CASSANDRA
Napabuntong hininga ako. Paano ko ba sisimulan? Handa na kung sabihin sa kanya pero paano? Dahil kahit saang anggulo ay mali ako. At baka hindi niya matanggap ay paliwanag ko. Baka mas magalit siya.
Napatakip ako ng mukha at napaiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Binabalot ako ng matinding takot. Paano ko ba maipapaliwanag ang lahat ng hindi siya magagalit. Mas masakit na magalit siya sa sasabihin kong paliwanag.
Nilapitan ako ni Andrei at yinakap. Napayakap na lang din ako sa kanya habang umiiyak.
“C'mon Cass, tell me!” sabi niya.
Napaangat ang tingin ko sa kanya. Kailangan ko ng sabihin sa kanya. It's now or never.
Bumuntong hininga ako bago nagsalita. “Your sister blackmailed me!” and finally I said it. Napahiwalay siya sa pagkakayakap sa akin.
“WHAT?” di makapaniwalang tanong nito.
Isa pang kinakatakot ko ang hindi nya ako paniwalaan dahil ang ate niya ang dawit rito. Alam ko kung gaano katiwala si Andrei sa kapatid nya. Baka isipin nyang ginagawa ko lang dahilan o sinisiraan ang ate niya.
“Tinakot niya akong ilulubog tayo sa hirap kung hindi ako aalis sa bahay!”
“Dahil lang dun iniwan mo kami?” galit na sabi niya. “Mas magandang magsama-sama tayo sa hirap. Kesa sa mawala ka sa amin. T*ngina naman Cassandra!”
“I'm sorry...” sabi ko at muling humagulhol. “Hindi ka naman kasi sanay sa hirap. Natandaan ko nung magpunta tayo sa probinsiya nila nanay. Ni hindi mo kinaya ang kalahating araw na maghirap. Ang dami mong kinakailangan at kinadidirihan. Ang kambal. Bata pa lang sila nun. Anong ipapakaen natin sa kanila. Kanin na may asin? Alam mo naman sakitin si Dara. Palagi siyang inaatake ng hika.”
Nawala ang galit sa mukha niya. Sana naman maintindihan niya ako. Sila muna ang inisip ko bago pa man ang sarili ko. Mas importante sila sa akin kesa sa sarili ko.
“Pasensya na! Kayo lang kasi ang nasa isip ko noon. Masyado akong sabik sa'yo at sa mga anak natin. Alam mo namang matagal ko ng pangarap na magkaroon ng pamilya kasama ka 'di ba? Hindi ko sineseryoso ang pagtra-trabaho dahil masyado kong pinagtuunan ng pansin ang pamilya natin. Umaasa lang ako sa kanya. Pero ano namang dahilan ng pananakot sa'yo ni ate?”
“Naghihiganti siya sa atin. Ayaw niyang sumaya tayo dahil tayo raw ang dahilan ng paghihiwalay nila ni kuya...dapat daw pare-parehas tayong maging impyerno ang buhay.”
Nagtagis ang bagang niya sa aking sinabi. Kahit ako noong una ay hindi ko matanggap ang dinahilan nya sa akin.
“Nababaliw na ba sya. Matagal na silang nagkakalabuan bago pa man kita mabuntis noon. Tsaka hindi naman kayo tunay na magkapatid ni Carlo. Ampon ka lang ni Nanay Mildred.”
“Andrei,” kailangan niya ring malaman ang tungkol sa 5 million. Dahil baka kung sa iba niya pa malaman ay mamisunderstood niya mas magandang ako na mismo ang magsabi sa kanya. “Binayaran din ako ng ate mo ng limang million!”
“And you take that?”
“O-oo!”
“Kaya pala ang dali sa'yo na iwan kami!” sabi nya na puno ng galit.
See? Lahat naman siguro kung marinig na nagpabayad ako ay magagalit talaga agad.
“I need to do that!” panimula ko. Nagsimula na namang dumagsa ang luha ko. “Akala mo ba, hindi ko alam sa tuwing nabubugbog ka dahil sa utang mo! Alam ko Andrei! Nasasaktan ako tuwing makikita kang uuwi na may pasa sa mukha. Nagsisinungaling ka pa sa akin. Isinuko ko kayo kapalit ang limang milyon. Hindi para magpakasarap ako. Ipinagamot ko si nanay pero wala. Namatay rin siya. Hindi madali ang lahat Andrei. Lalo na ng malaman kong nanganganib ang buhay namin ng anak mo.” pag-amin ko. Pati ang kay Drei ay sinabi ko na. Hindi ko na kaya pang itago mula sa kanya si Drei. “You don't know how I suffered that time. Dalawang buhay ang pinaglalaban ko. Buhay namin ng anak mo.”
“I had to fight for us. I was diagnosed to have a leukemia while I am pregnant to our baby. Akala ko mamatay na ako. But thanks to God. He let me continue this life.”
“Anak ko?” tanong niya. Ang alam nya nga pala ay anak ni Dace ang batang dinadala ko noon.
“Oo. Anak mo ang pinagbubuntis ko ng panahong 'yun. Ginamit ko lang si Dace noon. Pati si Dace sa simula pa lang damay na. Pinupuntirya ng ate mo ang kompanya ni Dace. Napalayas si Dace ng daddy niya at pina-freezed ang mga accout niya. Alam mo ba kung sinong may gawa nun? Walang iba kundi 'yung ate mo!”
Napaka-walang'ya ng ate niya. Ang dami niyang dinamay at nasaktan. Grabeng pagdurusa ang pinag-daanan namin sa kanya. Pati ang mga bata ay nadamay.
“Ibig sabihin sumama ka kay Dace hindi dahil mahal mo siya, dinahilan mo lang siya? Nas'an na ang anak ko? Buhay ba siya?”
“Oo, hindi ko mahal si Dace at buhay anak mo. Na kay Dace siya ngayon. Maintindihan mo sana kung bakit nagpipilit akong umuwi! Sigurado kasing hinahanap na ako ni Drei.”
At sigurado ngayon ay hinahanap niya na ako.
“What's his name?”
“Xandrei, our youngest!”
Unti-unting tumulo ang luha sa mukha niya.
“I'm sorry! Dahil sa ate ko, nangyayari 'to! Napaka-inutil ko kasi nung mga panahong 'yun. I'm sorry!” sumandal siya sa balikat ko at doon humagulhol. Para akong nabunutan ng isang malaking tinik sa dibdib.
“Tama na Andrei, let's start our new life. Kalimutan na natin ang lahat! Ayaw ko nang magkahiwa-hiwalay tayo!”
“Don't worry Cass...lalayo na tayo. May aayusin lang ako.” at niyakap niya ako. Lalaban na ako this time. I will not let sacrifice my family, my heart and my dignity, again.... Kung kailangan kong lumaban ay lalaban ako. Pero ngayon proprotekhan ko muna sila.
“Pwede bang isama ko bukas sila Xander sa bahay na tinutuluyan namin ni Dace? Gusto kong makilala nila Xander si Drei.” isa sa mga pangarap ko 'yun. Ang magkita-kita sila at makitang naglalaro ang kambal kalaro ang nakababatang kapatid nila. For sure matutuwa si Drei kapag nakita sila.
“Sasama ako. Gusto kong makita at makilala ang anak ko.”
“Patawarin mo ako Andz, mahal na mahal kita!” sabi ko at yumakap sa kanya. Marahan niya akong inihiwalay sa kanya at pinahid ang luha ko.
“Mas mahal na mahal kita!” sabi niya at hinalikan ang noo ko pababa sa tungki ng ilong ko at sa labi.
He start kissing me...
***
TBC,
NEXT UPDATE WILL BE RESTRICTED AND MARKED AS PRIVATE. MAYBE TOMORROW KO MAPO-POST! THANKIES! VOTE! VOTE!
[03.02.15]
Sushi ︶︿︶
BINABASA MO ANG
Comeback To Me Wife
Fiksi UmumEditing. Some chapters will be lost while I am revising this story. Sorry for inconvenience if you encounter one. Warning: Some scene and words are not suitable for young readers. There's a bit of erotic scene. Beware kids! ©SushiLoves
