ANDREI
Habang tumatakbo ako sa hallway ay naring kong sumigaw si ate.
“Welcome to hell, Andrei!!”
P*ta! Naloko nila ako. Gusto ko sanang bumalik para sapakin siya kahit isang beses lang pero mas importante ngayon si Cass. Ang tanga ko! Kung kelan siya nagsabi ng totoo tsaka ako di naniwala.
Nang makababa ako ay nakita ko silang nakasakay na sa kotse ni Wayne na ngayon ay palabas na sa highway. Sinubukan kong habulin ang sasakyan nila pero masyado na itong malayo.
***
Buong maghapon akong paikot-ikot at nagbabaka-sakaling makita ko ang mag-ina ko pero wala. Umuwi akong pagod na pagod. Pagkapasok ko ay sinalubong ako ng mga papel na binabato ni Dara.
“Bad ka! Bad ka! Inaway mo si mommy kaya iniwan nya na naman kami!” sigaw nito at nagtatakbo na sa kwarto ng umiiyak.
Oo Dara, ang bad ni daddy...
Napatingin ako kay Xander. He's just staring at me for whole minute. Pinalapit ko siya sa akin. And so he did. Niyakap ko agad siya na naging dahilan ng paghagulhol niya.
“Daddy, iniwan na naman kami ni mommy!” iyak nito. Kasalanan ko kung bakit nangyari 'to. Binuhat ko si Xander.
“Ibabalik ko si mommy. Promise 'yan ni daddy!” pangako ko sa kanya. Inugoy-ugoy ko siya hanggang sa makatulog. Doon ko na sya dinala sa kwarto namin ni Cass.
Sunod ng pinuntahan ko naman ay si Dara. Hindi ko sya nakita sa kwarto nila kaya hinanap ko siya sa ibang kwarto at sa baba. Bigo akong makita siya kahit saan. Bumalik ulit ako sa kwarto niya at tinignan kung nasa ilalim siya ng kama o closet. Pero laking gulat ng makitang bawas na roon ang mga damit niya. Nagsimula akong kabahan. Agad akong bumaba at tinignan ang gate. Putsha. Bukas.
Naglayas ba siya? No Dara baka mapahamak ka lang.
Sumakay ako sa sasakyan at hinanap siya sa buong subdivision pero wala. Nag-report na din ako sa pulis. Takte! Ano ba 'tong mga nangyayari?
Nagpunta ako sa bahay nila ate pero walang tao roon. Si Adrian lang ang inabutan ko na mukhang kakauwi lang bago pa man ako makalabas ng bahay.
“O kuya? Anong ginagawa mo rito? Wala rito si ate. Kung balak mo siyang saktan. Sinasabi ko sa'yo, babae siya at ate pa rin natin siya. Sana intindihin mo na lang!”
“Intindihin?” tumawa ako ng peke. “Hindi kasi ikaw ang nawalan ng minamahal at hindi mo sariling pamilya ang nasira. Adrian niloko nya tayo. Pinaniwala! Pinagmukha niya tayong tanga.” buong sama ng loob ng sabi ko. Ang sakit sakit na maiwanan na naman, but this time alam mong maling-mali ka. At baka 'di nya na ako mapatawad. Sa mga sinabi kanina ni Cass, natauhan ako.
“Hindi ba dapat mas pinagtutuunan natin siya ng pansin. Kuya nababaliw na si ate. We should put her in the right place. Tulungan natin siyang gumaling.”
“Go on! Dalhin mo s'ya sa mental. Wala na akong pakialam sa kanya.” naglakad na ako pabalik sa kotse. Simula ngayon kakalimutan ko ng may ate akong katulad niya.
***
Buong magdamag kong hinanap si Dara pero nabigo akong makita siya. Kahit na ang mga pulis, hirap na hanapin siya.
Pagkauwi ko sa bahay ay nadatnan kong nagkakagulo ang mga tao roon. Mukhang may nangyaring 'di maganda. Unang pumasok sa isip ko si Xander. Agad akong lumabas sa sasakyan at pumasok sa loob.
Napahinto ako ng makita si Cassandra na nagwawala sa loob.
“Sabihin nyo kung s'an dinala ni Andrei ang mga anak ko! Sabihin nyo sakin kung nas'an sila!” sigaw niya at hinagis ang vase. Anong sinasabi nya? Dinalo ko? Sino? Ang mga bata?
“Cass…” tawag ko sa kanya. Napalingon sya sa akin at nagmadaling pumunta sa kinaruroonan ko. I was shocked when she slapped me.
“Ibalik mo sa akin sila Drei. Walang hiya ka! Sinaktan mo na ako, kinuha mo pa ang mga anak ko!” sabi nito habang patuloy akong sinasampal. Tama ba ang narinig ko? Pati si Drei nawawala? Hinawakan ko ang magkabilang kamay ni Cassandra para pahintuin siya. Panay ang palag niya kaya niyakap ko siya. Binalingan ko ang mga katulong.
“Check Xander if he's in the room!”
Agad na tumalima ang mga katulong at umakyat.
“Nandito sila?” tanong ni Cass. I hope so! Sana nandito pa si Xander. Dahil hindi maganda ang kutob ko kung sakaling wala rin siya.
“Dara's missing! Ngayon lang ako nakauwi dahil hinanap ko siya magdamag,”
“WHAT?!” gulat na sigaw niya. Sasagot pa lang sana ako ng magbabaan ang mga katulong.
“Sir wala po si Xander!!!”
Sh*t!
***
TBC,
2 UPDATES PER DAY SIMULA BUKAS!
LAST NA SABAW CHAPTER NA 'TO! NEXT CHAPTER MAHAHABA NA...XOXO
[03.08.15]
Sushi ︶︿︶
BINABASA MO ANG
Comeback To Me Wife
Fiksi UmumEditing. Some chapters will be lost while I am revising this story. Sorry for inconvenience if you encounter one. Warning: Some scene and words are not suitable for young readers. There's a bit of erotic scene. Beware kids! ©SushiLoves