JULISE
“Chatrise...”
“Uhmm...” ungot ko at pumaling sa kabilang direksyon. Istorbo naman! Sarap-sarap ng tulog ko e!
“Chatrise...”
Hinawakan nya ang pisngi ko at pinisilpisil. Nakakainis talaga, pagod na pagod ako tapos may iistorbo sa akin. Tinampal ko ang kamay na 'yon. Nawala naman kaya pinagpatuloy ko na ang pag—Kaagad akong napamulat ng makaramdam ako ng kakaiba sa labi ko.
“How's your sleep baby?” tanong ng bwisit na lalakeng 'to. Binatukan ko nga.
“Ang kapal ng mukha mong halikan ako.” singhal ko sa kanya. Nginitian nya lang ako ng sobrang lawak. Nawala na nga 'yung mata nyang singkit.
“Masanay ka na. Kapag kinasal at nagsama na tayo. Palagi na kitang hahalikan para magising ka.” sabi pa niya. Pinitik ko sya sa noo.
“Asaness dude!”
Tumawa lang siya. Nakakabwisit 'to ang gwapo tumawa nakaka-insecure. Sana maging kamukha nya ang baby nami—WHUT??? Ano ba 'tong pinagsasabi ko?
“Kunwari ka pa, gusto mo rin naman akong pakasalan.” asar pa nito. Kapatid ba talaga 'to ni Xiara? Bakit mas madaldal pa sa kanya?
Nanlaki ang mata ko ng ilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Hahalikan nya na naman ba ako? Napapikit ako sa naisip ko.
*click*
“By the way we're here at my condo.” sabi niya. Napamulat ako at nakita kong tatawa-tawa siya. Inalis nya lang pala ang seatbelt ko. Sheez...saya—este mabuti na lang at 'di nya tinuloy. Sasapakin ko talaga siya. PERO WAIT!!!!!
“Bakit dito mo ko dinala?” tanong ko.
“Kasi dito ka na titira. Kasama ko. For sure, aayaw ka kapag dun kita dinala sa mansion namin. Hindi ka pa move on kay Xiara, right?”
Napaamang ako. Nababaliw na talaga ang lalakeng 'to. Sa tingin nya ba talaga ay sasama ako sa kanya ng basta-basta.
“Sa bahay namin mo ako dalhin!” utos ko.
“Hindi pwede baby. Hinihintay ka na ng mom at dad mo sa unit ko.”
Huh?
“Anong ginagawa nila doon?”
“Hinihintay ka nga!” sabi nya at lumabas na ng sasakyan. Naguguluhan na ako? Ano bang meron at parang close na close siya sa parents ko. Aish! O baka feeling close lang 'tong mokong na 'to!
Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse niya ng maunahan niya ako. Aba't...
“Marunong akong magbukas nuh!” singhal ko sa kanya. Ngumiti lang siya.
>/////>
Bwisit! Gwapo ka lang! Mas gwapo ako sa'yo! Pa-gentleman pa, mukha nya 'di ako madadala ng paganyan-ganyan nya.
“Baby ko, nagblu-blush ka ba?” tanong nya.
Nilakihan ko sya ng mata tsaka inirapan.
“Hindi uso blush-blush sa akin nuh! Mainit kaya namumula ako.”
Ngumiti na naman sya tsaka ako inakbayan. “Ano ba!” angal ko pero mas hinapit nya ako. Tsk...siraulo talaga 'to. Baka mapaanak ako ng maaga sa kakulitan ng mokong na 'to!
“Let's go home baby...” bulong nya. Siniko ko sya pero parang walang effect. Sa halip ay tinawanan nya pa ako.
Pumunta kami sa unit nya na ganoon ang posisyon. Kahit ilang beses kong tanggalin ang braso niya ay ayaw niya talagang alisin.
Urgh! I really hate this guy.Baby, patadyak sa tatay mo ha!
Pagkalabas namin sa elevator ay tinadyakan ko talaga siya. Pero katulad ng kanina, nakangiti pa rin siya.
“Gustong-gusto mo talagang dumidikit sa akin. Simpleng chansing ka pa dyan. Patadyak-tadyak kunwari.” asar nya. I frowned. Nasisiraan na nga ata talaga 'to!
“Ang kapal talaga ng mukha mo!” sabi ko at hinampas siya sa dibdib.
“See. Chansing talaga. Baka mamaya abs ko na 'yung hampasin mo ha!”
“G*go!”
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa tapat ng unit nya. Pinindot nya ang passcode para mabuksan ang pinto.
Pagkabukas nya ay bumungad sa akin ang napakalinis na unit nya. Simple lang ang pagkakaayos. Kaunti lang 'din ang gamit pero halatang mamahalin ang lahat ng 'yun.
“Starting now dito ka na rin titira.”
“Ayaw ko nga nuh!”
“Haha...dito muna tayo habang pinapa-renovate pa 'yung mansion namin.”
Tinignan ko sya ng masama. “Ang kapal mo talaga nuh! Feeling mo talaga papayag akong magpakasal sa'yo!”
Nabigla ako ng hilahin nya ako para mayakap. “Sure na ako. Sakin ka babagsak Chatrise. Kapag may sumubok na ibang lalake na agawin ka sa akin, pipilipitin ko leeg nila. Tsaka malay mo mapikot kita...” nagulat ako ng ipaloob nya ang kamay nya sa loob ng shirt ko at hinaplos ang tiyan ko. “Baka may laman na 'to...”
Napaiwas ako ng tingin. Sasabihin ko ba sa kanya? Paano kung totohanin nya ang kasal-kasal na sinasabi nya? Never pa akong nagkagusto sa lalake. Paano ang gagawin ko?
“Ano baby may laman na ba 'to?” ulit na tanong nya.
“Paano kung meron?” lakas loob na tanong ko sa kanya.
And again. He smiled at me brightly. “Edi okay na. Mapipikot na kita. Kailangan mo akong pakasalan. Nabuntis kita! Panagutan mo 'to!” parang baliw na litanya nya.
“Mukha mo!”
“Pwera biro baby, meron na nga?”
Nakakairita talaga 'tong bwisit na 'to.
“Meron na. O ano happy? Bwisit ka ka—” natigil ako ng bigla nya akong halikan. Saglit lang 'yun pero sapat na para hindi ako makagalaw.
“Thanks. Ang saya ko magkaka-baby na ako.”
“Baliw.” sabi ko na lang at napayuko. Ramdam ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko. Tsk, bakit ba nagpapa-apekto ako sa kanya. Bwisit talaga.
“Mommy ang sweet nila ate at nung boyfriend nya.”
Eh?
“Sa wakas. Babae na ulit ang anak ko.”
Napalingon ako sa likod ko. Sila Mommy, Daddy at Trike. Mas lalong nadagdagan ang hiyang nararamdaman ko. Geez...nandito nga pala sila.
“Totoo ba ang narinig ko anak, magkakaapo na ako sa'yo?” tanong ni mom. Bumalik sa alaala ko 'yung nangyari ng huling beses ko syang makita. Nagtubig kaagad ang mata ko. Nahihiya ako kay mommy, sa mga nagawa ko sa kanya at sa kanila.
“Opo mommy! Buntis po ako.” pag-amin ko. Tuluyan na akong naiyak. Ang sama-sama ko. Ang sama kong anak. Ang bata ko pa at nag-aaral pa, heto buntis na kaagad.
“Sssshhhh...don't cry baby. Makakasama sa inyo 'yan ni baby.” alo sa akin ni mommy at niyakap ako. Lumapit rin si dad at hinalikan ako sa noo tsaka nakiyakap.
“Ang baby namin, magkaka-baby na.”
“Daddy...”
“Ssshhhh...tama na.”
Matagal kaming nagyakap at naghingian ng tawad sa isa't-isa. Ang swerte ko. Ang swerte ko sa magulang ko at mahal na mahal nila ako.
Nang maampat na ang mata namin sa kakaiyak ay pinag-usapan na namin ang magiging set-up ngayon. Kailangan ko daw talagang dito manirahan kay Drei. Labag man sa loob ko ay pumayag na ako. Sa lahat ng ginawa ko, wala na akong karapatang humindi kila mom at dad.
“Kung mag-work out kayo, edi ipagpatuloy mo. Nakikita ko naman responsable at matino si Drei. Try him.” sabi ni mom habang nag-uusap kami sa kwarto.
“Okay mom. I'll try.”
BINABASA MO ANG
Comeback To Me Wife
General FictionEditing. Some chapters will be lost while I am revising this story. Sorry for inconvenience if you encounter one. Warning: Some scene and words are not suitable for young readers. There's a bit of erotic scene. Beware kids! ©SushiLoves