Some chapters will be lost while I am revising this story. Sorry for inconvenience if you encounter one. Warning: Some scene and words are not suitable for young readers. There's a bit of erotic scene. Beware kids! ©SushiLoves