CASSANDRA
“Wow! This house is bigger than our house mommy!” manghang sabi ni Drei as we have arrived to our house. Hawak naming dalawa ni Xand ang kamay nya while Andrei is holding our princess. May topak na naman si Dara.
“Mom, Dad!” tawag samin ni Xand. Hindi kami sumagot. Parehas lang kaming nakatingin sa kanya. “Wala pa pong room si Drei, pwede po bang sa room muna namin sya. Share muna kami ng bed.”
Nakakatuwa talaga 'tong panganay namin.
“Oo naman kuya! Drei will love that to. Right, Drei?” sabi ni Andrei.
“Yes po!”
“Argh!” ungot nitong si Dara. “Ang corny nyo!”
Bitterella ata itong prinsesa namin.
Mabilis na lumipas ang araw. Ngayon ay araw ng linggo. Napagpasyahan namin ni Andrei na magsimba at ipasyal ang mga bata pagkatapos.
Kasalukuyan kong inaayusan ang mga bata. Si Andrei naman ay naliligo na. Nakaligo na ako at mag-aayos na lang.
“Mom, si papa po kailan nya po ako dadalawin?” biglang tanong ni Drei. Napatingin ako at ang kambal sa kanya.
“Drei stop calling him papa. He's not your father. Daddy is your father!” galit na sabi ni Dara.
“Dara,” malumanay na saway ko.
“I hate that Dace. You left us because of him.” naiiyak na sabi nito. Umiling ako at niyakap ko sya.
“That's not true. He just help me.”
“Then why you left us?”
“Hindi mo pa lubos na maiintindihan ngayon anak. Soon, ipapaliwanag ko sa inyo ni Xand ang lahat. But not now, okay?”
Humalukipkip si Dara. Si Xand naman ay tumango lang. Sunod kong binalingan si Drei.
“Baby, itatanong ko na lang kay Papa Dace kung kailan ka nya madadalaw ha?”
“Opo!”
“Mommy ako na magsusuot ng shoes kay Drei!” prisinta ni Xander. I smiled to him. Ngayon pa lang nakikita ko ng magiging responsable siya paglaki.
“Mommy braid mo na po ang buhok ko!” sabi naman ni Dara. Kinuha ko ang suklay at sinimulan ko ng ayusan ang buhok niya.
“Drei, you sit there. I'm going to put your shoes!”
“Sige!”
I'm very happy. We're complete now. Pero 'di maaalis sa akin ang mag-alala. Hindi pa dapat kami magpakakampante. Baka mamaya mabigla na lang kami kapag nalaman ng ate niyang umuwi na kami ni Drei rito.
“The car is ready, how about you guys?” tanong ng kakapasok lang na si Andrei. Lumapit siya sa akin at humalik. “Ako ng bahala kay Dara, mag-ayos ka na!” sabi nito. Mabuti na lang at tapos na ako sa pag-braid kay Dara. Magsusuot na lang siya ng sandals.
“We're done na!” sigaw naman ni Drei.
“Hon ikaw ng bahala sa kanila ha!” bilin ko kay Andrei at lumabas na ng kwarto. Pagkasara ko ng pinto ay may narinig akong pamilyar na boses at mga steps sa hagdan na mukhang paakyat.
“Gusto kong dalawin ang mga pamangkin ko Adrian.”
“Ang aga-aga naman kasi!” reklamo ni Adrian. Nakita nya ako at agad na sinenyasan na magtago.
Napabalik ako sa kwarto ng kambal. Geez...ito na nga ba ang kinatatakutan ko.
“Hon, nandito ang ate mo!” nagpapanic na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Comeback To Me Wife
Ficțiune generalăEditing. Some chapters will be lost while I am revising this story. Sorry for inconvenience if you encounter one. Warning: Some scene and words are not suitable for young readers. There's a bit of erotic scene. Beware kids! ©SushiLoves