CASSANDRA
“Mommy! Did Drei is fine?” tanong ni Dara. Narito kami sa harap ng emergency room. Dito kasi ipinasok si Drei. We're 20 minutes waiting here for the doctor to come out.
Andrei is on his way. I called him.
“Dara, let's pray for Drei.” sabi naman ni Xander. Habang nagdarasal sila ay marahang dumadaloy ang luha sa mga mata ko. Unang beses pa lang ako lumaban, nagawan niya na agad ng masama ang pamilya ko. Dapat pa ba akong lumaban? Baka sa susunod na lumaban ako ay may mawala na sa akin.
Kailangan ko na naman ba silang iwan? And this time without Drei na. For sure hindi hahayaan ni Andrei na dalhin ko si Drei o kahit na sino sa mga anak namin. Mag-iisa na naman ba ako ngayon?
“Cass!” agad akong napatayo ng makita ko si Andrei. Pawis na pawis siya at humihingal pa. Halatang nagmadali siyang pumunta dito. “What happened? Ba't ganyan ang hitsura mo? Bakit kayo nandito? Nasan si Drei? Anong nangyari?” sunod na sunod na tanong niya. Napaupo na lang ulit ako at doon humagulhol. Lumapit ang dalawa kay Andrei at yumakap sa kanya.
“Daddy si Drei nagdugo 'yung head niya. Tinulak kasi siya ni tita!” Xand
“Daddy bakit nag-bad na si Tita, she hurted mom. She pulled my mom's hair!” Dara
Okay lang sana kung ako lang ang nasaktan, kahit hubaran niya pa ako. But what she did to Drei is unforgivable. Napakaliit ni Drei para patulan niya.
“Sh*t!!!!” gigil na sabi ni Andrei. Napatingala pa siya at parang pinipigilang umiyak. “Cassandra, tell me the whole story! Paano napunta rito si Drei?”
“'Yung ate mo sumugod sa office. Nagkainitan kami. Biglang lumabas 'tong tatlo sa office. Sinampal ni Drei ang kamay ng ate mo. Kaya tinulak siya ni Ate. Tumama ang ulo niya sa pader kaya nagdugo ito at nawalan ng malay...” kwento ko. Pero agad akong nagulat sa naging reaksyon nya. Hinawakan nya ng mariin ang magkabilang braso ko.
“SH*T! SINUNGALING, NAPAKAPABAYA MONG INA!!!” nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Ako pa ang sinisi niya, ang ate niya kaya ang may kasalanan.
Parang bumalik 'yung mga naramdaman ko four years ago. Mangyayari na naman ba? Panandalian lang ba talaga ang ligaya.
Tumayo ako at nagmadaling umalis sa lugar na 'yun. Ayokong magsalita. Baka kung ano pang masabi ko at pagmulan pa 'yun ng away. Narinig ko ang pagtawag niya at ng kambal pero nabingi ata ako dahil sa mga sinabi niya.
Sobrang sakit! Parang gustong sumabog ng puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Nagtatakbo na ako palayo.
Dinala ako ng mga paa ko sa isang parke malapit sa hospital. Doon ako umiyak ng umiyak. Hindi ko maintindihan si Andrei. Bakit ganun siya mag-isip. Ako ba ang sinisisi niya? Hindi ba dapat ang ate niya?
Napahawak ako sa ulo ng makaramdam ako ng sakit at pagkahilo. Siguro dahil sa stress na naman ito. Ilang gabi na akong isip ng isip ng pwedeng mangyari kapag nalaman ng ate ni Andrei na bumalik ako sa kanila at heto nangyari na. Pati 'yung natanggap kong threat. Tapos 'yung pananabunot sakin ng ate niya.
Mas maganda siguro kung nag-isip pa ako ng mabuti. Sana 'di na lang ako bumalik. Sana 'di na lang kami bumalik.
Naupo ako sa ilalim ng isang puno at ipinikit ang mata ko. Patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha ko.
Ang tanga mo Cassandra! Ang tanga mo!!!
ANDREI
Paulit-ulit kong dinial ang number ni Cass pero 'di sya sumasagot. Ang kapal ng mukha niyang layasan na naman ako, hindi pa ako tapos sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/29256932-288-k653136.jpg)
BINABASA MO ANG
Comeback To Me Wife
General FictionEditing. Some chapters will be lost while I am revising this story. Sorry for inconvenience if you encounter one. Warning: Some scene and words are not suitable for young readers. There's a bit of erotic scene. Beware kids! ©SushiLoves