CASSANDRA
It's eleven thirty in the evening at narito ako sa balcony para hintayin si Andrei. Hindi pa sya dumarating. Hindi naman sya pumasok sa office, dumaan ako roon pero wala sya roon at sabi ni Kath 'di raw ito dumaan doon. Naka-off ang phone niya sa tuwing tumatawag ako. Nas'an kaya 'yun? Bakit wala pa rin siya.
"Mom?" napalingon ako sa likod. Si Xander pala. Lumapit siya sa akin at yumakap.
"May problema ba anak?" tanong ko. He just shook his head.
"I love hugging you mom. I love you. Thanks for being a good mother to us. Thanks for coming back to us." ramdam ko ang pagtulo ng luha niya. Bakit ganito siya? Napaka-emotional nya naman. "I prepare milk for you mom. Matulog ka na. Ako na maghihintay kay dad."
"O-okay! Thanks." sabi ko.
After kung inumin ang gatas ay nahiga na ako sa kama. Tinabihan ako ni Xander at marahang hinilot ang ulo ko. That's help me to relax.
Bandang one ng magising ako nang makarinig ng kalabog sa kabilang kwarto, sa study room. Tumayo ako at agad na lumabas sa kwarto. Only to find Dara's crying outside the study room. Nilapitan ko siya at yinakap.
"Bakit ka umiyak baby?" tanong ko. Instead na sumagot siya ay humagulhol siya. Nataranta ako. 'Di sinasadyang napatingin ako sa siwang ng pinto ng study room. I saw Xander's holding his daddy's collar.
"H'wag kang magpaka-duwag dad! Sabihin mo kay mommy. Hindi tanga si mommy malalama't malalaman niya ang mali sa katawan niya. Mas magandang alam ni mommy na may Alzheimer's siya."
Parang gumuho ang mundo ko sa aking narinig. May sakit ako? Alzheimer's Disease. 'Yung nakakamatay na sakit na 'yun? Nabuwal ako mula sa pagkakatayo. Hindi ko mapigilang mapahagulhol.
Hindi pwede! Hindi ko pwedeng iwan ang asawa't anak ko. Nangako kami ni Andrei na tatandang magkasama. Babantayan at sabay na aalagaan ang mga anak namin.
"Mom..." niyakap ako ni Dara ng mahigpit. Gulat na lumabas si Andrei at Xander sa loob.
"Mom," lumapit rin si Xander a yumakap sa akin. Bakit ako pa? Akala ko simpleng headache lang ang pagsakit-sakit ng ulo ko. Kaya pala hindi ko maalala 'yung nangyari nung linggong hinimatay ako.
"Kailan nyo pa alam 'to?" tanong ko sa kanila. Walang sumagot sa kanila. Naiinis ako, kailan nila balak sabihin sakin 'to kapag malala na ang patay ko, kapag patay na ako? Tumayo ako mula sa pagkakaupo at agad na nagtungo sa kwarto ni Xiara.
Niyakap ko ng mahigpit ang bunso kong mahimbing ang tulog.
Xiara, hindi magtatagal iiwan ka ni mommy.
Parang di ko siya kayang iwan. Ang bata pa masyado ni Xiara. Hindi pwede. Nabuhay nga ako ng makaligtas sa leukemia, 'yun pala mamatay din ako dahil sa Alzheimer's.
Mararanasan ng mga anak ko ang naranasan ko ng iwan ako nila mama at papa. Sobrang nalungkot ako nun, at siguradong 'yun din ang mararamdaman nila.
"Mom..." nakaramdam ako ng pagtampal sa pisngi ko. Napangiti ako ng makita ang mukha ni Xiara na nakangiti sa akin. "Bi...mom...log..."
"Yeah, dito natulog si mom katabi ng maganda kong anak." sabi ko. Niyakap niya ako.
*tok tok*
"Hon?"
Nakaramdam ako ng inis ng marinig ang boses ni Andrei. Bukod sa pag-uwi niya ng late kagabi, mas nainis ako sa mga narinig ko kagabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/29256932-288-k653136.jpg)
BINABASA MO ANG
Comeback To Me Wife
Ficción GeneralEditing. Some chapters will be lost while I am revising this story. Sorry for inconvenience if you encounter one. Warning: Some scene and words are not suitable for young readers. There's a bit of erotic scene. Beware kids! ©SushiLoves