ANDREI
As months go by, mas naging aktibo ang sakit ni Cass. Kinailangan kong huminto sa pagtatrabaho. Si Adrian muna ang pinamahala ko sa kompanya. Mas minabuti kong kami na lang ng mga bata ang mag-alaga sa mommy nila.
Three years not easy for us. Masakit man sa kalooban ay pilit naming ipinaintindi sa dalawang nakababata ang kakaibang nangyayari sa mommy nila. Af first, they're crying. Pero mas nakabuti sa sitwasyon namin na alam nila. Naiiwasan ang mga sakuna. Gaya na lang ng maiwang nagluluto si Cass sa kusina.
"Hon, ako ang magluluto ng tanghalian ha!" prisinta ni Cass. I nod at her. Mukhang okay naman sya.
Pinagpatuloy ko ang pag-ayos sa bike ni Drei. Patapos na ako ng mapansin kong nagdidilig na nang halaman si Cass. Akala ko ba magluluto siya?
Maya-maya ay tumatakbong lumabas si Xiara.
"Dade, konti na lang sabaw ng tinowa ko. Niiwan ni mame...huhuhu..."
What? Ibig sabihin iniwan ni Cass ang niluluto niya? Tsk... dapat di ko siya hinayaang mag-isa. Makakalimutin pa naman siya.
Dali-dali akong pumasok sa loob para patayin ang apoy ng kalan. Thanks kay Xiara at sa paborito nyang tinola. Baka natusta na ang bahay namin kung 'di binantayan ni bunso 'yun.
Simula nung araw na 'yun. I won't let Cass do a household alone. Nagiging makalilimutin na sya. Sa oras na maiwan nya ang ginagawa nya saglit ay diretso nya na 'tong nalilimutan.
Sa tuwing nagpapa-check up kami. Kapansin-pansin ang pagdami ng brain cell death niya. At wala kaming magawa doon.
We try theraphies. Palagi namin syang nilalaro ng mga board games or crossword. Naging hobbies na rin namin ang pagbili ng books and magbasa. Every weekends, we're visiting our friends and some supporting groups for people who have Alzheimer's. Kailangan kasing ma-engage pa rin siya sa ibang tao.
Noong una ay malaki ang naitutulong nito sa kanya. But these years naging mahirap ang lahat samin. Mas madaming beses siyang nawawalan ng malay.
"Hon, can you see my pencil?" napatingin ako sa kanya na panay ang hanap.
"In your hair." sagot ko. Pinang-ipit nya sa buhok nya 'yun ngayon-ngayon lang bago nya tanungin sa akin.
"Ah thanks!" sabi niya at muling bumalik sa pagske-sketch. Napatitig lang ako sa kanya. It's so sad na nagkakaganito siya. Matalino naman sya. Talagang namana nya lang ang sakit ng tatay niya.
Isa lang 'yan sa mga epekto ng Alzheimer's disease. She even sometimes repeating question over and over again. Minsan nakaka-sampung tanong siya sa iisang bagay lang.
'Yung nangyari ngayon ang usually, mami-misplaced niya ang isang bagay na kahit nasa katawan niya lang katulad ng lapis.
Nagsusuklay ako ng buhok ng makita ko si Cass na hirap ikabit ang kwintas niya. Nilapitan ko siya para ako na ang magsuot sa kanya ngayon. She smiled at me tsaka nagpunta sa closet.
Maya-maya ay napansin kong aligaga siya.
"What's your problem?" tanong ko.
"Nawawala 'yung necklace ko," paiyak na sabi ko. Napakunot ang noo ko. Nakasuot kaya sa leeg niya.
"Come here..." sabi ko. Nang lumapit siya sa akin ay hinarap ko siya sa salamin. "You already wearing it!"
Hindi lang sa mga gamit siya nakakalimot. Minsan pati sa events o appointments. Madalas kapag may lakad kami ay nakakalimutan niya. Kahit nga 'yung daily routine niya. Once nga, nagluto siya ng pancake sa gabi because she thought na maaga siyang nagising at madaling araw nung oras na 'yun.
BINABASA MO ANG
Comeback To Me Wife
Ficção GeralEditing. Some chapters will be lost while I am revising this story. Sorry for inconvenience if you encounter one. Warning: Some scene and words are not suitable for young readers. There's a bit of erotic scene. Beware kids! ©SushiLoves