Chapter Four (Meeting again)

38.9K 847 22
                                    

EDITED.





ANDREI'S POV

It's sunday. Maaga akong gumising para asikasuhin ang mga bata bago umalis pa tagaytay. Kasalukuyan sila ngayong nagbibihis sa kanilang kwarto. Kakatapos ko pa lang kasi silang paliguan.

Kinuha ko ang tuwalya sa kwarto ko. Balak ko na sanang maligo ng maalala kong aayusan ko pa pala si Dara. Bumalik ako sa kwarto nila at nilapitan si Dara na nagsusuot ng sandals niya.

Lumuhod ako para tulungan siyang isuot iyon.

“Do you want me to braid your hair?” tanong ko sa kanya.

“Tapos 'di na naman pantay?” nakasimangot na wika niya.

Napakamot ako sa likod ng aking ulo. Atleast, I'm trying my best to be the best dad for them. Ano bang alam ng mga tatay sa pag-braid ng mga anak nila?

“Ayusin mo dad ha.”aniya.

Tumango ako at kinuha ang lalagyanan ng ipit sa tukador niya. Kumuha ako ng sanrio doon. Pumwesto ako sa likod ni Dara at sinimulang i-pigtail siya. Sa kabutihang palad naman ay nagawa ko ng tama. Nahati ko ng maayos sa gitna ang mga buhok niya.

“Done.” nakahinga ako ng maluwag.

“Wow!” Dara exclaimed while looking at the mirror. She's holding a compact mirror in her hand so that she can see the back of her head. “You are improving dad.”

“Thanks.”

Binalingan ko si Xander na abala naman sa pagsuot ng spiderman watch niya.

“Dad my wax was missing. I can't find it.” aniya.

Lumapit ako sa drawer niya at hinalughog iyon. Wala nga. Xander wasn't the kind of kid who would let his things scattered around. Masinop siya sa gamit.

Napabaling ako kay Dara. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay kaagad siyang tumalikod.

I knew it.

“Just use mine.” sabi ko kay Xander.

Nakasimangot na lumabas siya ng kwarto. Lumapit ako kay Dara na nakaupo sa gilid ng kama niya at nilalaro ang mga paa sa sahig.

“You threw it again?” kastigo ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita pero alam ko nang siya ang may dahilan kung bakit iyon nawala. She hates the smell of wax.

Kapag nakakakita siya ng pagkakataon ay itinatago niya ang wax ng kakambal at tinatapon. Pasaway na bata.

“Dara, don't do it again. Gamit iyon ni Xander. Alam niyang tinapon mo na naman iyon.” seryosong pagkausap ko sa kanya.

“It's smells bad.” maarteng sabi niya.

“Basta. Huwag mo na ulit pakealaman ang wax ni Xander. Or else itatapon ko rin ang mga make ups mo.”

Umingos siya at umirap sa akin. Tignan mo 'to, ang attitude.

“Fine.” she hissed.

“One more thing.” sabi ko na ikinakunot ng noo niya.

Palaban talaga.

“Don't play tricks at Chase party. He is one of your closest friend, do you want to mess his special day?”

Chase was came from a well-known family in our country. It's a shame if Dara will going to mess it because of her nasty attitude.

“Fine.”

Comeback To Me WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon