DREI
“Morning baby,” bati ko kay Chatrise pagkapasok nya rito sa kusina. Kaagad kong inihanda ang kakainan nya at ipinagsalok siya ng pagkain. “Fried rice with hotdog, bacon and egg. What do you prefer? May sandwich din akong ginawa. Chicken fillet ang palaman nyan. Dinamihan ko ng gulay para healty.” bibong-bibo kong sabi.
“A-Ako na!” sabi nya at akmang aagawin ang tinidor na pinantusok ko sa hotdog pero nilayo ko sa kanya 'yun.
“Let me serve you ng makabawi ako kahit paano sa pagdala mo kay baby.”
Napahinto siya at napatitig sakin. Nginitian ko sya na dahilan ng pagyuko nya. Namumula sya. She's affected. Yeah boy! Kaunti na lang makukuha ko na ang loob nya. Kaunting pa-cute pa Drei.
“Pupunta ako sa shop. Gusto mo bang sumama? O dito ka na lang sa unit?” tanong ko sa kanya. Wala naman kasi siyang kasama rito. For sure mabo-bored lang sya.
“Isama mo ako. Gusto kong kumain ng ice cream. Ibili mo ako.”
“Aye! Aye! Ma'am! Let's eat first!”
* * *
“Ahh sir girlfriend nyo ho ba sya?” Mia asked me while we are busy arranging the flowers. She's pertaining to Chatrise who happily eating her tub of ice cream.
I smiled widely.
“She's my fiancee.”
“Talaga sir! Congrats! Akala ko 'di ka na mag-aasawa. Hindi ka kasi naggi-girlfriend.”
“Akala ko nga rin. Before I met her, I never be interested to other woman. I am waiting for a woman who same as my mom. Beautiful, caring and lovable. Who would have though that I'm going to fall for a woman who also wants a woman.”
Mukhang nagulat si Mia sa sinabi ko.
“Tomboy ho siya?”
I nodded. “Unbelievable right? All of time I wanted a girl like my mom. But when I saw her everythings change.”
“Love moves in mysterious way nga sir! Hahaha!”
We both laughed.
“Hoy Alexandrei! Ang init rito sa shop mo! Samahan mo akong mag-mall. Gusto kong maggala.” biglang sigaw ni Chatrise.
“Mia, ikaw munang bahala rito ha! Ipapasyal ko lang ang fiancee ko.” bilin ko sa kanya. Tumango siya kaya nilapitan ko na ang future misis ko.
“Halika na baby ko!” aya ko sa kanya. Mukhang mainit nga talaga dahil mainit talaga ang ulo nya. Inirapan nya ako tsaka naglakad papalabas.
JULISE
Hmmpf...bwisit na Alexandrei na yon. Napakaharot. Tama bang makipaglandian sa empleyado nya.
Sinasabi ko na nga bang mali si mommy eh. May tinatagong kati sa katawan ang lalakeng 'yan. Napakaharot. Ang harot-harot! Bwisit!
Isang buwan pa lang kaming nagkakasama tapos ganito na. Patry-try pa.
Napairap ako ng pumasok na sa sasakyan yung bwisit.
“Okay ka lang ba baby ko?” tanong nya.
“Pwede ba dalhin mo na ako sa mall.”
“Okay!” masiglang sabi nya at ngiting-ngiti pa. Napaiwas ako ng tingin at tinuon na lang ang atensyon ko sa labas ng bintana.
Sa isang buwan na kasa-kasama ko sya. Parang...parang...Ahmm...I kinda like him. Kaunti lang ha!
BINABASA MO ANG
Comeback To Me Wife
General FictionEditing. Some chapters will be lost while I am revising this story. Sorry for inconvenience if you encounter one. Warning: Some scene and words are not suitable for young readers. There's a bit of erotic scene. Beware kids! ©SushiLoves
