Dalawang linggo ang lumipas. Walang pa ring balita tungkol sa mga anak nila Andrei. Kasalukuyan silang nasa hospital dahil sa na-over fatigue si Cassandra.
May hinala sila kung nasan ang anak nila dahil kasabay ng pagkawala ng mga ito ay hindi na rin nila makita si Dace at Andrea. Hindi lubos maisip ni Cassandra na ang tinuring nyang kapatid na si Dace ay magagawa ito, may parte pa rin sa puso niyang nangangarap na sana ay wala itong kinalaman sa nangyayari.
Unti-unting nagkakaayos sila Cassandra at Andrei. Pero 'di mawala kay Cass ang pagtatampo dahil sa mga nangyari. Gusto man nyang hindi ito pansinin nung mga unang araw ng pagkawala ng anak nila pero kailangan nilang magtulungan.
"Kailangan hong kabitan ng IV fluid ang asawa niyo. Masyado pong bumagsak ang katawan niya. Tsaka Mr. Croix gusto ho sana kayong kausapin ni doc," sabi ng nurse. Tumango naman si Andrei at hinawakan ang kamay na asawa para halikan. Namayat si Cass, wala kasi itong gana sa pagkain. Palagi pang iyak ng iyak. Masyado syang nag-aalala kung kumakain ang mga anak at kung ligtas ba ang mga ito.
Sa tuwing may maririnig na balita ito sa T.V. na may kinalaman sa batang namatay ay nagwawala ito. Hindi nya kayang may mawala kahit isa sa mga anak niya.
Bumukas ang pinto at pumasok si Wayne kasama ang Private Investigator.
"Andrei may sasabihin si JM!" panimula ni Wayne. Naupo ang mga ito sa sofa.
"Sir I found out that Mr. Dace Fontillejo and your sister are with the three kids. Baka ho ang mga anak nyo iyon. Palipat-lipat po sila ng tinutuluyan sa isang bayan sa Cavite. May nakakita po sa kanilang babae na nagtatrabaho sa isang food chain. 'Yung isang bata lang po ang natatandaan nya ang mukha, ito po ang lumabas sa sketch!" may binuksang brown envelope ang PI at isang papel. Inabot niya iyon kay Andrei. Nagtagis ang bagang nito ng makita ang imaheng naka-drawing roon. Mukha 'yun ni Xander.
Nasa kanila nga ang mga anak ko! sa isip ni Andrei. Nagsimula namang humagulhol si Cassandra sa narinig na balita. Nanikip ang dibdib nya sa ideyang baka sinasaktan ni Andrea ang mga anak nila.
"Paano nyo nalamang si ate at Dace ang kasama ng mga bata?" tanong ni Andrei.
"Nakilala po nung babae ang ate niyo dahil dati daw siyang pinatalsik nito sa kompanya nyo! At si Dace, minsan nya raw itong nakitang nag-guest sa isang wedding preparation ng isang artista!"
Dace is a prominent man. Magaling ito sa larangan ng paghahanda ng isang kasal. Hindi akalain ni Cassandra na magagawa ni Dace na sumama kay Andrea at tangayin ang mga anak nila.
"And one more thing Sir. Matagal na pong magkakilala si Dace at Andrea. At sa loob ng siyam na taon ay 'di naputol ang kumikasyon nila kahit minsan."
Nagulat si Cassandra sa nalaman. Buong akala niya ay kakampi niya sa ito. May idiniscuss pa ang PI bago ito nagpaalam. Si Adrian naman ay pinuntahan ang doctor dahil may importante raw itong sasabihin.
"Mr. Croix, Good day!" bati sa kanya ng doctor pagkapasok niya sa office nito. Inaya siya nitong umupo sa silya katabi ng table nito. May kinuhang filer ang doctor at may kung anong binasa roon bago nagsalita. "Hindi lang po over-fatigue ang napansin namin sa asawa nyo..."
Biglang binalot ng takot si Andrei. Natatakot itong baka sabihin ng doctor na may malalang sakit ang asawa niya.
"Napansin ko kasing kakaiba ang pulso ng asawa niyo. Kailan ho ba kayo huling nagkaroon ng sex contact?!" tanong ng doctor.
"A-ah mag ti-three weeks na rin siguro..." kinakabahang sagot ni Andrei. Para siyang sumasagot sa biglaang recitation.
"Well, congrats Mr. Croix!" nakipagkamay ang doctor sa kanya. "Maybe the baby in your wife's tummy is two weeks or more than! Ina-advise kong tutukan nyo ang kalagayan niya. H'wag nyong hayaang maulit ang nangyaring ito,"
Hindi alam ni Andrei kung matutuwa ba sya sa binalita ng doctor. Sa ganitong sitwasyon parang imposibleng sumaya siya. Nag-aalala siya sa para sa batang nasa sinapupunan ng asawa. Baka mapahamak ito lalo na't di maganda ang nangyayari ngayon.
Matapos siyang bilinan ng doctor ay bumalik siya sa kwarto. Wala ang asawa niya sa hospital bed, sinilip niya ito sa c.r. Nakahinga siya ng maluwag ng makita ito na naduduwal roon.
Buntis siya...
Maingat siyang lumapit sa asawa at yumakap mula sa likuran nito. 'Di nya mapigilang maiyak. Hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman. Sa loob ng mga linggong nawawala ang anak nila ay ngayon lang siya naglabas ng luha.
Agad na umikot si Cass para tignan ang asawa. Kitang-kita niya ang malalaking butil ng luha na nagpapatakan mula sa magaganda nitong mata.
"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni Cassandra. Umiling lang si Andrei at yinakap siya ng mahigpit. Matagal silang magkayakap roon kahit parehas tahimik lang.
Nang kumalma si Andrei ay humiwalay ito sa pagkakayakap at hinalikan ang kamay ng asawa. "You're pregnant!" anunsiyo nito.
Hindi na nagulat si Cass. Katawan niya ito alam niyang may nagbabago sa katawan niya. Ilang araw ng masama ang pakiramdam niya, nananabik din siya sa ilang pagkain. Pero dahil sa pangungulila sa anak ay 'di nya magawang makakain ng maayos.
Hinalikan siya ng asawa. "Madadagdagan na tayo! Promise hahanapin ko na sila para mabuo na tayo ulit. Aalis na tayo rito at magsisimula ng panibagong buhay. Lahat ng nangyari dito iiwan natin at mabubuhay tayo ng masaya!" sabi nito. Tumango lang si Cassandra. Lalong nagkaroon ng dahilan na h'wag nya ng ituloy ang balak na pag-iwan sa asawa. Iniisip nyang mas maganda na rin siguro ang balak nh Andrei. Hindi nya kayang mahiwalay na naman sa asawa lalo't magkakaanak na naman sila.
Sumapit ang gabi. Naghahanda na sa pagtulog ang mag-asawa. Gabi-gabi silang nananalangin na sana ay matunton o kaya naman ay maibalik na ang mga anak nila. Magkatabing nahiga ang mag-asawa sa kama. Papatulog na sana sila ng basagin ng isang ingay mula sa phone ni Andrei ang katahimikan. Agad niya itong kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag.
"Hello?" sagot niya. Isang unregistered na number ang gamit ng tumatawag sa kanya.
[How are you lil' bro?]
Agad na nagtagis ang bagang niya ng marinig ang boses ng nakatatandang kapatid.
"Nas'an ang mga anak ko?"
[Easy...they're fine!] Sabi nito may kung anong ingay na maririnig kasunod ay iyak ng mga bata. [Daddy help us...] rinig nyang boses ni Xander.
Naririnig din ni Cassandra ang iyak ng anak. Napaiyak siya sa pag-aalala sa mga ito at sa pagkarinig sa boses nito.
Buhay sila!
[Akin na lang sila ha! H'wag kayong mag-alala. Aalagaan ko sila. Makikita nyo rin ulit sila isa-isa kapag nabwisit na ako sa kanila at ilunod ko sila sa ilog pasig!]
"Walang'ya ka talaga!"
[Whatever!!!...Andrea lower your voiced nagagalit yung katabi nating tenant baka mapalayas na naman tayo rito sa appartment!!!]
And the call was ended. Agad na dinial ni Andrei ang number ng PI nya at ipinaalam ang pinag-usapan.
Sa kabilang dako naman ay may tatlong batang hinahagupit ng sinturon ng isang babae. Galit na galit si Andrea sa mga pamangkin niya. Naaalala niya ang namatay niyang anak sa mga batang 'to. Kung 'di sya nakunan ay dapat kasing-edaran na ng mga ito ang anak niya. Pero hindi, sinisisi nya ang magulang ng mga bata sa pagkagulo ng buhay niya.
Mula ng mawala ang anak niya ay ipinangako niyang gagawin nyang impyerno ang buhay ng kapatid nya at pamilya nito.
***
TBC,
LATER ULIT!!
[14:45, 03.09.15]
Sushi ︶︿︶
BINABASA MO ANG
Comeback To Me Wife
Ficção GeralEditing. Some chapters will be lost while I am revising this story. Sorry for inconvenience if you encounter one. Warning: Some scene and words are not suitable for young readers. There's a bit of erotic scene. Beware kids! ©SushiLoves
